06/07/2023
Verse of the day
Wednesday
July 5, 2023
Eclesiastes 12: 1
" Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masasamang araw, at ang mga taon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon;"
Kailangang maturuan ng mga Magulang ang Kabataan na makapaglingkod sa Dios.
Maturuan na ang kanilang kalakasan at katalinuhan ay sa Dios maipagamit, at hindi sa mga masasamang gawain ng sanglibutan.
Sa Panginoon maiukol ng mga Kabataan ang mataas na pagkilala at pag-ibig sa Kaniya.
Kailangang maituro ng mga Magulang sa anak mula pagkabata, hanggang sa maging ganap na kabataan, na may kalakasang maipaglilingkod sa Dios at sa Kaniyang Gawain.
Na kung nagsisikap man ang mga Magulang na mapag-aral ang mga anak, upang magkaroon ng maayos at matatag na paghahanp-buhay, ay kasamang maipasok sa damdamin ng mga anak ang pagmamahal sa Iglesia at pagmamalasakit sa Gawain ng Panginoon.
Kaya hindi puro sa pang laman lang na pamumuhay ang pagtuturo sa gagawing pagsisikap sa buhay.
At sa pagtuturo sa mga Kabataan ng paglilingkod at pag-ibig para sa Dios, ay makarating sa damdamin at kalagayang nakapagsusumakit sa Gawain ng Panginoon upang mabanal.
Kagaya ng pagsisikap na ginawa ni Apostol Pablo sa mga unang Cristiano, na naging bahagi ng kaniyang pagtuturo, na kung maari ang mga Kabataan, lalo pa sa kalagayan ng mga kadalagahan, ay huwag nang mag-asawa.
Upang magawa ang paglilingkod na walang abala, at makapagsumakit sa mga bagay ng Panginoon.
Mas makapagbabanal ang mga Kabataan kung makapaglilingkod ng walang abala.
Mas makapagsusumakit sa Panginoon upang maging banal.
Dahil ang may asawa ay nahahati na ang oras, panahon at pagsisikap sa paglilingkod sa Dios, dahil sa responsibilidad na dapat ding maibigay para sa kaniyang pamilya.
Kaya sana sa kalagayan ng bawat Magulang, ay makalikha ng mga anak na makapaga-alay ng buhay at kalakasan sa Panginoon at pag-iingat para sa Iglesia.
Nang mga Kabataang magiging tagapagtanggol ng Iglesia.
Nang mga Kabataang makapagmamalasakit at makapagtataguyod ng Gawain ng Panginoon hanggang sa katapusan ng sanglibutan.