29/08/2025
𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗘𝗖𝗜𝗝𝗔 𝗗𝗔𝗬 (September 2)
(Special Non-Working Holiday, Republic Act No. 7596)
Bilang paggunita ng isa sa nangunang Sigaw ng Himagsikan laban sa mga Espanyol, nakikiisa ang Wesleyan University-Philippines (WUP) sa ng buong lalawigan ng Nueva Ecija sa pagbibigay-pugay sa mga bayani na lumaban para sa kalayaan ng ating bayan.
Noong 1896, pinangunahan nina Capitan Mariano Llanera, Capitan Municipal ng Cabiao, at Capitan Pantaleon Valmonte, Capitan Municipal ng Gapan, ang 3,000 Katipunero mula Cabiao at Gapan sa kanilang pagmartsa patungong San Isidro, ang kabisera ng Nueva Ecija.
Upang itago ang tunay na layunin ng kanilang pag-atake, sinamahan ang mga Katipunero ng isang musikong bumbong, na kalaunan ay kilala bilang Banda Makabayan de Cabiao.
Bagama’t halos isang daan lamang sa kanila ang may baril at ang karamihan ay armado ng bolos, pana, at kutsilyo, matagumpay nilang sinalakay ang kabisera, nasakop ang mga pangunahing gusali ng pamahalaan—kabilang ang Casa de Gobierno, Administracion de Hacienda Publica, La Casa de la Compana de Tobacos, ang kumbento ng pari, at ang punong-himpilan ng Guardia Civil.
Ang pangunahing labanan ay nagumpisa noong Setyembre 2, 1896, na ngayon ay opisyal na ipinagdiriwang bilang Araw ng Nueva Ecija, alinsunod sa Republic Act No. 7596 (1992). Bilang pagkilala sa kabayanihan at katatagan ng mga Novo Ecijano sa kanilang pakikibaka para sa kalayaan, isinama ang Nueva Ecija sa walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng kanilang makasaysayang kontribusyon.
by Ayumi San Cai Valerio (PIO)
Graphics by Hannah Abarientos (BSIT OJT student, PIO)
Sources:
LawPhil – https://lawphil.net/statutes/repacts
Punto! Central Luzon -
http://punto.com.ph/News/Article/21150/Volume-8-No-12/Headlines/Nueva-Ecija-Day-honors
Vitales, V. A., Ferrer, M.C.D., & Mejia, H.S. (2020). Educating the Filipino Youths on the Significance of a Local Historical Event in the Philippines. PalArch’s Journal of Archaeology of Egypt/Egyptology, 17(6),8199.