
27/03/2025
Etnikong Blaan naging g**o sa tulong ng tribo, LGU at pribadong kumpanya
Isang g**o na mula sa mahirap na pamilyang Blaan sa Kimlawis sa Kiblawan, Davao del Sur ang hayagang nagpasalamat sa kanilang tribal leaders, sa kanilang local government unit at isang pribadong kumpanya sa kanilang kooperasyon sa pagpapalaganap ng isang malawakang scholarship program na nakatulong sa kanyang makamit ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.
Sa kanyang pahayag nitong Huwebes, binigyang diin ni licensed professional teacher Gelemie Calacan Villaram, isang katutubong Blaan, na naging g**o siya dahil sa scholarship program ng Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala bilang SMI.
Ayon kay Villaram, ang naturang scholarship program ay isa lang sa maraming mga corporate social responsibility projects ng SMI na suportado ng mga Blaan tribal leaders at ng kanilang local government unit sa Kiblawan.
Si Villaram ay isa ng g**o ngayon sa Kimlawis National High School na may malaking bilang ng mga estudyanteng mula sa mga mahihirap na pamilyang Blaan.
Isa si Kiblawan Mayor Joel Calma sa nagpasalamat kaugnay ng pagiging isang licensed professional teacher na ni Villaram na marami sa mga tinuturuang mga estudyante ay mga etnikong Blaan na sakop ng Kiblawan local government unit.
"Kami, sa pamilya namin, naging mga scholars ng SMI. Ang aking ate ay teacher din, nagtapos bilang scholar ng SMI. Ang aking kuya na teacher din, nagtapos bilang SMI scholar din. Ako, teacher, SMI scholar din. Ang sumunod sa akin, SMI scholar din. Itong isa naming kapatid, SMI scholar din at nasa Armed Forces of the Philippines na siya ngayon. Kaming lima na magkakapatid, nakapagtapos kami dahil sa SMI,” pahayag Villaram.
Nagtapos si Villaram ng Bachelor of Science in Agroforestry noong 2014 bilang isang SMI scholar. Ang naturang scholarship program ng SMI ay nakapagpatapos na sa kolehiyo, nitong nakalipas na walong taon, ng halos 800 na mga scholars mula sa mga bayan ng Kiblawan, sa Tampakan sa South Cotabato, sa Columbio sa Sultan Kudarat, sa Malungon sa Sarangani, at mula sa iba pang mga bayan at lungsod sa Central Mindanao.
Ito ay batay sa tala nila Mayor Calma ng Kiblawan, ni Vice Mayor Bai Naila Mangelen Mamalinta ng Columbio, Mayor Maria Theresa Constantino ng Malungon at ng mga Blaan tribal leaders sa Tampakan, kabilang sa kanila si tribal chieftain Domingo Collado, ang indigenous peoples representative ng mga Blaan sa municipal council ng Tampakan. (March 27, 2025)