Ang Narra

Ang Narra Ang "Ang Narra" ay ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Agusan National High School

22/08/2016

ANUNSYO!

Pinapaalalahanan ang lahat ng kasapi sa gagawing pagpupulong bukas, ika-22 ng Agosto sa tanggapan ng pahayagan.

Pansamantalang gagamitin ang pahina para sa lahat ng anunsyo hinggil sa mga gawain.

Paumanhin at maraming salamat!

12/08/2016

Kanina ay ginanap ang paligsahan sa broadcasting kasabay ang screening para sa mga kasapi ng bagong team ng Ang Narra.

Ang mga sumusunod ay ang bubuo sa bagong pangkat ng broadcasting:
Joress Estrada
Angel Salomon
Diane Cinco
Kheryl Medina
Alijandra Mariveles
Stefan Cumba
Ces Arcala
Anrem Escatron
April Lazarito
Abegail Langanlangan
Jonnifer Catap

Iniimbitahan muli ang mga sumusunod ngayong Lunes, las 5:00 ng hapon para sa final screening:
Jonash Bondoc
Marc Banogon

Ang mga nagsipagwagi sa paligsaan ay i-aannounce sa pampinid na palatuntunan ng Buwan ng Wika at iba sa resultang ipinalabas ngayon ng pahayagaan.

Maraming salamat!

05/08/2016

Ang mga bagong kasapi ng Ang Narra ay ang mga sumusunod:

BALITANG ISPORTS
Edzel Jun A. Ga-as
Christian Rover H. Bayotas
Jannie Marie D. Go
Kim Zio B. Ferrolino
Florheen Lester L. Gilo

PAGSULAT NG LATHALAIN
Shiella May M. Valdehueza
Divine Grace E. Dela Torre
Recriselle D. Havana
Maria Gwen T. Mutia
Nicola Yesiah G. Oplas

PAGSULAT NG LATHALAING PANG-AGHAM
Reymond T. Rulona

PAGKUHA NG LARAWAN
Sherlyn Anne Y. Cardenal
Carl Zendy C. Malagar
Dimples P. Pulido
Benny Ruth B. Capote

PAGSULAT NG BALITA
Marnie G. Perez
Mary Gwyneth S. Manlapaz
Mary Angelique C. Gestano

LAY-OUT
Francis Tin-ao

PAGSULAT NG EDITORYAL
Reymond T. Rulona
Hannah Tricia A. Cena
Leon Eunice A. Blanca

KARTUNG PANG EDITORYAL
Jem Emmanuel D. Mongado
Desiree Soliven Olvido
Alnarah Marie P. Parejo

Magkakaroon ng pagpupulong ngayong Agosto 8, las 5:00 n.h sa tanggapan ng pahayagan.

Maraming salamat at mabuhay!

04/08/2016

ANUNSYO!

Ang mga pangalan ng bagong kasapi ng Ang Narra ay ipapalabas na bukas, ika-5 ng Agosto, na ipapaskil sa bulletin board sa labas ng Filipino Department at dito sa opisyal na page ng pahayagan.

Maraming salamat :)

28/07/2016

ANUNSYO!

Magsasagawa ang Ang Narra ng special screening para sa lahat ng larangan maliban sa broadcasting bukas, Hulyo 29, alas 5 ng hapon sa tanggapan ng pahayagan.

Maraming salamat!

25/07/2016

Anunsyo!

Ang Screening/Audition sa Radio Broadcasting at Script Writing ng ANG NARRA (pahayagang pangkampus ng ANHS) ay opisyal nang isasabay sa/gagawing paligsahan ngayong Buwan ng Wika sa ika-12 na araw ng Agosto, las otso ng umaga hanggang las cinco ng hapon.

Inaanyayahan po namin ang mga interesadong estudyante ng Crack at STE seksiyons ng Agusan National High School na magtanong para sa karagdagang kaalaman sa alin man sa mga sumusunod na tagapamahala sa pamamagitan ng dm (direct message) sa facebook o 'di kaya'y sa personal:

1.) Raf Laput X-Einstein (Director)
2.) Aries Burdeos Espina X-Einstein (Infomercialist)

Maraming Salamat!

16/07/2016

ANUNSYO!

Ang screening para sa mga bagong kasapi ng ang narra ay magpapatuloy sa mga sumusunod na araw:

Hulyo 19, Martes, Pagkuha ng Larawan -- Deward Gaborno ng X Einstein at Euca Camille Feliciano Abogadie ng IX Avogadro

Hulyo 20, Miyerkules, Pagsulat ng Balita at Editoryal -- Lara Sacote at Ruthmarie Cataraja; Edward Makiling at Princess Semacio ng X Einstein

Hulyo 21, Huwebes, Pagsulat ng Lathalain at Lathalaing Pang-agham -- Trisha Santos; Margau Apilada ng X Einstein

Hulyo 22, Biyernes, Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita -- Kyle Ormita at Elaine Cuevas Gestano ng IX Avogadro

Hulyo 25-27, Lunes hanggang Miyerkules, Radio Broadcasting -- Raf Laput at Aries Burdeos Espina ng X Einstein

Ang lahat ng interesadong sumali ay maaaring magpalista o lumapit sa mga pangalang nabanggit sa itaas. Ito’y gaganapin alas 5 ng hapon, sa opisina ng pahayagan, kaliwang bahagi ng Filipino Department.

Maraming salamat!

13/07/2016

ANUNSYO!

Bukas, Hulyo 14, 3:00 PM ay magsasagawa ang Ang Narra ng screening para sa larangan ng PAGSULAT NG BALITANG PAMPALAKASAN. Ang mga nagnanais na sumali ay maaaring magpalista kay Jeslan Gale Cubillas X - Einstein o agad na sumangguni sa opisina ng pahayagang pangkampus, kaliwang bahagi ng Filipino Department.

Ang iba pang schedule ng screening ay ipinaskil na sa bulletin board ng pahayagan at ipo-post dito sa aming official page.

Maraming salamat!

12/07/2016

ANUNSYO!

Bukas, Hulyo 13, 5:00 PM ay magsasagawa ang Ang Narra ng screening para sa larangan na Kartung Pang-editoryal at Lay-out. Ang mga nagnanais na sumali ay maaaring magpalista kina Jenny Louise Mission ng X-Sun at Danielle Cullantes ng X-Einstein o agad na sumangguni sa opisina ng pahayagang pangkampus, kaliwang bahagi ng Filipino Department. Para sa lay-out ay inaasahan ang lahat interesado na magdala sariling laptop na gagamitin.

Ang iba pang schedule ng screening ay ipinaskil na sa mga bulletin board ng paaralan at ipo-post dito sa official page ng pahayagan.

Maraming salamat!

28/03/2016

Ang mundo, kung titingnan, napakagulo
Sila, siya, ako at ikaw nasa dulo
Napakalayo, isang pikit ko lang maaari kang maglaho
Ako, kasama mo, nais kong baguhin ang takbo ng mundo

Ang tadhana talaga'y mapaglaro
Narito ako ngunit nandiyan ka
Nasa kanan ako ngunit kumaliwa ka
Papasok ako at papalabas ka
Papunta na ako't pabalik ka na
Sana, naghintay ka
Sana, mas inagahan ko pa
Minahal kita at ikaw namay bumitaw na

Nakakahingal isipin
Na kung kailan ko nais maging nasa ilalim ng iyong lilim
Atsaka mo pa pinunit ang pasensya mo't tuluyan akong ibaon sa aking lihim
Na noon pama'y natutunan muli kitang mahalin
Na noon pama'y hindi malayong nais muli kitang maging akin, ngunit
Oras natin ay magkaiba, sayo'y ngayon at aki'y bukas pa
Minahal kita at ikaw nama'y bumitaw na

Ang lahat ay parang laro
Parang mga dahong iniihip papalayo
Mga dahong nasa magkaibang dako
Mga dahong parang ikaw at ako
Hindi ganoon kadali, ang kalabanin ang kung anong man ang sabi ng hangin
Hindi, ngunit gagawin ko para sa'yo, para sa puso ko, na ikaw ang hanap-hanap
Para sa pag-ibig na matagal na nating nais mabuo
Ako, may kasalanan ako, oo
Patawarin mo ako't hindi kita naantay at patatawarin kita sa hindi pag-aabang sa pagbalik ko
Bakit, palagi nalang may mali.

May mga bagay siguro na kahit ano pang gawin mo, hindi na magbabago
Mga bagay na nakatakda, mga bagay na kanyang akda
Pero
naniniwala pa rin akong balang araw mababago natin ang takbo ng mundo
At patuloy ko pa ring hinihintay ang makitang ikaw at ako, siya at sila sa dulo
Kumakaway, sabay sabing "napatunayan niyo".

26/03/2016

Mahilig ako sa ayaw ako

Minsan naisipan kong bumili ng milktea
Syempre masarap
Pero habang tumatagal,nakakasawa
Kaya ang ginawa ko, iniwan ko sa mesa at pinagdasal ang aking pangungulila
Papalabas na’ko noon nang biglang sumigaw ang waitress, “Ang tanga mo rin no?”
Sabi ko naman, “Oo, alam ko.”
Pero isipin niyo
Dapat ko bang pilitin ang sarili kong ubusin
Ang milktea na walang ginawa kung hindi ang lasunin
Ang tiyan kong walang ibang hinangad,
Ang malasap ang sarap
Ng inuming inakala kong magdadala ng kakaibang pwersa sa kalamnan kong uhaw na uhaw
At sa dila kong nakadungaw
Mahilig ako sa ayaw ako

Nakakatawa, dahil naalala ko bigla, minsan ring binanggit sa akin ang salitang ‘yan
Bakit daw pilit akong umaasa?
Bakit daw ako naghahabol sa kanya?
Bakit daw mas inaalala ko pa siya?
Bakit daw pinagmumukha ko ang sarili kong tanga?
Akala niyo ba madali?
Akala niyo ba hindi ako nagbabakasakali
Na dumating ang araw
Sa pag gising ko mensahe niya ang bubungad sa akin
Na balang araw kanyang sasabihin, “Ako’y nagkamali. Hayaan mo akong bumawi.”
Siguro nga dahil mahilig ako sa ayaw ako

Pinutol ko na’t lahat-lahat
Buhok ko
Lapis kong walang ibang isinusulat kung hindi ang pangalan niya
Taling nag-uugnay sa akin at sa kanya, kahit wala naman talaga.

Oo, para ko na ring dinudurog ang sarili ko
Ibinabaon ang mga tinik na siya ring dala ko
Tinitipid ang sarili ko sa pagmamahal, sa pag-aalaga, sa mga bagay na hinihiling kong maibigay niya, kahil konti lang.

Ewan ko ba kung bakit ako naiinis sa tuwing nakakapagbasa ako ng mga linyang kagaya ng aking ginagawa
Dahil ba ako rin ang tinatamaan ng mga balang aking pinapakawalan?
Dahil ba sa tuwing nasusulyapan ko tong mga letra siya ang nasa aking isipan?

“Miss, okay ka lang? Sorry.”
Buti pa si ate, alam pala ang salitang iyan
Pero ikaw, na nananakit araw-araw
Sa bulalakaw ko nalang siguro isisigaw
Na sana marinig ko rin mula sayo na ika’y nagsisisi’t nagkamali
Manhid ka ba o sadyang manhid ka lang talaga?
Tama na, tanga na kung tanga
Nagmahal at nasaktan lang po, pasensya na.

24/03/2016

Batay sa karanasan ng isang taong ayaw magpakilala

Sa isang storya may nahuhuli't nauuna
May lamang at may napapag-iwanan
May magaling lang sa umpisa, may patuloy na umaasa
May nasasaktan, may nagtatapos na luhaan, may nawawalan

Nung bata pa ako, ang hilig kong mamitas ng bulaklak
Lahat ng nagugustuhan ko, pinipitas ko, kahit minsan nauuhan ako ng talak
Ewan ko ba kung bakit ako nasisiyahang mawala sila sa lugar kung saan sila nararapat
Inililipat sa isang garapong may tubig daw dapat
Pagkaraan ng ilang araw, ito'y nalanta
Syempre nalungkot ako kaya tinanong ko nanay ko
"Bakit ganon? Inalagaan ko nama't binigyan ng oras ma, ba't namatay?"
Hindi siya sumagot, ni yango wala
Sa isipan ko, "ah siguro nagkataon lang, kukuha nalang ako ulit"
Nanatiling misteryo ang lahat hanggang sa natutunan ko ang takbo ng buhay nila
Na ang hirap mabuhay ng may kulang, ng malayo sa bagay na parte mo na
Siguro may ilang nakakayanan, pero hindi pang matagalan
Dahil sa lahat ng bagay may nakalaan

Ang saya lang isipin na kung hindi ko noon 'yon ginawa, hindi ako mapupukaw sa katotohanan
Na hindi lahat ng gusto mong makita, iyong mapagmamasdan
Na hindi lahat ng nais mong mangyari, aayon sa susunod na mga pangyayari
May mga pwede at may mga hindi
Ito'y ngayon, pero maaaring bukas ito na'y noon

Kagaya niya, kahit ilang pilit ko mang hilingin sa kanya
Na manatili't maging masaya
Sa piling ko, sa piling naming isa't isa
Kung ayaw niya, wala akong magagawa
Hindi ko hawak ang buhay niya, ng mga taong nais kong wag mawala
Siguro muli na naman akong aasa
Na balang araw magbago ang isip niya
Na balang araw gigising siya
Na balang araw ako ang pipiliin niyang kayakap
Habang sinasalubong ang araw ng may ngiti, ng may pagmamahal
Ngunit hindi ako ang nagpapasaya sa kanya

Kasabay ng kanyang pagkalanta ang paulit-ulit kong pagtanong sa sarili ko
Hindi pa ba lahat sapat sa'yo?
Mayroon ba akong ayaw mo?
Nais ko man siyang pigilan
Nais ko man siyang sabayan
Pero dapat ba akong matuwa dahil kahit kakaunti binuo ko siya
O dapat ko bang ikalungkot na hindi lang ako ang kailangan niya, na hindi ako sapat para paligayahin siya?

Sa isang storya may nahuhuli't nauuna
May lamang at may napapag-iwanan
May magaling lang sa umpisa, may patuloy na umaasa
May nasasaktan, may nagtatapos na luhaan, may nawawalan
Hawakan mo ang kamay ko sa huling pagkakataon at bitaw na
Ito na ang hudyat, ito na
Paalam, maging masaya ka sana sa piling niya

Address

A. D. Curato Street
Butuan City
8600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Narra posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share