Cassey Morales

Cassey Morales 🩵💛🌸

09/11/2025
15/10/2025
15/10/2025
15/10/2025
15/10/2025

PSYCHOANALYSIS vs CBT: A look back into the psychotherapy debates in 2016, which still continue to this day.

“CBT [cognitive-behavioral therapy] embodies a very specific view of painful emotions: that they’re primarily something to be eliminated, or failing that, made tolerable. A condition such as depression, then, is a bit like a cancerous tumour: sure, it might be useful to figure out where it came from—but it’s far more important to get rid of it. ... Psychoanalysts contend that things are much more complicated. For one thing, psychological pain needs first not to be eliminated, but understood. From this perspective, depression is less like a tumour and more like a stabbing pain in your abdomen: it’s telling you something, and you need to find out what.”

Read in full here: https://www.theguardian.com/science/2016/jan/07/therapy-wars-revenge-of-freud-cognitive-behavioural-therapy | | The Guardian

15/10/2025

Rayuma, Osteo-Arthritis at Rheumatoid Arthritis
Payo ni Doc Willie Ong at Doc Liza Ong

Ang arthritis ay pamamaga ng kasu-kasuan o joints. Maraming klase ng arthritis.
Osteoarthritis:
Sa pag-edad, halos lahat ng tao ay nagkaka-osteoarthritis. Ang osteoarthritis ay pamamaga ng cartilage o butong-mura sa dulo ng mga buto dahil napudpod, kaya masakit at maga mula sa pagkiskis o paggalaw.
Ang dahilan ng pagkakaroon ng osteoarthritis ay maaring namamana, dating injury o pinsala, sobrang pagtatrabaho at pag-edad. Kapag mataba o mabigat ka, mas magdidikit-dikit ang buto sa likod at tuhod dahil sa bigat ng katawan.
Rheumatoid Arthritis:
Ang rheumatoid arthritis ay sakit sa immune system kaya namamaga ang lining ng kasu-kasuan.
Ang mga dapat kainin pag may osteoarthritis o rheumatoid arthritis ay mga pagkaing laban sa pamamaga tulad mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids tulad ng tawilis, tamban, dilis, hasa-hasa, galunggong, at talaba.
Kumain din ng mga antioxidants o mayaman sa vitamin C tulåd ng papaya, kalamansi, suha, repolyo, kamatis, bayabas, mangga, berdeng sili (bell pepper) at singkamas.
Kumain ng may beta-carotene o vitamin A gaya ng mga dilaw na gulay at prutas, kamote, mangga, papaya, at kalabasa.
Dagdagan din ng pagkaing may vitamin D para tumibay ang buto gaya ng p**a ng itlog, talaba, sardinas, tawilis, tumban, soya milk at kabute.

15/10/2025

Iwas Sakit: Uminom ng 8 Basong Tubig
Payo mula kay Doc Willie Ong

Alam mo ba na ang katawan natin ay puno ng tubig? Ang utak natin ay may 74% tubig. Ang masel natin ay 75% tubig. Kahit ang matigas nating buto ay may 22% na tubig.
Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit napakaraming Pinoy ang ayaw uminom ng tubig? Mayroon diyan, 3 baso lang kung uminom sa isang araw. Kulang po ito. Heto ang mga sakit na matutulungan ng pag-inom ng tubig:
1. Para sa sakit sa bato – Ang sanhi ng bato sa bato (kidney stones) ay ang kakulangan sa tubig. Dahil dito, nagiging madilaw ang ihi at namumuo tuloy ang bato. Mag-ingat at baka tumuloy sa kidney failure at dialysis.
2. Para sa impeksyon sa ihi – Kapag kulang ka sa tubig, mas kakapitan ka ng impeksyon sa ihi o balisawsaw.
3. Para sa lagnat – Nakapagpapababa ng lagnat ang pag-inom ng tubig. Ito’y dahil maiihi mo ang “init” sa iyong katawan. Painumin ng tubig at juice ang mga may lagnat.
4. Para sa ubo, sipon at trangkaso – Ang sapat na tubig ay nagpapalabnaw ng sipon at plema. Mas bibilis din ang paggaling sa trangkaso.
5. Para sa pangangasim ng tiyan – Malaki ang tulong ng tubig para mahugasan ang acido sa ating sikmura. Sa pag-inom ng tubig, mababawasan ang ulcer, impatso at sakit ng tiyan. Mas gusto ng tiyan ang maligamgam na tubig.
6. Para lumakas – Kapag kulang ka sa tubig, magiging matamlay ka at manghihina. Lalo na kapag mainit ang panahon, uminom ng maraming tubig.
7. Para sa sakit ng ulo – Nakatutulong ang tubig sa pagtanggal ng migraine o sakit ng ulo.
8. Para pumayat – Bago kumain, uminom ka muna ng 1-2 basong tubig. Mabubusog ka nito at hindi ka mapapakain ng marami. Hindi po nakatataba ang tubig.
9. Para gumanda – Ito ang mahalaga sa lahat. Ang beauty secret ng mga dermatologists ay tubig lang. Kapag kulang ka sa tubig, lulubog ang iyong mata at kukulubot ang balat (wrinkles). Uminom ng tubig para kuminis at kumintab ang iyong kutis. Umiwas ka rin sa araw para hindi kumulubot.
Anong klase ng tubig ang dapat inumin? Alam kong may kamahalan, pero uminom na lang ng bottled water, purified water o pinakuluang tubig. Hindi tayo nakasisiguro na ligtas ang tubig sa gripo. Tandaan: Para makaiwas sa sakit, uminom ng tubig.

Address

Caba

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cassey Morales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share