16/10/2025
๐๐ก๐๐ฆ, ๐ก๐ฎ๐ด-๐๐๐ถ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น ๐ ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฆ๐ง๐-๐ฅ๐ข ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
Muling pinatunayan ng mga batang mananaliksik ng Bulan National High School ang kanilang husay at talino matapos masungkit ang unang pwesto sa tatlong kategorya na Life Science, Physical Science, at Robotics and Intelligent Machines Individual, sa katatapos na Division Science and Technology Fair and Robotics Olympics na ginanap noong Oktubre 6โ8, 2025.
Hindi rin nagpahuli ang iba pang kalahok ng BNHS matapos masungkit ang ikalawang pwesto sa kategoryang Physical Science at Mathematics and Computational Science Team, gayundin ang ikatlo at ikaapat na pwesto sa Robotics Olympics sa kategoryang RC Soccer at Sumobot.
Bagamaโt labing-apat lamang na mga mananaliksik mula sa BNHS ang lumahok sa nasabing kompetisyon, nagningning pa rin ang kanilang tagumpay matapos kilalanin ang paaralan bilang Over-all 1st Runner-up mula sa labing-apat na paaralang kalahok.
โ๐ป: Lyca Doroja (Brodkaster)
๐จ: Rayver Gustuir (Web Editor)