31/10/2025
๐๐๐๐๐ | Bigyan mo โko ng DEATH-alye, Anong Nangyari?
Hindi ako si Piolo, pero I deserve an explanation. Anong nangyari saโyo matapos mo kaming iwan?
Hindi mo na ba kami mahal? Gayong hindi na tumitibok ang puso mo โ na siyang nagdedeklara na ikaw ay pumanaw na. Sana may nagsabi sa akin na ang pagkamatay ay isang proseso. Na nagsisimula kapag wala ka ng pagmamahal na nararamdaman, sapagkat wala ng tibok at paghinga saโyong puso at baga.
๐ก๐ผ ๐บ๐ผ๐ฟ๐ฒ ๐ฏ๐น๐ผ๐ผ๐ฑ, ๐ผ๐
๐๐ด๐ฒ๐ป, ๐ฏ๐๐ ๐๐๐ฒ๐ฎ๐, ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐
Wala na talaga, dahil hindi naman na nakakatanggap ng suplay ng dugo at oxygen ang katawan mo. Literal na no more blood, orxygen but sweat and tears. Dahil kahit abutin ako nang magdamag sa pagluluksa, maligo man sa pawis at luha. Wala akong magagawa kundi indain ang proseso ng livor mortis ng iyong katawan.
Kung saan pumapailalim sa iyong likuran ang mga natitira mong dugo na minsang bumuhay sayo. Dahilan para mag-iba ang kulay ng iyong itaas na bahagi ng iyong balat na para bang nawalan ng kulay โ habang ang mababang bahagi ay nangingitim dahil sa pagkakatipon ng mga dugo mula sa mga kapilaryo mo o maliliit na ugat.
๐๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ผ ๐๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐
Sobrang soft spoken mo dati โ ngayon wala na, tila binalutan ka ng semento dahil sa tigas ng iyong katawan. Ni wala ng kakayahang lumikha ng enerhiya, ang aerobic respiration ay hindi na posible. Ang katawan mong maliksi at malakas, ngayon ay unti-unti nang nawawalan ng bakas. Sa Rigor Mortis, naninigas.
Mula sa kawalan ng enerhiya, dahilan para tumagas ang ions ng calcium sa muscle cells โ kaya ka naman halos maging bato na ang iyong katawan bago tuluyang madecompose. Sa pagkapunit kasi ng balat ng mga selula lumalabas ang calcium na nakatago rito; at sa pagkaipon nito sa loob ng kalamnan, tuluyan nang tumitigas ang bangkay hanggang sa mabulok.
๐ฆ๐ผ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ ๐บ๐ผ ๐ป๐ฎ, '๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฑ๐๐บ๐ฒ๐ฝ๐ฒ๐ป๐๐ฎ โ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ฐ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ
Tuluyan nang bumibitaw ang buhay ng bawat selula ng katawan mo. Wala ka ng laban, hindi na talaga kaya, kahit ang simpleng mikrobyo ay hindi na kaya sa tunggalian. Unti-unti nang sinisira ng bawat tisyu ng katawan. Lalo na ang mga nasa bitukang bahagi โ habang ang sariling enzymes ng katawan ay dahan-dahan na ring tinutunaw ang iyong sarili mula sa loob.
Hanggang sa matapos ang Rigor Mortis โ ang katawan mong nanigas dahil sa kontraksyon ng mga muscles ay sya na muling lumalambot at nabubulok. Unti-unti nang nalalagas ang balat, habang nalulusaw ang bawat tisyu, hanggang sa buhok, buto, at tuyong tisyu ng katawan na lang ang matira.
๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด '๐๐ผ๐ป, ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐ธ๐ฎ ๐ป๐ฎ
Hanggang sa huli, you were still doing the most just for us to have the least โ dahil wala ka na. Malinaw na ang lahat, sa hinaba-haba ng proseso. Alam kong kahit nakabaon ka na, andito ka pa rin sa tabi ko.
Nakamamangha ang bawat DEATH-alye, pero mas nakamamangha nung nagkasama pa rin tayo sa SM at sa parke.
Lathala at Disenyo ni Sean Rain Santos