Ang Tuklas

Ang Tuklas Boses ng Kabataan, Pagtuklas ng Kaalaman, Pagbuo ng Kinabukasan! Ang lehitimo at Opisyal na Pahayagan ng Bunawan NHS (Filipino)

๐Ÿ†๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง!๐Ÿ†Isang malaking pagbati sa ating mga kahanga-hangang mag-aaral na buong husay na ...
22/08/2026

๐Ÿ†๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง!๐Ÿ†

Isang malaking pagbati sa ating mga kahanga-hangang mag-aaral na buong husay na nagpakitang-gilas sa MUNICIPAL SCHOOL PRESS CONFERENCE โ€“ MSPC 2026, Kategoryang Sekondarya sa Filipino! ๐Ÿ“ฐ๐ŸŽค๐Ÿ“ธ

Ang inyong mga tagumpay sa ibaโ€™t ibang larangan ng campus journalism ay patunay ng sipag, talento, pagkamalikhain, tapang, at dedikasyon sa paghahatid ng makabuluhang impormasyon at pagbibigay-boses sa inyong kapwa kabataan.

๐Ÿฅ‡ Unang Gantimpala
๐Ÿฅˆ Ikalawang Gantimpala
๐Ÿฅ‰ Ikatlong Gantimpala

Sa bawat balitang isinulat, larawang nakunan, editorial na binuo, isports na iniulat, cartoon na iginuhit, at bawat salitang binigkasโ€”ipinakita ninyo na ang kabataan ay may kakayahang maging makabuluhang tagapaghatid ng katotohanan at inspirasyon.

๐Ÿ‘ Mabuhay ang ating mga campus journalists!
Patuloy ninyong hasain ang inyong panulat, gamitin ang inyong tinig para sa katotohanan, at gawing instrumento ang pamamahayag upang makapagbigay-liwanag at pagbabago.

Ang inyong tagumpay ay tagumpay ng buong paaralan! ๐Ÿ’™๐Ÿ†

๐ŸŒŸ โ€œAng inyong sipag, pagkamalikhain, at husay ay aming ipinagmamalaki!โ€






๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ, ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ GIsing ang determinasyon sa mga pusong nag-aalab na maabot ang kampeonato. Sa ilalim ng ma...
13/08/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ, ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ

GIsing ang determinasyon sa mga pusong nag-aalab na maabot ang kampeonato. Sa ilalim ng matinding sikat ng araw sa oval ng West Bunawan Central Elementary School, hindi alintana ng mga batang atletang pinagbuklod ng mga pusong may iisang mithiin- ang makamit ang tagumpay sa Municipal Athletic Meet.

Bawat kaluskos ng mga paang nanginginig sa pagtakbo, bitbit ni Ronen Panonsi ang tatag ng kalamnan sa kaniyang pagtakbo sa 200 meter dash. Sa likod ng matinding pressure na kanyang nararamdaman, mas lamang ang kanyang determinasyon na manalo. Metro ang layo ng finish line ngunit abot ang talas ng mata ni Ronen at liksi ng hakbang upang maabot ang panalo.

โ€œToday is your time to shine. Show your hardwork and play with pride high. Win or lose, giving your absolute best is what makes you a true champion. Talent wins games, but teamwork and intelligence win championships.โ€ wika ni Ginang Gina A. Seroy, Public School District Supervisor ng Bunawan.

Bawat butil ng pawis ay hindi sayang sa larangan ng pampalakasan. Ang bawat kaba sa puso ay nawaglit dahil sa totoong laban, ang talino at estratehiya ang tunay na panlaban.

Umayon ang magandang panig kay Ronen noong ika-walo ng Agosto. Isang baguhan ang atleta sa larangan ng pampalakasan at sa tulong ng kanyang walang tigil na pag-eensayo ay nakamit niya ang kanyang mithiin.

Sa likod ng mga araw na iginugol niya sa pagsasanay, isang karangalan para sa kanya ang manalo at makapasok sa Division Meet. Sa kabila ng katawang nananakit sa pag-ensayo, magaan sa kanyang kalooban dahil mayroon siyang kaagapay- ang kanyang mga kasamahan sa koponan at tagasuporta.

Ayon pa sa atleta, ang kaniyang teknik sa laro ay manalig sa Diyos at magtiwala sa sariling kakayahan. Huwag magpadala sa pressure at laging tanaw ang positibong bahagi ng laro.

Mga pusong nag-aalab ang bumuklod sa mga atletang naglalayong manalo. Sa likod ng mga ngiti sa pagtanggap ng medalya ay nakakubli ang mga hindi tanaw na pakikibaka na ibinuhos nila sa kanilang ensayo sa field. Saksi ang bawat paang nanginginig sa pagtakbo tungo sa panalo.




๐—–๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฏ๐—ฒ๐—น ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ
โ€” Feature Writer

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—”๐˜๐—น๐—ฒ๐˜๐—ฎ, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜Nagtipon ang mga batang atleta mula sa iba't ibang paaralan ng ...
13/08/2026

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—”๐˜๐—น๐—ฒ๐˜๐—ฎ, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜

Nagtipon ang mga batang atleta mula sa iba't ibang paaralan ng Bunawan para sa Municipal Meet na iginanap noong Agosto 8 sa West Bunawan Elementary School. Tampok ang ibaโ€™t ibang larangan ng palakasan na naglalayong tuklasin at paunlarin ang kakayahan ng mga kabataang manlalaro. Nilahokan ito ng mga atleta mula sa Libertad NHS, Bunawan NHS, West BNHS at iba pa na nagharap sa sari-saring laro kabilang na ang volleyball, basketball, billiards, badminton, at athletics, bukod pa sa iba pang paligsahang itinakda ng mga nag organisa ng aktibidad.

Pinangunahan ang seremonya ng pagbubukas sa pamamagitan ng pambansang awit at panalangin na inihatid ng WBNHS Escuela de Cantantes, bago ang mga pambungad na mensahe at presentasyon ng mga delegasyon. Nagbigay rin ng mensahe si Brgy. Captain Antonio Barrios, habang pinangunahan ni Dra.Rowena O. Angwas, punong-g**o ng Bunawan National High School, ang presentasyon ng mga delegasyon.

Binigyang-diin naman ni Hon. Sylvia B. Elorde, Municipal Mayor, ang kahalagahan ng palakasan sa paghubog ng disiplina, pagkakaisa at talento ng kabataan. Kasunod nito, ipinakilala ni Ludiven J. Genotiva, Municipal Sports Officer, ang mga tournament manager na mangangasiwa sa ibaโ€™t ibang kompetisyon.

Isa sa tampok na bahagi ng seremonya ang pag-iilaw ng sulo at panunumpa ng mga atleta na pinangunahan ni Rizza Mae Dalayap, Palarong Pambansa Qualifier na sinundan ng panunumpa ng mga opisyal na pinangunahan ni Virgielyn M. Apatan ng P-III/TM Swimming.

Sa pamamagitan ng matinding pagsasanay at determinasyon, hinarap ng mga kalahok ang bawat laban hindi lamang upang makamit ang tagumpay kundi upang maipakita ang kanilang disiplina at sportsmanship.

Sa huli, itinanghal bilang kabuuang kampeon ang Bunawan National High School na kung saan muling nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na ipamalas ang kanilang talento sa palakasan at patunayan ang bunga ng kanilang pagsasanay. Higit sa mga medalya at parangal, nagsilbi ang Municipal Meet bilang lunsaran ng talento at paghahanda ng mga kabataang atleta ng Bunawan para sa mas mataas na antas ng kompetisyon.




๐—”๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐—ผ๐˜€
โ€” CDP News Writer

13/08/2026

๐—›๐—จ๐—ฆ๐—”๐—ฌ at tapang ang namayani sa ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐—”๐˜๐—ต๐—น๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ฐ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ na ginanap noong ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿด ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ sa ๐—ช๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐—•๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น. Nagsama-sama ang mga batang atleta mula sa ibaโ€™t ibang paaralan ng Bunawan District upang ipakita ang kanilang galing at makipagtagisan sa ibaโ€™t ibang palakasan.

Hindi naging madali ang bawat laban para sa mga atleta. Hinarap nila ang pressure at kaba habang dala ang pangalan ng kanilang paaralan. Sa kabila nito, ipinakita nila ang tapang na patuloy na lumaban hanggang sa huli.

Ayon sa ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฒ๐—ฟ na si ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐˜‡๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฒ ๐—•. ๐——๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฝ, โ€œNakulbaan ko ug na-pressure kay na-Palaro pud ko ug naaโ€™y expectations ang mga tao sa ako. Happy ko karon kay tungod kauban nako akong mga friends ug ang akong No. 1 supporter.โ€

Sa pagtatapos ng paligsahan, hindi lamang resulta ang naging mahalaga kundi ang mga taong naging bahagi ng kanilang laban. Para sa mga atleta, mas naging espesyal ang karanasan dahil kasama nila ang kanilang mga kaibigan at mga taong patuloy na sumusuporta sa kanilang pangarap.




๐—”๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜€

๐—ญ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ต ๐—”๐˜€๐—ถ๐˜€
โ€” Newspresenter 1
๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต ๐—œ๐—บ๐—ฎ๐—บ
โ€” Newspresenter 2
๐—ฅ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—๐—ฟ.
โ€” Newspresenter 3
๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ
โ€” Newspresenter 4
๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ผ๐—น๐—ผ ๐—š๐—ฎ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ถ๐—ป
โ€” Technical Director

Nutrisyon at Kalikasan Ating Pangalagaan; Kapag ang Kalusugan ay Nagsisimula sa Plato, Ngunit Nagtatapos sa Puso May mga...
03/08/2026

Nutrisyon at Kalikasan Ating Pangalagaan; Kapag ang Kalusugan ay Nagsisimula sa Plato, Ngunit Nagtatapos sa Puso

May mga sugat na hindi kayang gamutin ng bitamina. May mga gutom na hindi mapapawi ng pagkain. At may mga katawang tila malusog sa paningin, ngunit unti-unting pinanghihinaan dahil sa kakulangan ng malasakit.

Sa bawat pagpasok ng buwan ng Hulyo, muling sumiklab ang panawagan ng Nutrition Month- isang selebrasyon na nanghihikayat ng wastong pagkain at malusog na pamumuhay. Ngunit sapat na nga ba ang pagpuno sa ating mga plato kung ang ating mga isipan ay nananatiling gutom sa pag-unawa? Ano ang saysay ng masustansyang pagkain kung ang pinagmulan ng bawat pagkain sa hapag ay hindi pinagtutuunan ng pansin?

Sa Bunawan National High School, ang Nutrition Month ay higit pa sa isang taunang selebrasyon. Isa itong panawagan upang maging bahagi ang bawat mag-aaral sa paghubog ng isang komunidad na may malusog na katawan, matatag na isipan, at pusong marunong makiramdam. Kaya naman, nitong ika-31 ng Hulyo sa kasalukuyang taon, nagdiwang ng kulminasyon ang institusyon.

Tulad ng paalala ni Maโ€™am Rowena Angwas, Principal III, ang Nutrition Month ay hindi lamang pagdiriwang ng kalusugan. Ito ay paalala na ang pinakamahalagang sustansya ng isang paaralan ay hindi lamang pagkain, kundi ang kultura ng pagmamalasakit, paggalang, at pagkakaisa.

โ€œYour mental health is your greatest wealth. A healthy body gives you the strength to learn, and energy to participate in school activities, and a resilience to pursue your dreams.โ€ mungkahi ni Maโ€™am Angwas.

โ€œMental health is not just about physical wellness. True wellness also includes taking care of your mental health and emotional health. A healthy mind allows us to think clearly. You need true friendships and overcome challenges with confidence.โ€ dagdag pa niya.

Sapagkat ang isang institusyon puno ng kabaitan ay lumilikha ng mga kabataang hindi lamang matatalino, kundi tunay na makatao.

Sa huli, ang pinakamalaking hamon ay hindi lamang pagpili sa pagitan ng gulay at junk food, kundi kung pipiliin ba nating maging tagapag-alaga ng kalikasan o mananatiling tahimik habang itoโ€™y unti-unting nasisira. Sapagkat ang isang malusog na bansa ay nagsisimula sa isang mag-aaral na marunong kumain ng tama, magmahal ng tapat, pagmamalasakit sa kapwa, at mag-ingat sa mundong kaniyang tahanan.

Nutrisyon at kalikasan, ating pangalagaan! Dahil ang kinabukasang tunay na masigla ay hindi lamang lumalago sa masustansyang pagkain, kundi sa mga pusong marunong magpakatao. #

-Chaybel Pastor, Feature Writer
- Benxander Algones ๐Ÿ“ธ

๐˜๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต? ๐˜”๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ค๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ค๐˜ฉ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ? ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ญ? ๐˜๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต, ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐™๐™๐™†๐™‡๐˜ผ๐™Ž ๐™…๐™Š๐™๐™๐™‰๐˜ผ๐™‡๐™„๐™Ž๐™๐™Ž...
04/07/2026

๐˜๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต? ๐˜”๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ค๐˜ณ๐˜ข๐˜ต๐˜ค๐˜ฉ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ? ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ญ? ๐˜๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต, ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐™๐™๐™†๐™‡๐˜ผ๐™Ž ๐™…๐™Š๐™๐™๐™‰๐˜ผ๐™‡๐™„๐™Ž๐™๐™Ž?

MULING nabuhay ang sigla ng ๐—ง๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—–๐—น๐˜‚๐—ฏ sa isinagawang pagpupulong na dinaluhan ng mga dati at bagong miyembro ng organisasyon. Mula sa mga pamilyar na mukha hanggang sa mga bagong tinig sa larangan ng pamamahayag, kapansin-pansin ang pananabik at determinasyong muling sumabak sa panibagong taon ng pagsusulat.

Isa-isang tinalakay ang mahahalagang petsang dapat tandaan, kabilang ang nalalapit na ๐—ฆ๐—•๐—ฃ๐—–, ๐— ๐—ฆ๐—ฃ๐—–, at ๐——๐—ฆ๐—ฃ๐—–. Hindi rin ipinagkait ang paalala sa mga responsibilidad na kaakibat ng pagiging bahagi sa ๐—ง๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜€. Nagkaroon din ng mga bagong patakaran na layong higit pang mapaghusay ang kakayahan at disiplina ng bawat mamamahayag. Ramdam ang kagustuhan ng mga dating miyembro na makabawi sa mga susunod na kompetisyon, habang sabik namang ipakita ng mga bagong journalists ang kanilang kakayahan.

Hindi nagpahuli ang isinagawang halalan para sa mga bagong opisyal na magsisilbing gabay at katuwang ng organisasyon sa mga susunod na gawain. Sa panibagong hanay ng pamunuan, baon ang iisang layuninโ€”patuloy na paunlarin ang ๐—ง๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—–๐—น๐˜‚๐—ฏ at ihanda ang bawat mamamahayag na humarap sa anumang hamon, bitbit ang husay at disiplina.

๐—ง๐—จ๐—ž๐—Ÿ๐—”๐—ฆ ๐—–๐—Ÿ๐—จ๐—• ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜๐—ฅ๐—ฆ
๐—ฆ.๐—ฌ. ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿณ

๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง
โ€” Princess Javanah Imam
๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—˜๐—ก๐—ง
โ€” Chaybel Pastor
๐—ฆ๐—˜๐—–๐—ฅ๐—˜๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ
โ€” Deonies Reylen Oliver
๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—˜๐—ฅ
โ€” Emryc Peter Vyr Pingkian
๐—”๐—จ๐——๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ
โ€” Jian Rufano
๐—ฃ.๐—œ.๐—ข
โ€” Benxander Algones

๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—˜๐—ฅ ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ
โ€” Ma'am Kimberly Jean Peรฑafiel
โ€” Ma'am Eunice Bernales



โœ๏ธ: Princess Javanah Imam
๐Ÿ–ผ๏ธ: Gainel Federiso

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ "Ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng nakaraan, kundi gabay para sa mas makabuluhang kinabukasan."Sa pagdiriwang ng...
12/06/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ "Ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng nakaraan, kundi gabay para sa mas makabuluhang kinabukasan."
Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, ipinakita ng BNHS ang diwa ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at paggalang sa kasaysayan. Patuloy nating buhayin ang diwa ng kalayaan sa bawat mabuting gawa at responsableng pagkilos. โค๏ธ๐Ÿ’™๐Ÿ’›








๐Ÿ“ธ|Padohinog,Johanice
Layout Artist|Dalayap,Daisy
โœ๏ธ|Banno,Dhanie Mae

๐——๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ผ ๐—˜๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฒ๐˜€, ๐— ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ช๐—ฒ๐—น๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ ๐——๐—ถ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—•๐—จ๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—›๐—œ๐—š๐—› ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ โ€” Napuno ng mga  musika, taw...
23/05/2026

๐——๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ผ ๐—˜๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฒ๐˜€, ๐— ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ช๐—ฒ๐—น๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ ๐——๐—ถ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป

๐—•๐—จ๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—›๐—œ๐—š๐—› ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ โ€” Napuno ng mga musika, tawanan, at masasayang kwentuhan ang ginanap na welcome dinner para sa mga delegado ng Rehiyon Onse o mas kilala bilang โ€œ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ข๐˜ฐ ๐˜Œ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ดโ€ noong ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ sa ๐—•๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜. Naging masaya at makabuluhan ang gabi habang sama-samang nagsaya ang mga atleta, coaches, opisyal, g**o, at mga panauhin bilang bahagi ng pagtanggap sa mga delegado mula sa Davao Region.

Dumalo rin sa nasabing programa si ๐™ˆ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ง ๐™Ž๐™ฎ๐™ก๐™ซ๐™ž๐™– ๐˜ฝ. ๐™€๐™ก๐™ค๐™ง๐™™๐™š kasama ang ๐—•๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น na si ๐™ˆ๐™–'๐™–๐™ข ๐™๐™ค๐™ฌ๐™š๐™ฃ๐™– ๐™Š. ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ๐™ฌ๐™–๐™จ, ๐™‹๐™๐˜ฟ, na parehong nagpahayag ng kanilang suporta at pagbati sa mga atletang bumubuo sa Davao Eagles.

Mas naging masining ang gabi dahil sa ibaโ€™t ibang pagtatanghal at kantahan na nagbigay saya sa lahat ng dumalo. Isa sa mga tampok sa programa ang pagtatanghal ng ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ถ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ธ ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ง๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ฝ๐—ฒ o ๐— ๐——๐—ง na naghandog ng sayaw na ikinatuwa at pinalakpakan ng mga delegado at bisita.

Hindi lamang simpleng salusalo ang naging layunin ng programa kundi isa rin itong gabi ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at pagpapakita ng suporta para sa mga atletang patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kabataan. Sa pamamagitan ng naturang pagtitipon, muling ipinakita ng Bunawan National High School at ng buong komunidad ng Bunawan ang kanilang pakikiisa at suporta sa diwa ng sportsmanship at camaraderie.

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜€
โœ๏ธ : ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต ๐—™. ๐—œ๐—บ๐—ฎ๐—บ
๐Ÿ–ผ๏ธ : ๐—•๐—ฒ๐—ป๐˜…๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—”๐—น๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜€




Address

San Teodoro
Bunawan
8506

Opening Hours

Monday 8am - 4:30pm
Tuesday 8am - 4:30pm
Wednesday 8am - 4:30pm
Thursday 8am - 4:30pm
Friday 8am - 4:30pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Tuklas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share