13/07/2026
Very timely ang preaching kahapon at yung nakita kong post about sa mga members of the church na nagba-bahay bahay para magbahagi ng salita ng Diyos. Naalala ko na isa na’ko noon sa mga nagtago nung binalik-balikan na’ko. Sorry po Lord. 🫣
Dati, tinataguan ko yung mga nagshe-share ng gospel simply because akala natin pipilitin tayong umanib sa kanilang relihiyon but now, I truly understand that it’s not about the religion, it’s about accepting Jesus Christ as our Lord and Savior. Kahit ano pang relihiyon mo, iisa lang ang goal nating lahat, to have an eternal life with God.
Si Jesus and His apostles nga, ginagalugad yung iba’t ibang lugar to look for impure people or unbelievers to share the gospel. Dahil dun, nagkaron ng mga testimonies kung paano nabago ang faith nila na naibabahagi sa iba.
Tayo pala talaga ang hindi nagwe-welcome sa Kanya kaya nagtatago tayo. 🥺
Bakit nga ba tayo nabubuhay? Hindi ko alam ang purpose ko before, just eat, work and earn for a living. Basta hindi tayo nkakasakit at perwisyo sa iba ay ok na.
Hindi lang pala natatapos doon ang buhay, we need to share the gospel to save the lost.
Sa dami ng nangyayari ngayon na di maganda, anytime pwedeng bumalik si Jesus. What if tomorrow na pala at di pa natin nagagawa yung purpose natin.
What will I do now after hearing the preaching yesterday?
This is also my prayer, sana mawala na yung mga agam-agam ko at wag matakot sa rejection kung taguan din ako or taasan ng kilay. 🥹
Basta ibigay ang lahat ng papuri sa Diyos sa anumang bagay na ginagawa natin and He will do the rest. 🙏🏻