Bekay's Realizations vlog

Bekay's Realizations vlog Love and Life Realizations. Influencer for GOD ♡♡♡

27/08/2026

Pasensya na po sa late upload, pagkauwi ko galing bahay, nakatulog na ako agad. 😅 Medyo mahirap ang kahapon: nagpunta ako sa dental, hindi maganda ang pakiramdam, pagod, at mainit ang panahon habang naghihintay ng pagkakataon dahil sa Dami ng pasyente. Kahit lumipat pa ako ng clinic, marami pa ring tao, parang ngayon, napakarami sating may pinagdadaanan o inaalala.. sa ngipin at sa buhay. Pero kahit pagod, mainit, at hindi perpekto ang araw, may natutunan ako.. ang pagiging kalmado ay nagsisimula sa isang simpleng ngiti. 😊

Awit 34:5

“Those who look to him are radiant, and their faces shall never be ashamed.”
“Ang mga tumitingin sa Kanya ay nagliliwanag, at ang kanilang mukha ay hindi mapapahiya.”

and..

"A joyful heart makes a cheerful face, but heartache crushes the spirit."
Proverbs 15:13 (NIV)

Kapag tiningnan natin ang Diyos sa gitna ng pagod, nagliliwanag ang ating mukha. Hindi kailangang maging perpekto ang lahat. Pagkatapos ng mahabang araw, tumingin ka sa salamin at ngumiti, hindi dahil madali, kundi dahil may pag-asa ka sa Kanya. Ipakita mo ang ngiting iyon sa iba; kahit isang simpleng ngiti lang, kakalat ito. Makikita mong isa-isa, ang mga mukha sa paligid mo ay magsisimula ring ngumiti. Isang ngiti, kayang baguhin ang buong paligid, ang bigat ng loob, at ang hangin sa paligid mo.

Ngumiti ka kahit hindi maayos ang lahat. Ang iyong radiance ay hindi galing sa sarili kundi sa Kanya na iyong tinitingnan. Great Life mga ka Journey, no matter what today's can offer always win the day with your smile.Blessed Thursday! 🙌🏻😄

In His Service,
_BRV_✍🏻


Ilang beses na bang nangyari na dahil sa sobrang pagod at bigat ng mga gawain sa buong maghapon, pagkahulog ng katawan s...
26/08/2026

Ilang beses na bang nangyari na dahil sa sobrang pagod at bigat ng mga gawain sa buong maghapon, pagkahulog ng katawan sa k**a ay agad na lamang tayong nakatulog? Minsan, nagigising na lang tayo kinabukasan at napapaisip: “Nakatulog pala ako… hindi ko man lang naisip magpasalamat o magpaalam sa araw na lumipas.”

Minsan, sa dami ng alalahanin, nakakalimutan nating kilalanin ang kabutihan ng Diyos. Minsan, hindi rin maganda ang takbo ng araw, puno ng hirap, pagod, at lungkot. Pero may isang bagay na hinding-hindi nagbabago: Tumingin ka sa langit.

Kahit nakalimutan nating magpasalamat, kahit mahirap ang araw, ang kalangitan ay patuloy na nagpapahayag ng Kanyang kaluwalhatian. Hindi ito nagbabago base sa nararamdaman natin; ang mga bituin at buwan ay nariyan pa rin, nagpapatunay na ang Diyos ay mabuti, dakila, at tapat maging sa mga sandaling hindi natin Siya gaanong napapansin
Mga Awit 19:2

“Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos; at ang kalawakan ay nagpapakita ng gawa ng Kanyang mga k**ay.”

Kaya sa gabing ito, kahit huli na ang lahat, kahit pakiramdam mo ay napabayaan mo ang oras kasama Siya, tumingin ka lang sa itaas. Ang langit ay paalala na hindi ka Niya kailanman iniwan. Ang Kanyang kabutihan ay hindi nakadepende sa ating pagiging perpekto; ang Kanyang kaluwalhatian ay laging nakikita, laging nariyan, at laging nagpapaalala: Ikaw ay minamahal, ang buhay ay biyaya, at bukas panibagong pagkakataon.
Huwag matakot sa pagtulog nang may pagkukulang, ang Kanyang pag-ibig ay sapat para takpan ang lahat. Ang langit ay nagsasalita; makinig ka at magpahinga nang may kapayapaan. Late good night mga ka Journey. Sleep well.😊

_BRV_

🌠💤

Naglunch pa naman sila kaya Baba nalang muna. Para makakain..Nagrereklamo na angtiyan.De na kakayanin sa de kwatro.🤭🤣😂
26/08/2026

Naglunch pa naman sila kaya
Baba nalang muna.
Para makakain..
Nagrereklamo na ang
tiyan.De na kakayanin sa
de kwatro.🤭🤣😂

Ilan na beses tayong gumising na parang naghahabol agad sa oras? Gusto nating mabilis ang lahat, mabilis ang sagot, mabi...
26/08/2026

Ilan na beses tayong gumising na parang naghahabol agad sa oras? Gusto nating mabilis ang lahat, mabilis ang sagot, mabilis ang tagumpay, mabilis ang pagbabago. Kapag hindi agad nangyari, napapagod tayo, nawawalan ng pag-asa, o naiisip na baka nakalimutan na tayo. Pero sa bawat umagang dumarating, ipinapaalala sa atin ang isang mahalagang katotohanan: Ang buhay ay hindi takbuhan, ito ay paglalakbay na may sariling takda.

Ang pagtitiyaga ay hindi lang basta paghihintay, ito ay pananatiling matatag habang naghihintay. Ito ang pagtitiwala na ang Diyos ay hindi huli, at hindi rin Siya nagmamadali. Ang araw ay sumisikat sa takdang oras; ang ulan ay bumabagsak sa tamang panahon; at ang iyong mga panalangin ay may itinakdang kasagutan. Ang pagtitiyaga ay nagpapalalim ng ating pananampalataya, nagpapatibay ng ating pagkatao, at naghahanda sa atin para sa biyayang parating.

Kaya huwag mong madaliin ang proseso. Ang bawat araw ng paghihintay ay may layunin. Ang bawat sandali ng paghihintay ay hindi nasasayang, ito ay inihahanda ka para sa mas dakilang bagay. Ang tunay na lakas ay nakikita kapag kaya mong maghintay nang may pag-asa at kapayapaan.

Kaya ngayong umaga, huminga nang malalim. Bitawan ang pagmamadali. Ipamahala sa Kanya ang iyong mga alalahanin at sabihin: “Panginoon, nagtitiwala ako sa Iyong oras.” Maglakad nang may katiyakan, hindi dahil mabilis ang pangyayari, kundi dahil kasama mo Siya sa bawat hakbang.Great Life mga ka Journey stay patience. Happy
Wednesday🙌🏻😊

In His Service,
_BRV_✍🏻

Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! 🎉 Danilo Ligot, Romeo Campo, Nida Marcayda...
24/08/2026

Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! 🎉 Danilo Ligot, Romeo Campo, Nida Marcayda, Mylene Dizon, Arlene C. Tagayun, Clement Oko, Sissylove Cristy, Rosil Montero, Ern Rivas, Annalyn Aquino, Joan Consas Brusas, Giezkie Tron, Rolando Riverajr, Leo Anthony, Lannie Porlares, Rendon Modular Cabinet Maker, Susanilyn Isugan Libertas Cadorna, Buboy Aquino, Emmanuel Tiam, Lolit Navalta Aguilar, Roan Ical, Jocelyn Layga, Angelina Aguanta, Jen Robin, Inday Nulfa, Rosalinda Olor, Rodrigo Ignacio, Leonora M. Abbu, Maricel L. Cabasag, Backyard Villa Villorente, Mercedes Rizano Sarayan, Nimfa Chua Talon, Rodaliza Macalintal, Junele Rosalem, Shanu Khan, Ca FE Laforteza, Nellie Lamangen Oriente Rodriguez, Analisa Villaceran, Rodolfo Espina Dagami Jr., Jhon's Dappang, Henry DeGuzman, Malubay Emelio Lauglaug, Maam Lourdes Zamudio Virrey, Jose Brendo Flores Baydal, Jjmar Abrera, Rosemary Flores, Erlinda Romano, Jovelyn Luchavez Cane, Ana Dimaano Sanchez, Noel Aquino

Good morning,Today's Gentle Reminder for you:📨👇🏻👇🏻👇🏻👇🏻" MULA SA MALIIT NA SIMULA, TUNGO SA MALAKING PAGLAGO" Tuwing gumi...
24/08/2026

Good morning,
Today's Gentle Reminder for you:📨
👇🏻👇🏻👇🏻👇🏻
" MULA SA MALIIT NA SIMULA, TUNGO SA MALAKING PAGLAGO"

Tuwing gumigising tayo, pagkatapos magpasalamat at magpuri sa Panginoon para sa panibagong pagkakataong mabuhay, kadalasan, ang dami agad nating inilalatag na mga layunin. Gusto nating tapusin ang lahat nang sabay-sabay, perpekto, at mabilis. Pero minsan, sa sobrang dami ng inaasahan sa sarili, nauuwi lang ito sa pagod, panghihina, at pakiramdam na hindi sapat ang ating nagawa.

Kaya ngayon, payak lang ang paalala: Hindi kailangang malaki o mabigat agad ang iyong layunin. Magtakda ka lamang ng maliit na goal, kahit isa lang, sapat na. Maging ito man ay sa pananalapi, sa trabaho, sa pagpapabuti ng sarili, pagkatuto ng bagong kalaman, skills, o pagpapalalim ng pananampalataya.

Kung uulitin mo ito araw-araw, kahit gaano kaliit, kapag pinagsama-sama sa paglipas ng panahon, ikagugulat mo ang iyong sarili sa napakalaking pag-unlad at paglago na iyong makakamtan.

Zechariah 4:10
“Do not despise these small beginnings, for the Lord rejoices to see the work begin…”
“Huwag ninyong hamakin ang araw ng maliliit na pasimula…”

Noong panahon ni Propeta Zacarias, ang bayan ng Diyos ay nagsisimula lamang muling magtayo ng Templo matapos ang mahabang panahon ng pagkakabihag. Sa paningin ng marami, ang simula ay tila napakaliit, mahina, at walang halong kapangyarihan kumpara sa dati. Ngunit ipinaalala ng Panginoon: Hindi Niya hinahamak ang maliit na simula, bagkus, Siya ay nagagalak kapag nakikita Niyang nagsisimula na ang gawain.

Ang tagumpay ay hindi laging nagsisimula sa ingay at kislangan; madalas, ito ay nagsisimula sa tapat, payak, at matiyagang pagsisimula araw-araw.

Kaya huwag mong ikahiya o maliitin ang iyong "maliit na hakbang." Huwag mong madaliin ang proseso. Ang bawat maliit na layuning natatapos mo nang may katapatan ay binhi ng dakilang kinabukasan sa k**ay ng Diyos. Ang pag-unlad ay hindi palaging mabilis, ngunit ang tiyaga at pagpapatuloy ang siyang susi sa tagumpay na nagtatagal.
Sa bisaya pa, "Bahalag Hinay-hinay Basta kanunay."

Kaya sa araw na ito, piliin mo ang isang maliit na layunin. Gawin ito nang buong puso. Huwag kang matakot magsimula sa mababa. Ang Diyos mismo ang magpapalago nito. Simulan mo na, dahil ang pinak**agandang oras para magsimula ay NGAYON. 🌅🚀
Great Life mga Ka journey, Have a blessed Tuesday!🙌🏻😊

In His Service,
_BRV_✍🏻

☕📈🙏

24/08/2026

Pagkatapos ng abalang araw, ipahinga ang isip at puso sa Kanya. Ang Diyos ang iyong kapayapaan at kaligtasan. 🙏

Mga Awit 4:8

“Kapayapaan ang aking iiwanan at pagtulugan, sapagkat Ikaw lamang, Panginoon, ang nagpapahingahin sa akin nang lubos.”

Good night everyone💤 🥱

KAHIT GAANO KA BUSY ANG ARAW MO: HUWAG KALIMUTANG MAG PAUSE AT  MAGPAPASALAMAT. Sino sa atin ang hindi nakakaranas ng mg...
24/08/2026

KAHIT GAANO KA BUSY ANG ARAW MO: HUWAG KALIMUTANG MAG PAUSE AT MAGPAPASALAMAT.

Sino sa atin ang hindi nakakaranas ng mga araw na parang kulang ang oras? Yung tipong paggising mo pa lang, sunod-sunod na ang mga gawain, trabaho, gawaing bahay, pag-aasikaso sa pamilya, mga mensahe na kailangang sagutin, at mga responsibilidad na tila walang katapusan.Minsan, sa sobrang pagmamadali at pagkapagod, nadadaan tayo sa sasabihing:

“Wala na akong oras magdasal ngayon, sadyang napaka-busy ko.”

Pero ang katotohanan, ang pagiging abala ay hindi dapat maging dahilan upang lumayo tayo sa Pinagmulan ng ating lakas at buhay. Ang ating mga k**ay ay maaaring puno ng gawain, ngunit ang ating puso ay dapat laging may puwang para sa Kanya.

“Always giving thanks to God the Father for everything, in the name of our Lord Jesus Christ.”
Efeso 5:20

Ang pasasalamat ay hindi lamang ginagawa kapag maganda ang takbo ng araw o kapag nakaupo tayo nang mahinahon. Ito ay isang ugali at paninindigan, kahit sa gitna ng ingay, pagod, at pagmamadali.

Busy day? Still pause: God deserves your thanks.

Hindi Niya hinihingi ang mahabang panalangin, hinihingi Niya ang iyong puso sa buong araw. Isang maikling paghinto, isang bulong ng pasasalamat,“Panginoon, salamat po sa lakas, sa buhay, at sa gabay ngayon.”napakalaki na ng halaga nito sa Kanya.

Ang bawat paghinga, bawat pagkakataong kumilos, at bawat gawaing natatapos, lahat ito ay galing sa Kanyang biyaya. Hindi tayo nakakakilos nang mag-isa; Siya ang nagbibigay ng kakayahan sa atin.

Kaya huwag nating hayaang ang pagiging abala ang maging hadlang sa ating ugnayan sa Diyos. Ang tagumpay ng ating araw ay hindi nasusukat sa dami ng natapos na gawain, kundi kung paano natin pinahalagahan ang Diyos na nagbigay sa atin ng kakayahang gawin ang lahat ng iyon.

Ang oras ay mabilis lumipas, ang mga gawain ay matatapos, ngunit ang pagpupuri at pasasalamat sa Diyos ay nananatili at may walang hanggang halaga.

Kaya ngayon, huminto ka sandali. Itigil ang pagmamadali kahit ilang segundo lamang kahit pagod, bumulong sa Panginoon. "Lord, maraming salamat sa kabutihan Mo sa buhay ko, mula pag sikat ng araw hangang sa pag lubog nito purihin ang ngalan Mo."
Tumingin sa itaas at magpasalamat nang buong puso. Huwag mong hayaang matapos ang araw ng di mo Siya nakausap, ibigay mo muna sa Kanya ang papuri na nararapat sa Kanya.

Kahit abala, magpasalamat ka. Siya ang tunay na dahilan kung bakit ka nakakakilos at nabubuhay ngayon.
Good evening mga ka Journey just got busy today. How's your day anyway? Don't forget to Thank God this evening 🙌😊

In His Service,
_BRV_✍🏻

Thank you everyone ☺️
24/08/2026

Thank you everyone ☺️

Blessed Monday 😊
24/08/2026

Blessed Monday 😊

Address

Pinamanculan
Butuan City
8600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bekay's Realizations vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share