01/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐จ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฎ๐ , ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ค๐ฅ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐
Pagdiriwang ng Pasasalamat at Pagkakaisa Sumiklab sa kulay at liwanag ang paraiso ng Buug sa pagdiriwang ng "Paskohan sa Buug 2025" na ginanap sa Buug Central Pilot School nitong Disyembre 1, 2025.
Isang taunang selebrasyon ang sinimulan sa isang banal na misaโisang relihiyosong serbisyong nagsilbing pagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat sa Panginoon. Sa kabila ng mga hamong kinakaharap, patuloy parin tayong pinatatatag ng pananampalataya upang magpatuloy at umunlad.
Pagkatapos nito ay sinalubong ang kalsada ng masiglang paradaโang maiingay na liriko, ang nagngangalit na trampol ng mga tambol, at ang sabayang martsa at kembot na naghatid ng saya at aliw. Ang mga makukulay na himig at sayaw ay naging pintig ng pagdiriwang sa gitna ng umaapaw na sigla ng buong bayan.
At pagsapit ng dapithapon, isang masiglang pagsabog ng kulay ang umangat sa himpapawid. Ang mga palamuting kumikislap, ang naglalakihang Christmas tree, at ang bawat ilaw na nagliwanag sa paligid ay tila nagsuot ng bagong buhay ang buong paraiso. Bawat sigaw ng tuwa, bawat haplos ng hangin, at bawat kisap ng ilaw ay sumisimbolo ng sipag, tiyaga, at pagkakaisa ng mamamayan ng Buug. Tunay na ramdam na ramdam ang diwa ng Pasko dito sa bayan ng Buugโkung saan ang kulay ay sumasayaw sa kislap, at sa bawat yapak ng mamamayan ay sumisilang ang liwanag ng tunay na diwa ng Pasko.
(Details/Photos: Stacy Calderon Tabiano, Gabriel Endong)
๐๐๐๐ข๐ ๐ฝ๐๐๐๐ ๐ฑ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐