10/01/2023
Dahil sa gods words naito mas niliwanagan pa ako
📚Sabi ng Makapangyarihang Diyos;📚
"Tahakin ang daan na dapat mong tahakin; huwag pansinin ang sinasabi ng iba, at huwag masyadong mag-isip. Nasa mga kamay mo ba ang iyong kinabukasan at kapalaran? Palagi kang nagtatangkang tumakas, na naghahangad na tahakin ang makamundong daan—ngunit bakit hindi ka makatakas? Bakit nag-aalinlangan ka sa sangang-daan sa loob ng maraming taon at pagkatapos humahantong din sa pagpili muli sa daang ito? Matapos magpagala-gala nang maraming taon, bakit bumalik ka ngayon sa bahay na ito kahit ayaw mo? Ikaw ba ang nagpasya nito? Para sa inyo na nasa daloy na ito, kung hindi ninyo Ako pinaniniwalaan, pakinggan ito: Kung balak mong umalis, subukan mo kung papayagan ka ng Diyos, tingnan mo kung paano ka aantigin ng Banal na Espiritu—danasin mo ito para sa iyong sarili. Hayagan kong sasabihin, kahit magdanas ka ng kasawiang-palad, kailangan mong matiis ito sa daloy na ito, at kung may pagdurusa, dapat kang magdusa rito, ngayon; hindi ka makakapunta sa ibang lugar. Malinaw ba ito sa iyo? Saan ka pupunta? Ito ang atas administratibo ng Diyos. Iniisip mo ba na ang pagpili ng Diyos sa grupong ito ng mga tao ay walang kahulugan? Sa Kanyang gawain ngayon, ang Diyos ay hindi kaagad nagagalit—ngunit kapag tinatangka ng mga tao na sirain ang Kanyang plano, kaagad nagbabago ang Kanyang mukha, ang dating maaliwalas ay nagiging madilim. Kaya, pinapayuhan kita na magpakumbaba at sumunod sa mga plano ng Diyos, at tulutan Siya na gawin kang ganap. Tanging ang gumagawa nito ay matatalino."