09/09/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            “HINDI MATUTUMBASAN NG PERA ANG TAPAT NA SERBISYO”
Sa Davao City, isang pulis ang naging usap-usapan matapos ipakita ang kahanga-hangang katapatan. Habang pauwi na, napansin niya ang isang bag na naiwan sa daan. Nang silipin, tumambad ang mahigit isang milyong piso at mahahalagang dokumento sa loob nito!
Sa kabila ng malaking tukso, pinili niyang hindi magdalawang-isip at agad itong isinauli sa tunay na may-ari. Ang labis na pasasalamat ng nagmamay-ari ay hindi matutumbasan—dahil bihira ang taong kayang gawin ang ganoong uri ng katapatan. 
Siya si Police Staff Sergeant Nairb Docz ng PS1 Sta. Ana, Davao City.
Isang ehemplo ng tunay na serbisyo at dangal ng kapulisan.
Saludo po kami sa inyo, sir! Ang inyong ginawa ay paalala na marami pang pag-asa ang Pilipinas dahil may mga lingkod-bayan na inuuna ang katapatan higit sa anupaman.
God bless you more, Sir! Ang kwento ninyo ay karapat-dapat ibahagi at tularan.
CREDITS