03/07/2025
Isa na namang haligi ng industriya ang nawala Paalam po Manay Lolit Solis, rest in paradise๐
JUST IN: Pumanaw na ang batikang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa edad na 78, ayon sa post ng aktor na si Niรฑo Muhlach ngayong Biyernes, July 4, 2025.
Sa kanyang post, ibinahagi ni Niรฑo ang larawan ni Manay Lolit na may caption na, โPaalam Nanay Lolit Solis.โ
Si Manay Lolit ay matagal nang kilala sa showbiz bilang isang matapang, matalas, at matapat na komentaryo sa mga isyung showbiz, at sa pagiging malapit niya sa maraming sikat na artista.
Sa mga nakaraang buwan, si Lolit ay humaharap sa malubhang problema sa kidney at sumasailalim sa dialysis treatment dalawang beses kada linggo. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatili siyang positibo at nagpapasalamat sa buhay na ipinagkaloob sa kanya.
Ibinahagi rin niya noon na handa siyang tanggapin ang mga limitasyon sa kanyang kalusugan at nagpaabot ng pasasalamat sa mga patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
Hanggang sa huli, bukas si Manay Lolit sa kanyang mga karanasan, pinili niyang ibahagi ang kanyang kwento sa publiko tanda ng kanyang tapang at dedikasyon.
Salamat, Manay Lolit, sa iyong kontribusyon sa industriya at sa mga kwento mong nagpatawa, nagpaluha, at nagbigay-linaw sa maraming isyu ng showbiz.