Edison NJ vlog

Edison NJ vlog Edison vlog

26/02/2025

Ako Yung tipo ng lalaki na walang pakialam sa alikabok sa sahig Basta Makaupo lang Ako Yung lalaki walang pakialam sa hadlang Basta mapasakin ka lang Ako Yung tipo ng lalaki na Hindi sinusundan ng tingin o nililingon man lang pero Sige Ako lang Rin Yung lalaki na okay lang na mangawit Basta matitigan ka lang Hindi Ako pang angas sa tropa pero Araw Araw ipagmamayabang kita hindi Ako makinis Hindi Ako maputi Hindi Ako mahinhin Hindi Ako ang lahat ng maari mong gustohin kaya nung nakawala Ako sa gapos ng Mundo nung sabihin mo ang salitang iingatan kita mahal ko pinilit kong kumawala sa ilang taon ng pagkakagapos sakin ng kalangitan bumaba sa Sarili Kong kamalayan at naniwala sa Tayo lang nilamig ka nais Kong namang ibigay Ang kumot pero ayaw mo ng lambot kung gusto mo lang Pala ng lang Pala ng libangan at ng init sa katawan bakit mo pa ko binulabog sa kapayapaang pinaglagyan mga babaeng pinangakuan ng pagmamahal pero iiwan ding SUGATAN bakit ilang Bataan na nga ba ang sumuko para sa walang katapusang mga pangako pero dugo lang ang iniwan

25/02/2025

— 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗺𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗯𝗼𝗹.

Alam ko na ngayon ang halaga ko. Hindi na ako papayag na uuwi akong kawawa at umiiyak. Tapos na ako sa ganoong eksena. Hindi ko na hahayaang masaktan ako sa parehong dahilan. Bibitiwan ko na ang mga dapat bitiwan sa nakaraan. Wala na akong hahabulin. Wala na akong babalikan.

Dahil ang tunay na pag-ibig, hinding-hindi ka sasaktan. Ang tunay na pag-ibig, hindi ka iiwan lalo sa mga panahong mahirap at komplikado ang lahat. Kaya’t noong iniwan mo ako, natuto na ako. Hindi na kita nilingon. Tama na ang isang beses na nagpakatanga ako at ibinuhos ang lahat ng meron ako—oras at kung ano-ano pa.

Hanggang doon na lang ang mahalin ka.

Pero para habulin pa kita, ‘yon ang isang bagay na hinding-hindi na mangyayari. Simula noong iniwan mo ako, lahat sa akin ay nawala at gumuho.

Pero ngayon, nakabangon na ako.
Wala na ‘yong dating ako na minahal mo.

08/01/2025

"Halaga"

Bawat minuto, Bawat segundo
Tumatakbo ang buhay ng tao
Hindi natin hawak ang oras
Hindi din natin alam kung sino ang Ahas

Ang buhay ay parang alon sa dalampasigan
Hindi natin alam kung ano lagi ang kahihinatnan
Matuto tayo tumingin sa pinanggalingan
Upang marating natin ang paroroonan

Hindi tayo mayaman
Hindi natin hawak ang pinakamalaking minahan
Hindi natin alam ang patutunguhan
Hindi din natin alam kung ano ang kahihinatnan

Ginto ang bawat araw
Ang karagatan ay hindi mababaw
Kung kaya marunong tayong sumabay
Sa lahat ng Agos ng buhay

Tayo ay madadapa
Hahayaan ba natin na tayo ay nakahiga
Patuloy lang sa Byahe
Kahit anong mangyare.

08/01/2025

Isang bahagi ng aking tula...

Isang panibagong araw
Isang panibagong simula
Kailangan mong gumawa ng bago
Pero kailangan din ipagpatuloy ang luma

Hindi ko alam kung kaya mo
O kung magpapatuloy ka pa
Dahil ikaw ang pagdedesisyon
Hindi ako
Hindi sila
walang iba
Kundi ikaw

08/01/2025

Dati, lagi akong sabik sa mga natatanggap kong regalo,
sa mga inihahandang pagkaing aking paborito,
at sa yaya ng aking mga kaibigan para mamasko.

Inaabangan ko pa noon 'yung unang araw ng simbang gabi—
kahit pagod pagkauwi, hindi ko parin nakakalimutang magpasalamat sa mga biyayang natatanggap kahit paunti-unti.

Ngayon, nandito na ako sa puntong hindi na ako umaasa sa mga pamasko.
Dahil ako na ang nag-iisip ng mga paborito nilang regalo.

Tapos na ako sa puntong kakanta pa para may matanggap na aguinaldo.
Sapagkat ako na ang nagbibigay ng pera para sa mga batang namamasko

Dati nakukumpleto ko pa ang siyam na misa de gallo.
Ngayon, hindi ko na nagagawang pumuslit sa simbahan dahil pagod sa buong araw na pagtatrabaho.

Mas mabuti palang bumalik na lang sa pagkabata.
'Yung tipong walang iniisip na malalaking problema
'Yung walang responsibilidad na kailangang ikarga
O 'yung tipong gagastos ng malaking pera upang may maipang handa sa nochebuena

Tapos na ako sa pagiging bata at nasa puntong ako'y umeedad na.

Ngunit hindi ibig sabihin nun hindi ko na nararamdaman ang diwa ng pasko.
Sadyang tumatanda na tayo at may mas kailangan munang unahin sa laban ng mundo.

08/01/2025

Habang tumatanda at nagkakaedad ako,
Hindi na ako ganoong naghahangad ng magarbo
Mas ninanais ko na yung simple,
At inaaral na palaging makontento
Mas hinahangad ko na ang mga bagay na hindi nabibili—hindi nakabalot
Hindi regalo na tatanggapin ko dahil may kapalit,
Higit na sa materyal na bagay na kaya lang akong mapasaya saglit

Kung meron akong tahimik na naisin
ngayong pasko,
Yun ay palaging mahanap ng "kapanatagan" at "kapayapaan" ang puso ko

At bukod sa sarili ko,
Dalangin ko rin ang ibang tao.
Hindi naman nga kase tayo pare parehas ng paraan kung paano ipagdiwang ang pasko
Ang iba ay nagpapagal mula sa malayo,
Ang ilan ay hindi kapiling ang pamilya
at nagdidiwang sila ng hindi magkakasama
Samantalang ang ilan ay nawalan,naiwan,nasaktan.
At patuloy pa ring naghihilom sa kanilang mga pinagdaanan.

Kaya ngayong darating na pasko,
Hangad kong daluyan ng pag-asa ang mga nahihirapan
Maabot ang mga nalulunod sa kalungkutan
Makasumpong ang naghahanap ng totoong kagalakan
At makatanggap ang matagal ng naghihintay ng pangako at mga kasagutan.

At sa huli,
Ngayong darating na pasko,
Anuman ang ating kalalagayan
Itaas pa rin natin ang Kanyang pangalan.
Hindi dahil base sa ating mga sitwasyon
Kundi dahil tapat at mabuti pa rin Sya
sa lahat ng pagkakataon,
O anumang panahon

Pagbati mula sa akin patungo saiyo,
Maligayang Pasko

08/01/2025

" Na- miss ko na ang dating Pasko— Yung
simple lang ngunit punong-puno ng saya.

Namimiss ko yung mga gabing malamig pero pinapainit ng mga kwento’t tawanan. Walang cellphone na abala, walang alalahaning nakasiksik sa bawat saglit—tayo lang, sabay-sabay, nagdiriwang ng tunay na diwa ng Pasko.

Yung mga parol na gawa sa kamay, hindi mamahalin pero napakaganda. Mga regalo na hindi tungkol sa presyo, kundi sa pagmamalasakit at intensyon. Namimiss ko rin yung gisingan ng madaling araw para sa Simbang Gabi, kahit antok na antok ka, kasi may kakaibang saya sa pagdarasal kasama ang komunidad.

Ngayon, parang nag-iba na ang lahat. Mas maraming dekorasyon, mas magagarang handa, pero tila nawawala yung dati—yung pagiging tunay, yung pagiging makabuluhan.
Sana, kahit minsan, maibalik natin ang ganitong uri ng Pasko. Sapagkat ang diwa ng Pasko, hindi sa kung anong meron tayo, kundi kung paano natin ito ipinamumuhay.

Edison NJ vlog
Jonh Irven Lee Torita

Follow at support mga idol thank you

08/01/2025

Tittle: broken family
By: Edison NJ vlog
Jonh Irven Lee Torita

Follow at support mga idol

Hii Ako diay si Franz 22 year old ngayun taon maganda cute at chubby girl black beauti at Taga agusan del sur ako naka Tira ngayun broken family Ako simula 10 year old Ako at Ako na Ang nag paaral sa Sarili ko para Maka ron nga grades pero Hindi padin Ako naka tapus nga sr.high school dahil nakarun Ako nga boyfriend noong 17 year old Ako himinto Ako sa pag aaral ko dahil Akala ko magiging maganda ang Buhay ko dahil Yung hanap na pag mamahal ko sa family ko ay Nakita Kona sa boyfriend ko pero nag kakamali Pala ako Hanggang nag karuon Ako nga anak na isang babae dun Kona Nakita ang totoong ugali sa boyfriend ko at dito na Ako naka Tira sa Lugar nila Taga agusan del Norte Pala ang naging boyfriend ko 25 year old siya tatlong taon ang tanda Niya Sakin ang boyfriend ko sa totoo lang tambay Minsan kung may mag pa trabaho sa kanya bago siya Maka trabaho pero kapag Wala Wala naman siyang trabaho Mahirap ang walang Ina at ama na gumagabay Kasi Hindi mo alam ang mali at tama.

F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D

2024 bumalik Ako sa pag aaral 22 years old Ako ngayun ang pinaskohan ko ay AL'S dahil dalawang Araw lang ang pasok at ang unang pasokan ko ay Yung Hindi sigurado dahil Yung teacher dito sa pinasok ko ay Minsan lang pumasok kaya Hindi ko alam kung mag papatuloy dahil kakatamad pumasok dahil Wala namang teacher papasok Hanggang may nga Sabi na sigurado na Maka pasok at magiging maganda ang kinabukasan dun at pag tapus na nag sabi Niya samin sa mga Kasama ko at pinuntahan agad namin at nag enroll kami sa mga Kasama ko Hanggang pumasok na kami ang Araw na yun dalawang Araw Saturday at Sunday lang kaya sinubuka namin at ayun tuloy tuloy na ang pasok ang mas maganda pa nito may allowance tuwing hapun kaya maganda at sulit ang pag aaral namin iilang months ay nag bago din ugali sa husband ko dahil nag seselos siya sa mga classmates ko pero Hindi Niya alam na lahat nga classmates ko ay meron ng jowa may isa lang na walang jowa Yung tomboy na classmate ko 17 year old kaya lahat nga lalaki babae mag karuon nga jowa kaya ayun palagi na kami nag away sa husband ko dahil sa pag seselos na Hindi magandang dahilan Mahirap na broken family dahil walang matatakbuhan na family ang masasabi ko nalang sa lahat na nag babasa sa kwento ko wag ninyu sayangin ang parents dahil mag papasalamat nalang kayu dahil complete kayu Hindi gaya ko na walang ama walang Ina walang masabihan sa problema ko ngayun Marami akong problema dahil ayaw ko na maranasan ang naranasan ko ayaw ko igaya ang anak ko na magiging broken din siya kaya Ako nalang ang nag adjust kahit masakit na para Sakin pero iniisip ko padin ang anak ko patuloy padin Ako sa pag aaral ko kahit nag away kami sa husband ko at sinuntuk Ako kahit sinunong Niya ang lahat nga gamit ko para sa school patuloy padin Ako sa pag aaral ko dahil gusto ko na mag karuon Ako nga maganda kinabukasan kahit huli na dahil nag sisi na Ako noon na maaga Ako nga karuon nga jowa kaya kayu na single pa e enjoy ninyu Mona Yan dahil Mahirap na kapag may familya na kayu at ngayun ang binalak ko para magkalayo Ako sa husband ko nag trabaho Ako at nasa kanya ang anak namin trabaho at school Ako dahil tuwing Saturday at Sunday lang naman ang pasok namin kaya nag papasalamat padin Ako Kay god na Pinatatag padin Niya Ako Hanggang ngayun...dito nalang ang kwentong broken family..sana magiging bigay Gabay to sa lahat..

Next o delet..🥺

22/11/2024

Bakit Masakit Umibig?

Parang isang matamis na prutas,
Ang pag-ibig ay nakakaakit at nakakatuwa.
Ngunit sa likod ng matamis na balat,
Nakatago ang isang mapait na buto,
Na nagdudulot ng sakit at pighati.

Bakit nga ba masakit umibig?
Dahil sa pag-asa, sa pangarap,
Na hindi natutupad, na naglalaho.
Dahil sa pagtitiwala, sa pagmamahal,
Na nasasaktan, na nasisira.

Parang isang bulaklak na namumulaklak,
Ang pag-ibig ay maganda at kaaya-aya.
Ngunit sa paglipas ng panahon,
Ang mga talulot nito ay nalalanta,
At ang mga tangkay nito ay nagiging tuyo.

Bakit nga ba masakit umibig?
Dahil sa pagkawala, sa paghihiwalay,
Na nagdudulot ng lungkot at pagsisisi.
Dahil sa pag-iisa, sa pagiging mag-isa,
Na nagpapaalala sa sakit ng pag-ibig.

Ang pag-ibig ay isang malaking palaisipan,
Na hindi natin lubos na maunawaan.
Ngunit sa kabila ng sakit,
Patuloy tayong umaasa,
Sa pag-asang makahanap ng tunay na pag-ibig.

22/11/2024

Gusto Kita, Paano Ba?

Gusto kita, ngunit paano ba?
Ang puso ko'y naguguluhan, di alam kung paano.
Sa tuwing ikaw ay aking nakikita,
Ang mundo ko'y tila napapaligiran ng kulay at saya.

Gusto kita, ngunit paano ito ipapahayag?
Ang mga salita'y tila hindi sapat, kulang at hindi sapat.
Sa bawat ngiti at tingin mo,
Nahuhulog ako sa isang mundong puno ng ligaya at saya.

Gusto kita, ngunit paano ko sasabihin?
Ang takot at kaba'y sumisikip sa aking dibdib.
Ngunit sa bawat sandali na tayong magkasama,
Ang pag-ibig ko'y unti-unting lumalim at lumalago.

Gusto kita, at iyan ang pinakamahalaga.
Kahit na ang daan ay magulo at madilim.
Sa bawat hininga at tibok ng puso,
Nandito lang ako, nagmamahal sa iyo nang totoo.

22/11/2024

Pag-ibig sa Pagitan ng Buwan at Araw

Sa pagitan ng buwan at araw, doon tayo nagtagpo,
Isang lugar na hindi nasusukat ng oras o galak,
Pag-ibig na hindi lamang nararamdaman, kundi nauunawaan—
Isang paglalakbay na tila walang katapusan,
Ngunit sa bawat hakbang, may sagot na dumarating.

Ang araw, may hangganan, ngunit sa gabi’y sumasabog ang mga bituin—
Tulad ng pag-ibig, may mga sandaling tinatanaw ang dulo,
Ngunit sa bawat dilim, may liwanag na tinatanaw,
At sa bawat liwanag, may dilim na bumabalot sa ating puso.

Ang pag-ibig, tulad ng oras, hindi matitinag,
Tinutuklas ang kahulugan sa bawat pag-pito ng hangin,
Sa bawat tibok ng puso, isang tanong:
"Hanggang saan?" Ngunit ang sagot, hindi sa dulo,
Kundi sa paglalakbay mismo, sa pagitan ng gabi at araw.

Ang buwan at araw, hindi magkasama, ngunit hindi hiwalay,
At tayo, tulad ng mga ito, hindi kailanman ganap,
Ngunit sa ating pagnanais na magtagpo,
Natuto tayong tanggapin ang pagitan—
At doon, sa pagitan ng lahat ng ating mga tanong,
Doon natin natagpuan ang tunay na pag-ibig.

22/11/2024

Akala

Ang akala'y parang isang ulap,
Lumulutang sa langit, malambot at mapula.
Parang pangarap na di maabot,
Ngunit sa isang iglap, naglalaho at nagwawala.

Akala kong ikaw ay akin,
Na sa piling mo'y ako'y maligaya.
Ngunit ang akala ko'y nagkamali,
Sapagkat ikaw ay hindi para sa akin, kundi para sa iba.

Akala kong tayo'y magtatagal,
Na ang ating pag-ibig ay walang hanggan.
Ngunit ang akala ko'y naglaho na,
Sapagkat ang ating pag-ibig ay parang bula,
Mabilis masira, mabilis mawala.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito,
Natuto akong magpatawad at magkalimot.
Natuto akong magpatuloy at mag-move on,
Sapagkat ang akala ko'y nagturo sa akin ng isang aral,
Na ang buhay ay puno ng mga sorpresa,
At ang pag-ibig ay hindi laging nagtatagal.

Address

Agusan Del Norte
Butuan City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Edison NJ vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share