06/09/2025
๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ, ๐๐ถ๐ป๐๐ป๐ถ๐๐ฎ; ๐จ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐, ๐ก๐ฎ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ
BUTUAN CITY โ Matagumpay na ipinagdiwang ng mga mag-aaral at g**o sa Filipino ng Father Saturnino Urios University (FSUU) ang Buwan ng Wika 2025 sa CBS Ground noong Agosto 27. Sa temang โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,โ layunin ng programa na palakasin ang pagmamahal sa wikang Filipino at sa mga lokal na diyalekto.
Pinangunahan ang kaganapan ng mga organisasyong Filipino sa Edukasyong Tersyarya (Filersya) at Kalipunan ng mga Filipino Medyor sa Urios (KaFilMU), kasama sina Chloie Cameros at Sheila Garrido na nagsilbing host. Nagsimula ang programa sa pagpaparehistro ng mga kalahok dakong alas-7 ng umaga, na sinundan ng panalangin at pag-awit ng Pambansang Awit. Nagbigay ng pambungad na mensahe ang Pangulo ng Filersya, na sinundan ng isang sayaw at awit na nagpapaalala sa kahalagahan ng wika sa pagkakaisa.
Naging sentro ng pagdiriwang ang mga patimpalak na sumubok sa galing ng mga kalahok. Nagkaroon ng Online Contest na โMemes Competitionโ, โTradisyunal na Kasuotanโ at โBayani Kalook-alikeโ. Literary Contest na tampok ang "Dagliang Talumpati," "Dagliang Sanaysay," "Maikling Kuwento," at "Poster Slogan." Nagdagdag din ng sigla ang Musical Contest para sa "Pag-awit ng OPM," "Sabayang Pagbigkas," at "Sayawit." Lubos na ikinatuwa ng mga manonood ang mga palarong pambayan tulad ng "Tagisan ng Talino" at "Laro ng Lahi."
Ang mga naging hurado sa mga patimpalak ay sina Lorymie Vacalares, Sheryll Labadan, at Ethyl Grace Banal. Pinarangalan ang mga nagwagi pagkatapos ianunsyo ang mga resulta. Nagtapos ang pagdiriwang sa isang Unity Dance na nagpapakita ng pagkakaisa, at sa pangwakas na mensahe mula kay Dr. Belinda Ato-Candelario, Dekana ng Arts and Sciences Program, na nagpasalamat sa lahat ng nakiisa sa matagumpay na kaganapan.
Sulat ni: Lovely Jean Padaz
Larawan ni: David Leo Lambert