11/04/2026
" Gintong Buhay"
Batid ang Hirap
Ngunit hindi hapo ang ramdam
Sa gabing puyatan
Ngiting tulog ang pumupukaw
Pamaypay koy sapat hangin sana
Sa Tulog moy guminhawa
Iyak moy pumukaw pansin
Sa tiyan mong my kaylangan punuin
Babangon upang ikaw ay alawin
Ipapawi ang luha, himig ng boses sa hangin
Oh mahal, batid kung ito ay hindi mo pa alam
Paghihirap ay wag mu ng malaman
Pagkat ikaw ang tinatangi kung kayamanan
Gintong buhay ang patunay.