09/12/2025
3 SUSPEK, ARESTADO SA MAGKAKAHIWALAY NA PNP OPERATION; SHABU, BARIL, MGA BALA NAKUMPISKA
29 ANYOS, ARESTADO SA SEARCH WARRANT SA LLANERA
Isinagawa ng Llanera MPS ang isang search warrant operation sa Brgy. San Nicolas, Llanera, Nueva Ecija na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 29 anyos na lalaki. Nakumpiska mula sa kanya ang isang calibre .38 revolver at mga bala. Nasa kustodiya na ng pulisya ang akusado.
BARIL ISINUKO SA TALAVERA
Isang calibre .22 na baril ang kusang isinuko ng isang 42 anyos na Barangay Tanod na residente ng Brgy. San Miguel na Munti, Talavera. Ang pagsuko ay tugon sa patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa mga ipinagbabawal at hindi rehistradong baril.
NAG-AMOK NA LALAKI SA MUÑOZ, NAARESTO; SHABU NATAGPUAN
Agad na nirespondehan ng Muñoz City PS ang insidente ng isang 30 anyos na lalaking nag-amok habang armado ng bolo sa Brgy. Gabaldon, Science City of Muñoz. Matapos maaresto, isinagawa ang kaukulang paghahalughog kung saan narekober mula sa akusado ang mga pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱20,400. Nakakulong na ang akusado sa himpilan ng pulisya.
BUY-BUST OPERATION SA STA. ROSA, NAGRESULTA SA PAGKAKAHULI NG 31 ANYOS
Naaresto ng Sta. Rosa MPS ang isang 31 anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Joseph, Santa Rosa. Matagumpay na nakabili ang poseur buyer mula sa akusado, na nagbigay-daan sa kanyang agarang pagkakaaresto. Naka-detain na siya sa istasyon ng pulisya.
:SerbisyongMabilis,TapatAtNararamdaman