RandomTrend

RandomTrend Random Content

SAVINGS SA BANGKO, MAY 20% TAX NANagsimula nang ipataw ng ilang bangko ang 20% Final Withholding Tax (FWT) sa mga time d...
17/07/2025

SAVINGS SA BANGKO, MAY 20% TAX NA

Nagsimula nang ipataw ng ilang bangko ang 20% Final Withholding Tax (FWT) sa mga time deposit at peso bond, matapos maging epektibo ang Republic Act 12214 o ang Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA), noong July 1.

Sa isang pahayag, kinumpirma ng Security Bank at UnionBank na nagsimula na silang ipatupad ang pagpapataw ng 20 porsyentong buwis sa lahat ng long-term time deposits at investments, sa unang araw ng buwan.

Samantala, tinututulan naman ng ilang grupo ang bagong polisiya dahil malulugi umano rito ang mga depositor. Sa ilalim kasi nito, bubuwisan ng 20% ang kikitain ng mga tao mula sa kanilang savings sa long-term time deposits, na karaniwang hanggang 6 na porsyento lamang ang interes kada taon.

Ibig sabihin, kung ang isang tao ay may nakalagak na PHP 100,000 sa bangko, at kikita ito ng PHP 6,000 sa loob ng isang taon batay sa kasalukuyang 6% annual interest rate, mababawasan ng PHP 1,200 ang kinita nitong interes dahil sa bagong polisiya.

TINGNAN: PARENTS, READ THIS! 🚨6-year-old nagkasakit sa BUTO dahil sa “healthy” baon sa school?! 💔Ayon sa isang viral pos...
15/07/2025

TINGNAN: PARENTS, READ THIS! 🚨
6-year-old nagkasakit sa BUTO dahil sa “healthy” baon sa school?! 💔

Ayon sa isang viral post, isang bata ang nagkaroon ng malubhang bone infection matapos araw-araw inumin ang chocolate at yogurt drinks na akala ng mga magulang ay "healthy"! 😨

Akala mo masustansya?
Hindi mo alam—sobrang dami pala ng SUGAR! 🍫🥤🧃
Sabi ng doktor, hindi sapat ang label na “fortified” o “with vitamins” kung ang asukal ay over-the-top!

Ayon kay Doc Dale Pedia:

“Ang sobrang asukal ay silent threat. Unti-unting sinisira ang kalusugan ng mga bata.”

🔍 Mga inuming dapat LIMITAHAN:
⚠️ Flavored milk / chocolate drinks
⚠️ Yogurt drinks na may artificial flavor
⚠️ Powdered juice na ‘fortified’ daw pero puro sweeteners

🍼 Mas safe na alternatibo:
✅ Tubig
✅ Natural na gatas
✅ Sariwang prutas

👩‍👧 MGA INA, MGA TATAY:
Maging mapanuri. Basahin ang nutrition label. Hindi lahat ng may “healthy” sa label ay healthy talaga.

"Masarap nga, pero araw-araw? Delikado!"

📌 SHARE THIS TO RAISE AWARENESS!
Kalusugan ng anak natin, wag pagsugalin sa tamis. 🍭

📷: Doc Dale Pedia

LBC accident sa may Atimonan, Quezon baka andito ang box niyo mga kababayan. M@saklap pa nito nabuksan yung ibang box ka...
09/07/2025

LBC accident sa may Atimonan, Quezon baka andito ang box niyo mga kababayan. M@saklap pa nito nabuksan yung ibang box kaw@wa naman yung mga may ari na matagal pinaghirapan para lang maipadala sa pamilya nila dito sa Pinas

Mag ingat po ang lahat 🙏

MAINIT NA ISYU: Elias J. TV, Asawa, at Bagong Manager!Usap-usapan ngayon sa social media ang tensyon sa pagitan ni Elias...
09/07/2025

MAINIT NA ISYU: Elias J. TV, Asawa, at Bagong Manager!

Usap-usapan ngayon sa social media ang tensyon sa pagitan ni Elias J. TV, ng kanyang asawa na si Abigail, at ng bagong manager nitong si Beverly.

Nag-ugat ang isyu matapos lumipat si Elias sa bagong management team na pinamumunuan ni Beverly. Mula noon, napansin ng netizens ang mainit na palitan ng salita sa pagitan ni Abigail at Beverly — kitang-kita sa mga viral videos at livestreams.

Umani ito ng sari-saring reaksyon. May mga dumepensa sa asawa, may sumuporta sa manager, at may nanawagan ng respeto at professional boundaries.

Hanggang ngayon, wala pang malinaw na pahayag mula sa tatlo maliban sa dating public apology ni Elias para sa kanyang asawa.

05/07/2025

Happy Sunday 🙏

"Bago Tayo Magparusa, Matuto Tayong Makinig Muna."💔 Isang malungkot na kwento ng isang estudyanteng hindi lang huli sa o...
05/07/2025

"Bago Tayo Magparusa, Matuto Tayong Makinig Muna."
💔 Isang malungkot na kwento ng isang estudyanteng hindi lang huli sa oras, kundi sa pang-unawa ng iba.

Kanina sa klase, may isa kaming kaklase na dumating ng 8:20 AM. Ayon sa patakaran ng paaralan, ang mga late ay kailangang maglinis bilang parusa. Walang tanong, walang paliwanag—agad siyang pinagsalita ng isang guidance personnel na mag-floorwax ng buong hallway sa ground floor, sa ilalim ng matinding sikat ng araw.

Hindi man lang siya tinanong kung bakit siya nahuli.
Hindi man lang inalam kung kumain ba siya, o kung ayos lang ba siya.

Tatlongpung minuto siyang nag-floorwax. Pag-akyat niya sa 3rd floor, basang-basa ang kanyang uniporme sa pawis. Halos hindi siya makalakad. At doon na siya nanghina at bumagsak.

Agad siyang tinulungan ng aming g**o at dinala sa infirmary. Binigyan namin siya ng tubig—tatlong baso agad ang naubos. Pilit naming pinakain pero wala siyang lakas. Habang tinutulungan namin siyang magpalit ng damit, doon ko lang tunay na naramdaman kung gaano siya pagod. Hindi lang dahil sa parusa, kundi dahil sa buhay na araw-araw niyang nilalabanan.

Galing siya sa Saguiaran, pero lumipat ang pamilya nila sa Cagayan de Oro para umasang gaganda ang buhay. Araw-araw, pagkatapos ng klase, naglalako siya ng ecobags sa Cogon para matulungan ang pamilya. Umuuwi siya ng alas-diyes ng gabi, kumakain ng alas-onse, naghuhugas ng pinggan, at natutulog bandang ala-una. Gigising siya ng alas-singko para lang makarating sa paaralan.

Kaya siya nahuhuli.

Pero dahil hindi siya nagrereklamo, dahil ayaw niyang sabihing "nahihirapan ako", akala ng lahat wala siyang pinagdadaanan.

Hindi tamang disiplina kung wala munang pag-unawa.
Hindi lahat ng nahuhuli ay tamad. Minsan, sila yung pinakamasipag sa labas ng paaralan.
Minsan, sila yung may pinakamabigat na pasan.

Sana bago tayo magparusa, matuto tayong makinig.
Hindi natin alam kung ilang estudyante pa ang tahimik na lumalaban sa mga laban na hindi natin nakikita.

Makinig muna bago magparusa.
Dahil minsan, isang tanong lang ang kailangan para mailigtas ang isang batang pagod na, pero pilit pa ring lumalaban. 💔

‼️BABALA: Huwag sunugin ang mga egg tray para itaboy ang lamok!Nakakalason ang usok nito at pwedeng magdulot ng lung inf...
05/07/2025

‼️BABALA: Huwag sunugin ang mga egg tray para itaboy ang lamok!

Nakakalason ang usok nito at pwedeng magdulot ng lung infection. May kaibigan akong naospital dahil gabi-gabi siyang nagsusunog ng egg tray—confirmed ng doktor na 'yun ang dahilan ng sakit niya sa baga.

📌 Bakit delikado?

Gumagawa ito ng toxic smoke (may formaldehyde, carbon monoxide, benzene).

Maaaring magdulot ng ubo, hika, bronchitis, o pulmonya.

Lalo nang delikado sa mga bata at matatanda.

Mas okay pang gumamit ng natural mosquito repellents kesa magkasakit.
Ingat palagi! 🛑🔥

LOOK: Nag viral ang isang lalaking humihingi lamang ng tubig sa isang sikat na fast food chain ngunit Ito'y nakatanggap ...
04/07/2025

LOOK: Nag viral ang isang lalaking humihingi lamang ng tubig sa isang sikat na fast food chain ngunit Ito'y nakatanggap ng 'chicken joy'.

Ayon sa kwento ng isang customer patungkol sa isang Supervisor sa pinagkainan nitong sikat na fast food restaurant, matapos masaksihan nito ang kabutihan ng puso ng supervisor na nakilala lamang sa pangalang “Khel” sa isang lalaking humihingi lang sana ng basong tubig.

“June 20, Thursday, 9:50 PM, sa Jollibee - Riverbanks, North Triangle, Marikina City, naganap ang isang di inaasahang tagpo na umantig sa aking puso.

Sa gitna ng gabi, pumasok si Tatay, humihingi ng tubig. Naka-dalawang baso pa nga siya, kitang-kita ang uhaw na uhaw na itsura. Tinanong siya ng supervisor kung kumain na ba siya. Malinaw na gutom na gutom si Tatay. Tinitingnan ko siya habang kumakain, dalawang rice at dalawang chicken ang naubos niya—isang spicy at isang regular.

Tahimik akong kumuha ng ilang litrato, siniguradong walang makakahalata. Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Tatay, tila naging masaya ang kanyang gabi. Sa Jollibee, talaga namang bida ang saya.

Sa nametag ng supervisor, nakita kong "Khel" ang nakasulat. Malabo ang aking mga mata kaya halos sumampa na ako sa counter para lang mabasa. Hindi ko na tinanong pa ang crew, baka isipin nilang may reklamo ako.

Napagtanto ko na ang kabutihan, kahit simpleng pagtanong o pagbibigay, ay walang kapalit na halaga. Ang tunay na kabutihan ay ginagawa ng pusong wagas at nagmumula sa kalooban. Ang ganitong mga simpleng bagay ang nagpapakita na ang kabutihan ay tunay na isang mahalagang katangian ng isang tao. " saad ng customer.

©️ Drew Buena/FB
Via Tangkaro News

Naging emosyonal si Matet de Leon habang nagla-live selling sa TikTok noong June 29, 2025, matapos mabasa ang ilang nega...
02/07/2025

Naging emosyonal si Matet de Leon habang nagla-live selling sa TikTok noong June 29, 2025, matapos mabasa ang ilang negatibong komento mula sa netizens.

Sa video na inupload nito kinabukasan, nilinaw ni Matet na hindi siya naiyak dahil nahihiya siya, kundi dahil sa isang “walang pusong” komento.

“Proud ako maging live seller. Masaya ako dito kahit may pinagdadaanan ako,” ayon kay Matet.

Dagdag pa niya, mag-iingat na siya sa pagbabasa ng komento para mapanatili ang saya sa kanyang trabaho.

“Gagawin ko ang best ko para hindi masira ang ginagawa kong gustung-gusto ko.”

Pinasalamatan din niya ang mga patuloy na sumusuporta sa kanya tuwing may live.

Tatay na OFW, magtatrabaho raw abroad para sa pamilya, iba pala ang tinrabaho?! "May tatlo tayong anak. Sabi mo magtatra...
01/07/2025

Tatay na OFW, magtatrabaho raw abroad para sa pamilya, iba pala ang tinrabaho?!

"May tatlo tayong anak. Sabi mo magtatrabaho ka para sa kinabukasan ng pamilya naten pero ibang babae pala trinabaho mo. Kaya pala ang pangit na ng kutob ko sa picture nyo na nakatag ka. Magkasama kayo nung babae. Tinanong kita sabi mo "wala lang yun, tropa lang". Tapos biglang hindi ka na lng nagparamdam. Hindi na kita macontact, block na ko sa fb mo.

Nabalitaan ko na lng kay kumare na nagpalit ka na ng status mo from single to married. Ganun-ganun lng yon? Basta mo lng tatalikuran pamilya mo?!" 🥺


Ipinost ng isang netizen ang pangit diumanong karanasan ng kanyang ama sa isang fastfood chain sa Guiguinto Bulacan."I w...
27/06/2025

Ipinost ng isang netizen ang pangit diumanong karanasan ng kanyang ama sa isang fastfood chain sa Guiguinto Bulacan.

"I want to speak up about something that deeply hurt me and my family.
My father, who works hard just to provide for us, was mocked by your staff. He was doing a sideline that day, driving someone to the airport. Even though he’s the only one looking after us while our mom works abroad, he still finds ways to earn extra. He never complains. He just works.

After a long day, he stopped by McDonald’s to grab a meal. Not for anything fancy, just for convenience. But instead of a simple and decent experience, he got humiliated.

He told the cashier he’d be paying through GCash, but he pronounced it “jikas” because that’s how he naturally speaks. He also says “cas” instead of cash and “sards” instead of charge. That’s just the way he talks.

But instead of understanding or simply processing the payment, the cashier repeated it back to him sarcastically, saying “jikas,” and then laughed about it with her coworker. They all laughed like my father was a joke.

When my father realized what happened, he said it again this time correctly as “ji-cash” becauseclearly he was disrespected and mocked. We told him we should speak to the manager. But what he said in response broke my heart:

“Okay lang yamuna, hindi naman talaga ako nakagraduate.”
That moment crushed me. Because he said it like it was okay to be mocked. Like it was something he was used to. As if not finishing school meant he deserved to be laughed at.
But he doesn’t.

My father didn’t finish college, but because of him and my mother’s sacrifices, we were able to. I’m a college graduate. I’m a board passer. My sister is also a graduate, and two of my sibling were still in elementary school. All because of two hardworking parents who gave up everything so we could achieve our dreams.
To the cashier and coworker who laughed at him, what gives you the right to mock someone for how they pronounce words? If someone made fun of you for being “just a cashier” or for earning minimum wage, would that be okay? No, it wouldn’t. Because disrespect always hurts, no matter who it’s aimed at.

We’re not better than anyone. But no one is better than us either. My father may not have the best pronunciation, but he has dignity. He has pride in the life he built for us, and no one has the right to take that away.

I hope this message reaches the manager of that branch. I hope your staff is reminded that respect is not optional. Behind every customer is a story, a family, a struggle, and every one of them deserves to be treated with kindness.

Branch involved:
McDonald’s Guiguinto, Plaridel Bypass Branch
Date: June 18, 2025
Time: 5:53 PM

I hid the cashier’s name for her privacy and purposes because after all, we’re not against the person. I am against the attitude towards customer, and the corrective actions that must be taken. This is for my father, and for every person who’s ever been laughed at just for being themselves.
Papa and mama, hindi niyo kami pinagtapos para lang ganyanin si papa ng mga tao. Pagtatanggol ko kayo as long as I’m alive. Mahal na mahal ko kayo. Kung minimum wage earner lang din mangmamaliit sa inyo, ako na lang hamunin niya. Sana ganyan din ang confidence niya kapag ako na nakaharap niya. "

ctto to 📷 original uploader

Address

Cabanatuan City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RandomTrend posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share