25/01/2023
Nagkautang ka ba? O mangungutang ka pa lang? Read this.
Sana marealize din ng iba na ang taong nagpapautang satin ay maituturing din na BLESSING pagkat di lahat ng tao may kakayanan na magpautang at hindi lahat ng may kakayanang magpautang ay nagpapautang. Pero sana maunawaan mo ngayon na kapag nangutang ka at pinagbigyan ka, you are under a trial, you are under a test, kumbaga you are under warranty. At maipapasa mo lang ung trial or test na un once na nagbabayad kana sa pinagkautangan mo. Hindi ka nagbibigay ng pabor kapag nagbabayad ka sa pinagkautangan mo, binabalik mo lang sa kanya yung dati nang nasa kanya. Kaya marapat lang na ibalik mo ito dahil ang perang iyon ay hindi naman talaga sayo. You are under warranty because once masira ang warranty of trust, di na un makukuha o mabubuo ulet. At sa test o trial na ito, pag di mo tinapos di ka makakapasa at mas lalong di ka matatapos.
Once na makapasa ka naman, you will be trusted, isa pa, you will gain friends, at para sakin you gain treasure dahil napatunayan mong trustworthy ka sa maliit man o malaking bagay. Makakaulit ka in the future. Yan ang lesson kapag nangungutang ka lalo na sa iyong kakilala. Minsan nga kahit kakilala mo pa di ka rin agad agad papautangin, it takes a lot of guts and faith bago ka pautangin dahil after niyan ay fear and doubts na. You have to establish your name. Sa banko nga sandamakmak na requirements at credit investigation pa para makita lang kung worth the risk bang pautangin ka. What more pa sa kakilala na minsan verbalan lang diba?
Wag sunugin ang pangalan at pagkakaibigan sa munting halaga o obligasyon na alam mong kayang kaya mo namang gawan ng paraan at magagawa mo namang bayaran kung gugustuhin mo lang. Kaya mo yan! ☝
MDR Collection