
02/09/2025
Ngayong Setyembre 2, 2025, ipinagdiriwang ang ika-129 na taong selebrasyon ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija.
Ang pangyayaring ito'y sumisimbolo sa kagitingan at katapangan ng mga Pilipinong lumaban sa mga Espanyol na ninais sakupin ang bayan. Pinangunahan ni Heneral Mariano Llanera, kasama sina Heneral Manuel Tinio at Pantaleon Valmonte ng Bayan ng Gapan, ang pag-aaklas noong 1896.
Ito ay tatak ng dugo at pawis na inalay ng mga magigiting na mamamayan at bayaning Pilipino upang makamit ang walang hanggang kalayaan ng bayang sinilangan.
[E]
ni Althea Ramos
anyo ni Delfin Jr. Macapagal