
20/12/2022
Sa privilege speech ni Sen. Idol Raffy Tulfo nitong Miyerkules, Disyembre 13, ibinunyag niya ang malawakang kawalan ng hustisya at walang pakundangang pag-abuso sa marami nating kababayan.
Sila ay naaapi at nalalapastangan ang karapatan dahil sila ay mahirap, maliit, mahina at walang panlaban.
Bilang patunay sa mga naunang sinabi ni Senator Raffy na maraming nakakulong na inosenteng mahihirap na ginamit na fall guy, panakip butas o pinagtripan ay isiniwalat niya ang datos ng Public Attorney’s Office (PAO) mula 2008 hanggang June 2022 kung saan umabot na ng 218,883 ang napawalang sala.
Kaya isinusulong ni Sen. Idol na makapagpasa ng mga panukalang batas para matugunan ang problemang ito, mabigyan ng hustisya ang mga biktima at mabigyan ng compensation ang nga inosenteng nakulong.
Palaging nasa puso ni Sen. Raffy Tulfo ang mga mga sinabi ni dating Pangulong Ramon Magsaysay na, "He who has less in life should have more in law" o "Ang mga maliliit at kapus-palad nating mamamayan ay kailangan magkaroon ng mas malaki at mas malawakang proteksyon mula sa batas."
Manatiling updated kay Senator Idol! iLike at iFollow ang ating mga official social media accounts:
FB: Raffy Tulfo
Raffy Tulfo in Action
TW: twitter.com/IdolRaffyTulfo
YT: youtube.com/RaffyTulfoVlogs
youtube.com/RaffyTulfoInAction
TikTok: tiktok.com/