Apostolic G1

Apostolic G1 Put God first and you will never be last.

24/05/2025
01/05/2025

Alive and well 🙌🏿

Hindi matutumbusan ng kahit anuman dito sa mundo kung anong klaseng kabutihan at pagmamahal ang ibinigay ng Diyos sa atin. Kung bakit nananatili kang nakatayo ngayon hindi yun dahil sa lakas at galing na meron ka kundi dahil sa awa at habag ng Diyos para sayo.

-Though he brings grief, he also shows compassion because of the greatness of his unfailing love.

lamentations 3:23

Salamat sa sapat. Sa biyayang hindi laging sobra, pero hindi kahit kailan nagkulang. Sa tugon na hindi dumarating agad-a...
31/12/2024

Salamat sa sapat. Sa biyayang hindi laging sobra, pero hindi kahit kailan nagkulang. Sa tugon na hindi dumarating agad-agad, pero natatanggap sa tamang oras. Salamat din kung may hihigit pa sa sapat. Pero sapat na ang sapat para mapatunayang palagi Kang tapat. 👆🏿

🙏🏽
24/11/2024

🙏🏽

"'Some of God's greatest gifts are
unanswered prayers." 🤍

Dahil ang hindi pagtugon minsan ng Lord sa panalangin mo ay yun ang makakabuti para sayo dahil alam ng Diyos palagi kung makakabuti ba sayo ang pinapanalangin mo palagi mong tandaan na mas maganda palagi ang plano ng Diyos kesa sa plano mo, iba ang kaisipan ng Diyos sa kaisipan mo.

"God works in mysterious ways and he knows what's best for us. Put all your trust in Him. ☝🏽

22/08/2024

Hindi ko malilimutan yung pagkakataon sa buhay ko na kung saan inalis ako ng Diyos sa kadiliman at yun yung time na nameet at tinawag ako ng Diyos. Pag nababalikan ko nga sabi ko grabe yung pagmamahal talaga ng Diyos sa buhay natin kung tawagin ko nga yun "unending love" walang limit, walang hanggan na pag ibig, meron palang ganung klase ng pag ibig yung hindi masukat.

Sabi ko nga Lord, hindi ko to deserve pero pinaramdam mo sakin yung pagmamahal na sobra sobra. Wala akong maipagmamalaki Sayo Lord, dito sa lupa naranasan ko yung mga bagay na labag sa harapan mo, yung mga bagay na makakapag pasaya sa tingin ko bilang tao pero isang bagay ang nakita at napatunayan ko walang kahit ano ang makapag pupuno sakin kundi yung isang bagay na meron ako yun yung nakilala kita Lord..

And this song reminds me na I am blessed beyond measure despite ng mga kahinaan ko.

𝙏𝙃𝙀 𝙊𝙉𝙇𝙔 𝙊𝙉𝙀 𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘾𝘼𝙉 𝙏𝙍𝙐𝙇𝙔 𝙎𝘼𝙏𝙄𝙎𝙁𝙔 𝙏𝙃𝙀 𝙃𝙐𝙈𝘼𝙉 𝙃𝙀𝘼𝙍𝙏 𝙄𝙎 𝙏𝙃𝙀 𝙊𝙉𝙀 𝙏𝙃𝘼𝙏 𝙈𝘼𝘿𝙀 𝙄𝙏. ☝🏾

But he said to me, "My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness." Therefore I will boast all the more gladly of my weaknesses, so that the power of Christ may rest upon me.
- 2corinthians 12:9

Lord.. "I lost everything." Naging panalangin mo na din ba ito? Sometimes the most honest prayer is yung hindi mo alam k...
06/06/2024

Lord.. "I lost everything." Naging panalangin mo na din ba ito? Sometimes the most honest prayer is yung hindi mo alam kung ano ang panalangin na sasabihin mo sa Lord and you're just crying to God. Hindi tayo malakas palagi, hindi rin palaging meron pero palaging pwedeng maging totoo sa Panginoon. Kung minsan dumarating tayo sa punto ng buhay natin na para bang naliligaw tayo at parang nasa kawalan na hindi palaging pumapabor satin ang panahon. May mga downfall tayo sa buhay na hindi natin inaasahan, ang kahapon ay hindi kagaya ng kung anong meron ngayon.
Darating ka talaga sa punto na makikita mong totoong totoo ang mga talo mo sa buhay.

Pero palagi mong tandaan na palaging ganap ang pag-ibig ng Diyos sa atin at mabatid mo sanang this is just a season. Hindi ko alam kung kailan pero maniwala kang darating at darating din ang inukit mong panalangin sa puso mo at magkakatotoo din ang bulong mo sa hangin.
Patuloy ang buhay.. 🙏🏿

Nag rereklamo ka sa trabaho na meron ka, habang yung trabaho mo pinapangarap ng iba. Minsan naiinis ka sa anak mo na sob...
28/05/2024

Nag rereklamo ka sa trabaho na meron ka, habang yung trabaho mo pinapangarap ng iba. Minsan naiinis ka sa anak mo na sobrang kulit, pero yung iba nangangarap na magkaroon ng anak. Hindi mo gusto ang bahay na meron ka, pero yung iba nakatira sa kalsada walang matuluyan. Minsan gusto mong bawiin sarili mong buhay, pero yung iba gagawin ang lahat para mabuhay.
Minsan hindi tayo masaya kasi hinahanap natin ang mga bagay na wala sa atin, bakit di natin subukan tumingin sa paligid at makikita mo napaka daming bagay na meron sayo na pinapangarap ng iba.
Huwag muna hanapin ang bagay na wala sayo, at sa halip magpasalamat sa mga bagay na meron sa atin.

Maging mapagpasalamat tayo sa kakaunti ng sa gayon ay ibless tayo sa maraming bagay at maraming kaparaanan. Learn to appreciate everything na meron ka maliit man yan o malaki ang tawag dyan ay pagpapala na galing sa itaas. 🙏🏿

-ApostolicG1

"𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘶𝘶𝘣𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘳𝘢𝘴𝘰𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺."Narealize ko lang sa buhay na kahit gaano mo pala kagusto yung isang bagay na ...
10/05/2024

"𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘶𝘶𝘣𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘳𝘢𝘴𝘰𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺."

Narealize ko lang sa buhay na kahit gaano mo pala kagusto yung isang bagay na ginagawa mo darating pa ren yung time na mapapagod ka.

Kung ang passion mo ay pagiging isang photographer ang pagkuha ng iba't ibang larawan darating ang oras na mawawalan ka ng gana sa ginagawa mo kahit gaano mo pa ito kagusto. Kung hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi ka nakakapagluto ng ibat ibang klase ng masasarap na pagkain darating yung time na mapapagod ka at ayaw mo ng gawin ito.

Sabi nila ang pinakamalungkot daw na parte sa araw ng isang tao ay yung kalagitnaan ng gabi kasi yun yung time na makakaramdam ka ng lungkot, Sa paghiga mo andun yung pag iisip mo sa mga bagay bagay sa buhay mo andun yung kung minsan mafifeel mo na mag isa ka andun yung sobrang pag iisip. Madalas natin hinahanap yung mga bagay na wala tayo at di natin naaappreciate kung anong meron tayo.

Oo may mga rason para huminto, pero hindi nagkulang ang Diyos na magbigay ng isang malaking rason para magpatuloy.

Habang nagpapatuloy ako kasama ng Diyos, natututo ako kung ano talaga ang kahulugan ng Kanyang habag at biyaya. Kapag napagtanto natin ito, ito ay higit pa sa sapat na dahilan upang hindi huminto.

Katulad ng isang eroplano wag kang matatakot na lampasan yung mga matataas na bagay o sitwasyon sa buhay mo hindi mo man nakikita ang daan pero maniwala ka na darating ka sa destinasyon na nilaan para sayo.

May your bad days prove that God is good 🤍

Maranatha kapatid! Keep Going..
-ApostolicG1

Nabalikan ko yung pagkakataon sa buhay ko na punong puno ako ng mga kabigatan sa buhay at bilang isang tao nangibabaw an...
06/05/2024

Nabalikan ko yung pagkakataon sa buhay ko na punong puno ako ng mga kabigatan sa buhay at bilang isang tao nangibabaw ang malaking emosyon na ang tanging solusyon na alam ay sa sariling kaparaanan.

Masasabi ko na marami ng pinaranas sa aking sakit ang Lord marami din akong mga silent battles sa buhay na naranasan to the point na no way to run dahil para sakin nga noon ang kakayahan lang na meron ako ang alam kong sagot. Lagi kong naneneglect na merong Diyos na kakampi sa lahat, Until the time sa pinaka mabigat at mahirap na sitwasyon ang mga luhod ko mismo ang kusang lumuhod at nangusap sa Diyos.

Sa mga panahong hindi mo na kinakaya walang pinipiling oras at lugar ang pagpupuri sa Diyos ang kanyang pagsaklolo sa kanyang anak ay palaging on time, on the go laging kang inaabot ng Diyos.

Ikaw na kagaya ko gusto kong malaman mo na wala man sa harapan, likuran o sa magkabilang gilid man ang kasagutan sa lahat. Tumingala ka dahil naroon ang kasagutan nasa itaas, If you are no way to run just looked up your head and pray. Worship is the best armor against all trials.

-ApostolicG1

02/05/2024

Walang taong tapat na pinabayaan ng Diyos.

27/04/2024

Your career makes a living but your calling makes your life.

Address

Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Apostolic G1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category