25/12/2025
๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก, ๐ฃ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐๐๐ก ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐ช๐๐ก๐ก๐๐ฅ ๐ฆ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ ๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐๐๐๐ก๐ง๐๐๐ ๐๐ช๐๐ฅ๐๐ฆ
Nakatanggap ng prestihiyosong parangal bilang National Winner sa 2025 Presidential Awards for Child-Friendly Municipalities and Cities ang Bayan ng Cabagan para sa kategoryang 1st to 3rd Class Municipality.
Ang pagkilala ay ibinigay sa bayan dahil sa matatag na programa at polisiya ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mga bata.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagkilalang ito ay patunay ng mahusay na pamumuno at kolektibong pagsisikap ng buong pamahalaang lokal.
Malaki rin ang naging ambag sa pagkilala ang Municipal Social Welfare and Development Office at iba't ibang tanggapan ng LGU, pati na rin ang apat na barangay na kinabibilangan ng Catabayungan, San Bernardo, Masipi West, at Balasig.
Sinisiguro naman ng bayan ang kanilang pangako na patuloy na palakasin ang mga inisyatiba para sa isang ligtas at maunlad na kinabukasan ng kabataang Cabagan.
Source / LGU CABAGAN