03/09/2025
Title: My Supermarket
Chapter 5
Ganon parin yung morning ko, walang pinagbago. Habang nag-aasikaso ako ng mga prutas, biglang may lalaki na humarang sakin.
"Excuse me, available ba kayong strawberry?" tanong niya na pa hinhin.
(Omg, kahit yung boses, ang sarap pakinggan. Ano pa kaya kung siya na?)
"Pasensya na, bukas pa kasi yon ma-deliver. Okay lang ba sayo?" sagot ko na nagpapa-cute.
Tumungo lang siya at saka sabay pasok sa store. Syempre, agad akong pumasok sa store.
"Ano bang hinahanap mo?" tanong ko.
Nag-smile lang siya.
"Pwedeng kitang tulungan," sagot ko na naka-smile.
"Gusto mong sumama?" tanong niya.
"Ahm, saan naman yan?"
"Sa bahay lang, mag-celebrate," sagot niya.
"Wow, anong meron?"
"Bagong lipat kasi ako," sabay kuha ng soft drink.
"O sige ba," sagot ko na nagpapa-cute.
"Sige," sabi niya.
"Kunin ko nalang cp number mo or add mo nalang ako. Do you have any social?"
"Number nalang," sagot niya.
"Sige, ito."
At umalis na din siya. Pumunta muna ako sa CR.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaa, totoo ba to?" sigaw ko na pa talon-talon.
At paglabas ko, may dalawang nakakasira ng mood ko.