16/10/2025
Mga residente sa Brgy. Citrus sa Lunsod ng San Jose del Monte nangangamba sa natitibag na daan sa gilid ng sapa
Ramil Victorio
SAN JOSE DELMONTE, Bulacan -- Nangangamba ang mga residente sa UC4-B, Brgy. Citrus, sa Lunsod ng San Jose del Monte sa Bulacan dahil unti-unting natitibag ang kanilang daanan sa gilid ng Isang sapa sa kanilang lugar.
Ang nasabing sementadong landas ng tao ay may lapad na dalang metro ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unting natitibag ang ilang bahagi nito kung saan may mga lugar na halos kalahating metro na lamang ang lapad nito.
Ayon sa mga residente sa nasabing lugar, ang nasabing daan ay isang short cut ng kanilang barangay patungo sa kabayanan ng kanilang Lunsod.
Nangangamba si Esther Beringuel na ang natitibag na daan sa kanilang barangay ay maaaring makadisgrasya sa mga tao na dumadaan dito, partikular na ang mga estudyante, lalo na kapag may malakas na buhos ng ulan.
Sinabi naman ni Mark Rontos Aboga na Taong 2023 pa ng nagsimulang gumuho ang ilang bahagi ng daan tuwing may malakas na pagbuhos ng ulan.
Sa panayam naman kay Kapitan Larry Demo nt Barangay Citrus, sinabi nito na nailapit na nila Ang problema ng natitibag na daan kay San Jose del Monte Mayor Rida Robes sa pamamagitan ng isang Kapasiyahan na pinagtibay Sangguniang Barangay.
Ang nasabing kapasyahan ay pinagtibay dahil na rin sa kahilingan ng mga residente sa nasabing lugar para mapaayos Ang natitibag na daanan.
Panawagan ng mga residente na sana ay magawan ng kaukulang aksiyon Ang nasabing problema sa lalong madaling panahon hanggat Hindi pa tuluyang natitibag ang ilang bahagi ng nasabing daanan.