mommy Ayah.

Directions Website

mommy Ayah. simpleng jologs na masayahin
(6)

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Marites D. Lausen, Marites Baling Caneda Arcala, Melgar J...
06/10/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Marites D. Lausen, Marites Baling Caneda Arcala, Melgar Jane, Dixon Lid-ayan, Mah Ay, Dipak Bogati, Vikash Sachan, Vijay Kumar, Romalyn Montilla, Manoj Kumar, Omar Gabr Hussein Alaads, Jun Mini Mini Blogs, Jfour Vlogz, Nudz Vlog, डा. दिव्य दीप्ति आर्या, Rod Garcia Du, Roshan Singh Rajput, រឹន សុវណ្ណារី, Reynante Gabatan, Amie Surio, Judesa Agustin Pascua, Jaja Cainghug, Maninder Singh Roma Dhaliwal, Nonhlanhla Mchunu, Carmen Madelozo, Mohau Marumong, Blessing Godwin Ogbe, P*s Angelbs Jaran, Bart Chun, Mamon Sekh, Harry Pogado Comaling, Sagita Sonam, Bebemar ALcayde Barte, Řx Řohan, CeeJelz Lucas, Roland Mira, Juan Dedios Lopez, Rahul Pandit, Dada Bert, Marybell Zuñiga Samulde, Rupa Kumari, Adel Pleños Libron, Ernie Magsalay, Raulito Alimpolos, Ank Ita, Danilo Bartolata Gerero, Danilo Tapulao, Mercidita Impil, Nur Jahan Sumi, Mit Hi Der Pelitro
Sa mga bago kung tagasunod maraming- maraming salamat PO Pati dun na mga luma na na2tili sa tabi ko salamat din sa walang sawang suporta niyo, mahal ko kayo 🙏🏽❤️🙏🏽

06/10/2026

Pang healthy muna tayo ngayong hapon !🍎🍏pamatid uhaw at pampalakas ng katawan para sa tuloy - tuloy na laban.kumain Nana kayo ng meryinda mga MADI & PADI ?❤️

Anuman ang Pag subok ngayong araw,tandaan niyo na hinde kayo nag iisa kasama natin c lord sa bawat hakbang!🛡️✨Bangon at ...
05/10/2026

Anuman ang Pag subok ngayong araw,tandaan niyo na hinde kayo nag iisa kasama natin c lord sa bawat hakbang!🛡️✨Bangon at ngumiti LNG mga MADI & PADI

GOOD NIGHT EVERYBODY 😴 Post ko lng bago Amagin sa gallery 🤣 Liang Beach 🌊Parang alon ng dagat — lumalayo, bumabalik, per...
05/10/2026

GOOD NIGHT EVERYBODY 😴
Post ko lng bago Amagin sa gallery 🤣

Liang Beach 🌊
Parang alon ng dagat — lumalayo, bumabalik, pero hindi tumitigil. Gaya ng buhay ko, may mga lumalayo, pero may mga ganda rin na nananatili. 💙

Dito sa Liang Beach, sa gitna ng asul na tubig at bato, naintindihan ko: hindi kailangang magmadali. Dadating din ang tamang oras para sa akin. ✨

05/10/2026

Simpleng lutong bahay LNG Pero buong puso ang paghahanda!🤤kain tayo mga MADI & PADI sabay - sabay tayong mag hapunan.ano ulam niyo ngayong hapunan comments niyo nman ng matikman!😋☺️

05/10/2026

Yung first time mong mato2 gumawa ng vedio sa capcut
Pero hinde ka satisfied KC hinde mo nman kamukha,
Hinde rin ako natuwa😀pambihira🤣🤣

04/10/2026

Yung wala akung maisip na vedio dahil
Masama pakiramdam ko tapos Pag bukas ko ngayong ng Cp ko nakita ko ito 😍
Thank you sa DoC love ko thank you sa Pag aalaga Kay mommy I love you❤️❤️

04/10/2026

Grabe, eto na siya — yung sikat na Parsley Garlic Salt! 🧄🌿
Sabi nila sobrang sarap daw — kaya ngayon subukan na natin kung totoo ba talaga! Abangan niyo ang lasa! Hahaha! 😍✨

Panginoon, salamat po sa araw na ito. Ingatan Niyo po ang aking pamilya at lahat ng nagbabasa. Punuin Niyo kami ng kapay...
03/10/2026

Panginoon, salamat po sa araw na ito. Ingatan Niyo po ang aking pamilya at lahat ng nagbabasa. Punuin Niyo kami ng kapayapaan, kalakasan, at pagpapala. Sa Inyo kami nagtitiwala — hindi pa huli ang lahat, may pag-asa palagi. Amen. 💙

Sino mag-aakala na yung taong laging nakangiti sa camera, sobrang bigat pala ng mga pinagdaang problema? Iyan ang kwento...
03/10/2026

Sino mag-aakala na yung taong laging nakangiti sa camera, sobrang bigat pala ng mga pinagdaang problema? Iyan ang kwento ko — sa likod ng bawat ngiti, may dalang hirap na halos hindi na kaya.

Sa dami ng problema, minsan parang hindi ko na alam kung saan magsisimula. Parang sobrang dami nang nangyari — sapat na para gawing isang mahabang pelikula ang buhay ko.

Nagsimula ang lahat nang maghiwalay kami ng EX ko. Noong panahong iyon, pakiramdam ko nawala na ang lahat. Ang lungkot at bigat ay hindi ko maipaliwanag — at doon pumasok ang alak at ang pag ra -rides, ang naging kasama ko sa loob ng sampong taong mag-isa ako. Walang nakakaunawa, walang makausap, kaya ang sarili ko lang ang sandalan ko.

Ang masaklap pa — yung taong tumulong sa akin noon para makalayo sa halimaw, siya rin pala ang sumaksak sa akin sa likod. Umalis ako noon na walang kahit anong dala — talagang nagsimula ako sa wala. Wala akong pera, wala akong gamit, wala akong hawak kundi ang takot at pangamba. Pero buti na lang — may mga kaibigan akong may mabuting puso na tinulungan akong bumangon muli. At buti na lang, may kuya akong laging nandiyan para gabayan ako sa bawat hakbang.

Nagdesisyon akong mag-abroad. Sa Jeddah ako nagtrabaho. Doon ko lang nalaman na ang aking mga magulang ay natuklasan na rin ang tunay na dahilan kung bakit ako lumayo nang kusa. Kung hindi ako lumayo… baka wala na ako sa mundong ito ngayon. Iyon ang tanging paraan para iligtas ang sarili ko — lumayo sa lugar na pwedeng sumira sa akin. Ang mahal ng buhay, at natutunan kong pahalagahan ito kahit sa gitna ng hirap sa ibang bansa.

Doon sa Jeddah, ang tatay ko ang naging lakas ko — hindi lang tatay, kundi tropa ko, best friend ko. Lagi niyang sinasabi sa akin: “Anak, kapag alam mong nasa tama ka — lumaban ka.” Salamat sa kanya, dahan-dahang bumalik ang dating ako — yung dating masayahing tao, yung dating may pag-asa.

Pero parang nagbibiro ang langit — kung kailan bumalik na ang dating ako, saka naman binawi ng langit ang tatay ko. Yung taong naging lakas ko sa malayo, yung laging nagpapalakas sa akin… biglang nawala. Para akong nabalian ng pakpak. Parang nawalan ako ng pundasyon. Mahirap tanggapin — pero kailangang magpatuloy.

Pag-uwi ko mula sa Jeddah, naghanap agad ako ng trabaho — kahit ano, basta sapat ang kita para matustusan ang pangangailangan ng mga anak ko. Kaya nagbantay ako, naging guwardiya. Sa awa ng Diyos, naging mahusay akong guwardiya. Ginawa ko ang lahat, nagtiyaga, nagpuyat, nagtrabaho nang marangal — para sa kanila, at para sa alaala ng tatay ko.

Sampung taon na palang lumipas mula nang maghiwalay kami. Akala ko, magtanda na akong mag-isa. Akala ko iyon na ang tadhana ko — mag-iisa hanggang sa huli. Pero bago pumanaw ang tatay ko, may iniwan siyang salita na tumatak sa puso ko: “Anak, kapag may dumating na manatili sa iyo, tanggapin mo. Kailangan mo rin ng kasama sa buhay.”

Hindi ko inakala na totoo ang sinabi niya. Dumating siya — ang aking Darling. Takot pa ako noong una. Sabi ko sa sarili ko: “Sino bang tatanggap sa akin? May mga anak na ako, hindi na ako bago.” Kaya naghamon ako sa tadhana: “Kung makakarating siya sa bahay ng kuya ko, siya na ang hinihintay ko.”

At nangyari nga. Dumating siya. Nanatili siya. Pinatunayan na hindi huli ang lahat.

Buti na lang, marunong ang Diyos — dahil binigyan Niya ako ng bagong makakasama. Hindi man Niya ako binigyan ng marangyang buhay, buong-buo naman ang tiwala at pagmamahal na ibinigay niya. Tinanggap niya ako nang buo — pati na ang mga anak ko, walang pag-aalinlangan. 💙

Kaya kung nagkamali man ako sa unang pag-ibig, hindi ko na kailangang hanapin — ang tunay na pag-ibig ay kusang dumarating sa tamang panahon. Sabi nga nila, minsan ang mga taong dumarating sa atin ay mga gabay lamang — upang dalhin tayo sa taong talagang nakalaan para sa atin. At sa wakas… nakarating na siya sa akin.isa nalang yung hinihiling ko na Sana bago matapos ang taong ito maipanalo kuna kung anong gusto ko 🙏🏽❤️

Hindi pa huli ang lahat. Ang pag-ibig na totoo — hinding-hindi ka iiwan sa gitna ng ulan. 🙏

Address

434 Gavino Street Prenza 1 Marilao
Bulacan
3319

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when mommy Ayah. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share