UsapangBayan

UsapangBayan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from UsapangBayan, Digital creator, Cabanatuan City.

15/09/2026

Iginiit ng Akbayan ang pangangailangan para sa masusing pagsusuri sa mga naturang dokumento bilang bahagi ng paglilitis.

Cabotaje-Tang: “My testimony is not for sale,.!!Iginiit ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang n...
15/09/2026

Cabotaje-Tang: “My testimony is not for sale,.!!

Iginiit ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na wala siyang anumang ipinagpalit na pabor kapalit ng kanyang pagtestigo sa impeachment court.
Nang tanungin ng abogado ni Vice President Sara Duterte kung may ipinangako sa kanya kapalit ng kanyang testimonya, mariin itong itinanggi ni Cabotaje-Tang.
“No, sir. And I will never testify if I were ever offered anything, material or otherwise. My testimony is not for sale, sir.”
Tinanong din siya tungkol sa kanyang ugnayan kay Akbayan party-list Rep. Chel Diokno, na siyang prosecution co-team leader para sa Article II. Sinabi ni Cabotaje-Tang na hindi sila personal na magkakilala at wala siyang koneksyon o planong sumali sa Akbayan.
Sa pagpapatuloy ng pagtatanong, tinanong din siya ng abogado kung kasalukuyan ba siyang nag-a-apply para sa posisyon bilang ambassador.

15/09/2026

Ayon kay Magalong, may mga insertion umano sa mga distrito at may mga pagkakataong barangay lamang ang kinokonsulta habang inilalabas ang mga ito, na tila may consultation na sa local government.

Sotto, pabor na marinig si Cabotaje-Tang: “Hindi naman kaming lahat kasing dunong ninyo”Pumabor si Senator-Judge Tito So...
14/09/2026

Sotto, pabor na marinig si Cabotaje-Tang:
“Hindi naman kaming lahat kasing dunong ninyo”
Pumabor si Senator-Judge Tito Sotto na payagang tumestigo si retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sa kabila ng pagtutol ng defense panel.
Ayon kay Sotto, maaaring maging “educational” para sa mga senator-judge at publiko ang marinig ang pananaw ng dating mahistrado.
“Hindi naman kaming lahat kasing dunong ninyo e. Kung saan-saan lang kami graduate,” ani Sotto.
Kalaunan, pinayagan ng impeachment court si Cabotaje-Tang na tumestigo. Gayunman, nilinaw na ang kanyang mga legal opinion ay hindi awtomatikong binding o conclusive sa mga senator-judge.

5 senador, bumoto laban sa panukalang pagpapalawig ng termino ng barangay at SK officialsLimang senador ang bumoto laban...
14/09/2026

5 senador, bumoto laban sa panukalang pagpapalawig ng termino ng barangay at SK officials

Limang senador ang bumoto laban sa panukalang batas na magpapalawig sa termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa limang taon.
Kapag naisabatas, maaari nitong ma-postpone ang nakatakdang November 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ang mga bumoto laban sa pag-apruba ng panukala sa second reading ay sina Bam Aquino, Risa Hontiveros, Tito Sotto, Kiko Pangilinan, at Joel Villanueva.

14/09/2026

Inaasahang maglalabas ang UP-PGH ng medical report na magsisilbing batayan kung kailangan pa niyang manatili sa ospital o maaari nang umalis.

“Pati sa Impeachment Court may nagpa-plano ng DAGDAG-BAWAS” — Atty. Levito BaligodInilarawan ni Atty. Levito Baligod bil...
14/09/2026

“Pati sa Impeachment Court may nagpa-plano ng DAGDAG-BAWAS” — Atty. Levito Baligod

Inilarawan ni Atty. Levito Baligod bilang “DAGDAG-BAWAS” ang umano’y planong pagbabago sa 16-vote threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang maikling social media post, sinabi ni Baligod:
“Pati sa Impeachment Court may nagpa-plano ng DAGDAG-BAWAS 😂”
Lumabas ang pahayag sa gitna ng diskusyon kung maaari bang baguhin ang kasalukuyang 16-vote requirement para ma-convict ang Bise Presidente, kaugnay ng usapin sa bilang ng mga senator-judges na aktuwal na makakalahok sa botohan.

14/09/2026

Ayon sa post, ika-69 na kaarawan ni Marcos ngayong araw.

13/09/2026

Ayon sa ulat, nais ng grupo na masuri at mapag-aralan ang mga isyu at pananagutan na may kaugnayan sa malaking pagkakautang ng pamahalaan.

Pulong Duterte sa magkapatid na Tulfo: “Nagsenador ba kayo para maging tuta?”Kinuwestiyon ni Davao City Rep. Paolo “Pulo...
13/09/2026

Pulong Duterte sa magkapatid na Tulfo: “Nagsenador ba kayo para maging tuta?”

Kinuwestiyon ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang magkapatid na Tulfo kaugnay ng panukalang pagbabago sa 16-vote threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang social media post, binatikos ni Pulong ang umano’y ambisyon sa kapangyarihan ng pamilya Tulfo at diretsahang tinanong:
“Nagsenador ba mo para mahimong tuta? Pakauwaw ra mo.”
Nagbigay rin siya ng mensahe kay Sen. Erwin Tulfo, kung saan kinuwestiyon niya ang umano’y ambisyon ng kanilang pamilya sa kapangyarihan at inakusahan silang gumagamit ng pananakot at pagsigaw upang mang-intimidate.
Iginiit ni Pulong na ang kanilang paninindigan sa 16 boto ay nakabatay umano sa Konstitusyon at hindi dapat ibaba dahil lamang sa kagustuhan ng nakararami.
Wala pang tugon mula sa magkapatid na Tulfo sa pahayag ni Pulong.

Address

Cabanatuan City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UsapangBayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share