11/08/2025
Dear Pasigueños, This morning, PBBM presented the Top 15 DPWH Contractors for Flood Control Projects. You may have noticed that Alpha & Omega is Top2 and St. Timothy is Top3; these companies, along with others including ST. GERRARD, are all owned and controlled by the DISCAYAS.
Ngayon, unti-unti nang nalalaman ng taumbayan ang buong katotohanan.
As the president told them during the SONA, "MAHIYA NAMAN KAYO!"
Ano nga ba ang kalakaran dito?
While it is often difficult to pinpoint specific people, all of us in government know that this is true. Mga kapitan at politikong kasama rin naman nila ang unang nagkuwento sa akin kung pano ang ginagawa nila...
THE 6 STAGES OF CORRUPTION:
(1) Procurement/bidding pa lang maaaring may anomalya o collusion na;
(2) Sa project implementation mismo, maaaring SUBSTANDARD, o gaya ng sabi ng Pangulo mismo nung SONA, "yung iba ay GUNI-GUNI lang";
(3) May mga SOP o porsyento na diumano'y umaabot sa mahigit kalahati ng project cost (Mayor Magalong and Sen. Lacson have both talked about this recently);
(4) May corruption na mga sa proyekto, hindi pa nagbabayad ng tamang buwis sa BIR;
(5) Kulang din ang binabayaran nilang business taxes sa LGU. Yung isang kompanya, top contractor, pero nagdeklara sa LGU ng ZERO gross revenue. Grabe, diba?;
(6) Pag master na ang 1-5, papasok na rin sa politika. Yung 1% ng nakaw ibibigay sa tao bilang "tulong" Para magmukha silang mabait .buti na lang puro talo kandidato nung taga-Pasig, pati sa Partylist.
Pasigueños, it may be difficult and even dangerous, but let's do our part in exposing and ending these systemic practices of corruption.
For the LGU's part, first, we will send to the President all of the information and red flags that we see. Second, we will continue the cases against these people so that we can collect the MILLIONS IF NOT BILLIONS OF PESOS that they owe the LGU in business taxes.
Makolekta lang natin ang utang nilang Business Tax sa LGU, may pondo na ang Pasig para ipagawa ang Building para sa Judiciary at National Government Agencies nang wala nanamang binabawasan mula sa ibang programa!