28/06/2026
MAY BAGONG SCHEDULE NA NAMAN! ππΎ
Kabayan, tignan ang bagong labas na schedule para sa ating Bigas Para sa Masa Program (β±20/kilo) sa araw ng Lunes at Martes (June 29-30).
------------
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS:
1. Ilang kilo ang pwedeng bilhin ng isang tao?
- Maximum of 5 kilos kada tao ang pwedeng bilhin. Kahit ilang tao kayo sa isang bahay, ang bawat isa ay pwedeng bumili ng 5 kilos.
2. Pwede bang bumili ang kahit hindi residente ng barangay kung nasaan ang rolling store?
- Oo, maari. Pero, PRIORITY ang mga residente sa mismong barangay na naka-schedule. Kapag nabentahan na ang lahat ng residente sa naturang barangay, tsaka pa lang bebentahan ang mga dumayong bibili. Isang valid ID lang ang kailangang ipakita. Gayunpaman, mas pinapayuhan ang lahat na hintayin na lang ang pagdating ng rolling store sa inyo mismong barangay na tinitirhan upang siguradong makabili ng β±20/kilong bigas.
3. Wala na bang libreng bigas na ipinamimigay?
- Meron pa rin! Tinatawag naman itong Rice Distribution Program at iba ang schedule nito.