
17/04/2025
Hand-me-downs
Naniniwala din ba kayo sa kasabihan na pagsuotin din ng mga pinagkaliitan or preloved na damit yung mga newborn baby para daw hindi maselan paglaki nila? 😁
Etong baru-baruan na suot ni Riya ay 20yrs old na galing pa sa unang pamangkin ko. Nagamit din yan ni Kuya Rhys at Ravi kaya pang apat na si Riya na nagsuot nyan. May mga damit din sila kuya Rhys na ginagamit ni Riya ngayon dahil gender neutral ang binili non para magamit din kung sakaling magkagirl kami (tipid tips! 😉)