BARETANG UNHAN BULAN

BARETANG UNHAN BULAN LGU BULAN SOCIAL MEDIA BUREAU

𝗗ugo Mo, Buhay Ko! ❤️🩸Team Bulan Mobile Blood Donation Drive – Another Life-Saving Success!Matagumpay na naisagawa ngayo...
07/11/2025

𝗗ugo Mo, Buhay Ko! ❤️🩸
Team Bulan Mobile Blood Donation Drive – Another Life-Saving Success!

Matagumpay na naisagawa ngayong Nobyembre 7, 2025 ang Mobile Blood Donation Drive para sa mga clustered barangays ng A. Bonifacio, Beguin, Daganas, Jamorawon, Lajong, Montecalvario, at Sta. Remedios, na ginanap sa Barangay Lajong Evacuation Center.

Pinangunahan ni Dr. Kates Rebustillo kasama ang MBD Coordinator Nurse Czarina Borras, at ang buong MBD Team na binubuo ng mga Medical Technologists, Nurses, at Barangay Health Workers ng Municipal Health Office, gayundin ang mga nurses at midwives ng DOH-HRH.
Katuwang din dito ang Barangay Health Workers mula sa nasabing clustered barangays, na naging mahalagang bahagi ng matagumpay na mobilisasyon ng mga donor.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Bicol South Luzon Sub-National Reference Laboratory – Blood Center, Legazpi City.

💉 Kabuuang Resulta:
🩸 Total Volunteer Donors: 69
🩸 Total Blood Collected: 60
🩸 Complete Donations (450 ml bags): 54
🩸 Incomplete Donations: 6
🩸 Donors who failed the screening: 9
👨‍🦰 Male Donors: 30 | 👩‍🦰 Female Donors: 24

Natapos ang aktibidad dakong 12:15 ng hapon, na naging patunay ng patuloy na diwa ng bayanihan, malasakit, at pagtutulungan ng mga Bulaneño para sa kaligtasan at kalusugan ng bawat isa. 💪🫶

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating volunteer donors, Barangay Health Workers, at mga katuwang na ahensya — tunay na ang dugo ninyo ay pag-asa ng iba! ❤️

𝗦ama-samang Pagpaplano para sa Mas Malusog at Pantay na Barangay! 🥦👩‍⚕️👨‍⚕️Matagumpay na naisagawa ang 2-Day Barangay Nu...
07/11/2025

𝗦ama-samang Pagpaplano para sa Mas Malusog at Pantay na Barangay! 🥦👩‍⚕️👨‍⚕️

Matagumpay na naisagawa ang 2-Day Barangay Nutrition Action Plan (BNAP) Workshop na pinangunahan ng Municipal Nutrition Action Office, sa pamumuno ni Nurse I / MNAO Designate Eman G. Gordola, RN, nitong Nobyembre 6–7, 2025 sa Don Federico Gerona Hall, Old Presidencia, Zone 4, Bulan, Sorsogon.

Layunin ng aktibidad na mas mapaigting pa ang mga programang pang-nutrisyon sa bawat barangay sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano, pagtukoy ng mga suliranin, at pagbabalangkas ng mga konkretong hakbang tungo sa mas malusog at inklusibong komunidad. 💪

Dumalo rin si Municipal Mayor, Hon. Romeo A. Gordola, at nagpaabot ng kanyang taos-pusong pasasalamat at paghanga sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) bilang mga tunay na tagapagpatupad ng mga programang pang-nutrisyon ng pamahalaan sa antas barangay. Ipinahayag din niya ang kanyang pangako na madadagdagan ang kanilang kompensasyon sa oras na lumago pa ang kita ng Lokal na Pamahalaan. 👏💚

Binigyang-diin din ni Mr. Mikhail Paolo Rosil, GAD Focal Person, ang kahalagahan ng pag-align ng BNAP sa mga Gender and Development (GAD) advocacy programs ng pamahalaan upang matiyak na parehong nakikinabang ang kababaihan at kalalakihan sa mga programang pang-nutrisyon. 💜

📚 Mga Paksa at Gawain:

➡️ 1st Day – “Why Invest in Nutrition” at “The Nutrition Program Management (NPM)” tinalakay ni Nurse I / MNAO Designate Eman G. Gordola, RN;
“Ensuring Budgets for Nutrition” at “Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023–2025” ni NDDP Suzette T. Reforsado, RND;
at ang Workshop on Formulation of Problem Tree, Objective Tree, and Setting Outcome Targets na pinangunahan ni PHO Program Coordinator Frederiel B. Tarnate.

➡️ 2nd Day – Workshop on BNAP Implementation Plan: Pagbubuo ng Aktibidad at Programang Pang-Nutrisyon, Implementation Arrangement, at Monitoring and Evaluation Plan and Tool na pinangunahan ni Irosin MNAO Emelyn Vidar;
Workshop on Packaging the BNAP ni NDDP Suzette T. Reforsado, RND;
at Workshop on Re-Entry Planning ni Nurse I / MNAO Designate Eman G. Gordola, RN.

Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pondo mula sa Gender and Development (GAD) Program, at nagtapos sa pagbibigay ng mga sertipiko sa mga kalahok bilang pagkilala sa kanilang aktibong partisipasyon at dedikasyon sa pagsusulong ng kalusugan, nutrisyon, at gender equality sa kani-kanilang barangay. 🏅

👏 Maraming salamat sa lahat ng lumahok! Sama-sama nating isulong ang malusog, produktibo, at pantay na Bulan! 🌽🥕🍚

SIGNAL NO. 1 nakataas na sa buong probinsya ng Sorsogon ayon sa Tropical Cyclone Bulletin No. 1 ng DOST-PAGASA dahil sa ...
07/11/2025

SIGNAL NO. 1 nakataas na sa buong probinsya ng Sorsogon ayon sa Tropical Cyclone Bulletin No. 1 ng DOST-PAGASA dahil sa bagyong .

Mag-ingat ang lahat at mag-antabay sa mga anunsyo ng DOST-PAGASA at ng Lokal na Pamahalaan.

BLESSING AT INAGURASYON NG PHASE 4 NG BULAN PUBLIC MARKET AT SABANG PARK PAVILION, MATAGUMPAY NA ISINAGAWABulan, Sorsogo...
07/11/2025

BLESSING AT INAGURASYON NG PHASE 4 NG BULAN PUBLIC MARKET AT SABANG PARK PAVILION, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

Bulan, Sorsogon — Isinagawa ngayong hapon, Nobyembre 7, 2025, sa Bayan ng Bulan ang pormal na blessing at inauguration ng Phase 4 ng Bulan Public Market na binubuo ng 42 na bagong stalls, ang pagbubukas ng bagong inobasyon na Sabang Park Pavilion. Ang mga bagong pasilidad na ito ay malaking hakbang patungo sa pagpapalago ng lokal na ekonomiya at pagbibigay ng karagdagang oportunidad sa mga maliliit na negosyanteng Bulaneño.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng administrasyon ni Mayor Romeo A. Gordola na mapalakas ang mga programang pangkabuhayan at mapahusay ang mga pasilidad ng pamahalaang lokal. Sa pamamagitan ng mga bagong stalls sa pamilihang bayan at ng Sabang Park Pavilion, inaasahang madaragdagan ang income generating facility ng LGU Bulan habang natutulungan din ang mga mamamayan na magkaroon ng maayos at lehitimong lugar para sa kanilang kabuhayan.

Ang tagumpay ng proyektong ito ay naging posible sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga dedikadong opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan, kabilang sina Fiel Gerero, Administrator ng Bulan Public Market, at Glocelyn Olmeda, Administrator ng Sabang Park at sa tulong ni 2nd District Congressman Wowo Fortes.

Dumalo rin sa nasabing seremonya si Barcelona Councilor Marjohn Buenaobra, bilang kinatawan ni Cong. Wowo Fortes, na nagpahayag ng kanyang buong suporta sa mga inisyatibong naglalayong paunlarin ang ekonomiya ng bayan at mapabuti ang buhay ng mga mamamayan.

Ang nasabing okasyon ay nagtapos sa isang masiglang selebrasyon na dinaluhan ng mga lokal na opisyal, mga empleyado ng LGU Bulan, mga negosyante, at mamamayan ng Bulan na sabik nang makita ang mga bagong oportunidad na dala ng mga bagong pasilidad.

BAGYONG "FUNG-WONG" POSIBLENG UMABOT SA SUPER TYPHOON CATEGORYBase sa Tropical Cyclone Advisory No. 9 ng DOST-PAGASA nga...
07/11/2025

BAGYONG "FUNG-WONG" POSIBLENG UMABOT SA SUPER TYPHOON CATEGORY

Base sa Tropical Cyclone Advisory No. 9 ng DOST-PAGASA ngayong alas 11 ng umaga, patuloy na lumalakas ang bagyong FUNG-WONG habang ito ay kumikilos sa hilagang-silangan ng Palau. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 125 km/h, habang kumikilos sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20 km/h.

Ayon sa PAGASA, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga (Nobyembre 8) at tatawagin itong Bagyong “Uwan.”

Batay sa track forecast, posibleng tumama sa kalupaan ang bagyo sa timog na bahagi ng Isabela o hilagang bahagi ng Aurora sa Linggo ng gabi (Nobyembre 9) o Lunes ng madaling-araw (Nobyembre 10).

Inaasahan ding bibilis ang paglakas ng bagyo at maaaring umabot sa TYPHOON category sa loob ng 24 oras, at posibleng maging SUPER TYPHOON pagsapit ng Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Pinapaalalahanan ang lahat na maging handa, patuloy na magmonitor sa mga abiso ng PAGASA at mga lokal na pamahalaan, at agad lumikas kung kinakailangan para sa kaligtasan.

Source: DOST-PAGASA

Sama-sama ang Team Bulan para sa SGLG 2025! 💪🌟🇵🇭Pinangunahan ni MLGOO Conchie De Guzman Galeria ang isang agarang pagpup...
06/11/2025

Sama-sama ang Team Bulan para sa SGLG 2025! 💪🌟🇵🇭

Pinangunahan ni MLGOO Conchie De Guzman Galeria ang isang agarang pagpupulong kahapon, Nobyembre 5, 2025, sa Tanggapan ng Punong Bayan kasama sina Mayor Romeo A. Gordola, Atty. Moiselle G. Magdamit, mga pinuno ng departamento, at mga kinatawan mula sa Bulan MPS, BFP, mga paaralan, at mga organisasyong sibiko.

Layunin ng pagtitipon ang pagtutulungan at masusing paghahanda ng Pamahalaang Lokal ng Bulan para sa nalalapit na Seal of Good Local Governance (SGLG) evaluation ng DILG Sorsogon sa Nobyembre 13, 2025.

Buong tapang at pagkakaisa, patuloy nating isinusulong ang mabuting pamamahala at de-kalidad na serbisyo publiko para sa lahat ng Bulaneño! ❤️💙💛

TINGNAN | Pinangunahan ng butihing ama ng bayan na si Mayor Romeo "Tyo Meo" Gordola  ang Tupad payout ngayong araw, Noby...
05/11/2025

TINGNAN | Pinangunahan ng butihing ama ng bayan na si Mayor Romeo "Tyo Meo" Gordola ang Tupad payout ngayong araw, Nobyembre 5, 2025 sa Bulan Freedom Park, Bulan, Sorsogon.

Pitong daan at tatlumpot siyam (739) na mga taga bulan mula sa dalawamput walong(28) barangay ang naging benepisyaryo ng TUPAD program na nakatanggap ng kabuuhang ₱3,950.00, kasama na ang ₱303,408.00 na halaga ng PPE's (Personal Protective Equipment) mula sa nagkakaisang pagsisikap ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Lokal na Pamahalaan ng Bulan sa tulong ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Mam Anilin Diaz.

PUBLIC ANNOUNCEMENT✅4th Quarter Senior Citizens Payout Schedules🗓️Nov. 17-20, 2025📍Sabang Covered Court
05/11/2025

PUBLIC ANNOUNCEMENT

✅4th Quarter Senior Citizens Payout Schedules
🗓️Nov. 17-20, 2025
📍Sabang Covered Court

MAY PASOK NA ULIT BUKAS!Executive Order No. 62-2025Lifting the suspension of classes in all levels in the Province of So...
04/11/2025

MAY PASOK NA ULIT BUKAS!

Executive Order No. 62-2025
Lifting the suspension of classes in all levels in the Province of Sorsogon upon the endorsement of the Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (SPDRRMO)

Source: SPIO
https://www.facebook.com/share/p/1Co3aBpSej/

BULAN, MULING PINARANGALAN BILANG GAWAD KALASAG 2025 AWARDEEMuling nag-ukit ng kasaysayan ang Pamahalaang Lokal ng Bulan...
02/11/2025

BULAN, MULING PINARANGALAN BILANG GAWAD KALASAG 2025 AWARDEE

Muling nag-ukit ng kasaysayan ang Pamahalaang Lokal ng Bulan sa pangunguna ni Mayor Romeo A. Gordola matapos nitong masungkit ang ikalimang Gawad KALASAG Seal for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance.

Ang pagkilalang ito ay patunay sa matatag at epektibong pamamahala ng bayan sa usapin ng disaster preparedness, response, at climate change adaptation sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na pinamumunuan ni Mr. Antonio G. Gilana, kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa pamumuno rin ni Mayor Gordola.

Ang Gawad KALASAG ay isang prestihiyosong parangal na iginagawad sa mga institusyon at lokal na pamahalaan na may natatanging kontribusyon sa disaster risk reduction and management at humanitarian assistance, bilang pagkilala sa kanilang kahandaan at mabilis na pagtugon sa mga sakuna.

Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng tuloy-tuloy na dedikasyon ng bayan ng Bulan sa kaligtasan, kahandaan, at kapakanan ng bawat Bulaneño.


WALANG PASOK!Sa ipinalabas ni Governor Boboy Hamor na Executive Order No. 61-2025, sinususpinde niya ang lahat ng klase ...
02/11/2025

WALANG PASOK!

Sa ipinalabas ni Governor Boboy Hamor na Executive Order No. 61-2025, sinususpinde niya ang lahat ng klase sa lahat ng antas bukas, Nobyembre 3, 2025, sa buong Lalawigan ng Sorsogon.

Ang hakbang na ito ay isang paunang pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng Sorsoganon sa inaasahang epekto ng Severe Tropical Storm Tino.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at maging mapagmatyag sa mga susunod na anunsyo.

https://www.facebook.com/share/p/17iyLaPXLx/

Address

Municipal Compound, Brgy. Aquino
Bulan
4706

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BARETANG UNHAN BULAN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to BARETANG UNHAN BULAN:

Share