23/08/2026
HARVEST AND TRADITION | PUNNUK SA IFUGAO 🌾
Tradisyon na buhay pa rin sa gitna ng modernong panahon.
Nagtipon ang mga bata, kabataan, at matatanda sa Hungduan, Ifugao noong Agosto 22, 2026 para ipagdiwang ang pagtatapos ng agricultural cycle sa pamamagitan ng tradisyunal na Punnuk.
Isinagawa ang selebrasyon sa tabi ng Hapao River, kung saan tampok ang mga katutubong laro gaya ng tug-of-war at body wrestling.
Hindi lang ito simpleng paligsahan.
Ang Punnuk ay bahagi ng matagal nang tradisyon ng komunidad na nagmamarka sa pagtatapos ng panahon ng ani at nagsisilbing paraan ng pagpapanatili ng kultura at pagkakaisa ng mga Ifugao.
Noong 2015, isinama ang Punnuk sa UNESCO Representative List of the Intangible Cultural Heritage of Humanity.
Samantala, ang Hungduan Rice Terraces ay isa sa limang cluster ng Ifugao Rice Terraces na isinama sa UNESCO World Heritage List noong 1995.
🌾 Sa bawat ani, may tradisyon. Sa bawat tradisyon, may kuwentong ipinapasa sa susunod na henerasyon.
📸 Photos by Harley Palangchao
Katikaran