19/09/2026
Daddy’s little work buddy today. 🥺🤍
May sakit si Ianna, kaya dito muna siya kay Daddy habang nagtatrabaho si Daddy. Nanood lang siya ng kids show hanggang sa hindi na niya namalayan… nakatulog na pala siya sa tabi ni Daddy. 🥹💕
As parents, hindi naman natin gustong nakikitang may sakit ang mga anak natin. Pero kahit sa ganitong moments, we choose to pause and say:
“Thank You, Lord.” 🙏
Thank You, Lord, dahil kahit may kailangang asikasuhin, nakakapagtrabaho pa rin si Daddy habang nakakapag-alaga at nakakasama si Ianna kapag kailangan niya kami.
Hindi man perfect ang setup, but we are reminded how blessed we are to have this kind of provision…work that allows Daddy to be present when his little girl needs him. ❤️
Salamat, Lord, sa trabaho.
Salamat sa provision.
Salamat sa pagkakataong makapag-alaga.
At higit sa lahat, salamat dahil kahit sa mga simpleng araw na ganito, ramdam namin ang Iyong kabutihan. 🙏
We are still blessed. We are still grateful.
God is still good. 🤍
“The Lord is good to all; He has compassion on all He has made.” — Psalm 145:9
All glory and thanks belong to You, Lord. 🙏
Soli Deo Gloria. 🤍