04/09/2026
๐ณ๐ฐ๐ป๐ฌ๐น๐จ๐ป๐ผ๐น๐จ | ๐บ๐ผ๐ฐ๐ช๐ฐ๐ซ๐ฌ ๐ท๐น๐ฌ๐ฝ๐ฌ๐ต๐ป๐ฐ๐ถ๐ต ๐ด๐ถ๐ต๐ป๐ฏ
๐ช๐๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐
โIya, laro tayoโ tawag ni Jenny, katatapos ko lang magdilig ng orchids sa bakuran ni mama. Napangiti na lang ang aking mga mata, tapos na ang mga
gawain na akala koโy aabutin ako hanggang taong trenta trenta.
โMa, sasasali lang ako sa laroโ, paalam ko, ngunit isang pagalit ang narinig ko, o ang mga salitang, โAy hindi, delikadoโ. Napakwestyon ako, gaano kadelikado ang maglaro? Ang magsaya? Ang lumabas at gumalaw kasama ang mga kaibigan kong naglalaro ng Chinese Garter.
Anong magagawa ng makulit kong katawan, na kahit maliit ay gustong magliwaliw sa labas. Tumalon, magsaya, tumawa, at maging masigla. Siguro, hindi naman naging masama na lumabas ako ng bahay at nagpakasasa.
Nag umpisa na. Sila ang taya.
Panalo na ako sa una, hanggang bewang ang tinalon ko. โSige, ikaw ang mother ng grupoโ sabi pa ni Ayla, napangiti ako sa saya dahil sa galing kong tumalon sa garter na kulay p**a.
Lumagpas ako sa una, papataas nang papataas ang k**ay ng mga kalaban ko. Napalunok na lang ako habang tumitingin sa mga k**ay nilang nagmimistulang sanga sa hawak nilang kasing taas ng puno ng narra. Paano pa kaya sa tumpok ng kanilang makakaya? Kaya ko kayang talunin ang isang daang pulgada?
Kaya ko ba? o hindi na susubok pa? Naniwala ako sa sarili ko at tinalon ito, sa liit ng katawan ko, isang mataas na garter ang inaabot ko.
Isang talon. At ayon.
Lagapak sa lupa ang katawan kong hindi na maipinta.
Iyak. Iyak ang humuni sa buong kanto. Tinawag ng aking mga kalaro ang nanay kong naglalaba at nakaupo sa bangko. Nakita niya akong nakaratay sa lupa dahil sa isang sugal na larong binubuo ng isang garter na nakabinat sa himpapawid.
Napayakap ang buong katawan ko sa bisig niya. Nanlalamig at nanghihina, naghahanap ng isang kalinga. Napaisip ako sa puntong iyon, kung ang hangin ba ang tumangay sa aking katawan, kung ang patak ba ng pawis ko ang dumulas para mahulog ako sa ganoong kawalan, isang sanhi ng pagkalunod ng katawan kong nanlalamig na ang tiyan at namimilipit sa sakit sa lupang nilaglagan.
"Ayaw ko na", sambit ko sa aking ina, ang mga ito ay hinagpis ng isang bata na gustong kumawala at sumuko sa mundong iniikutan ng mga taling p**a. Hindi ko na kayang talunin pa ang susunod na kabanata, ang pagtigil sa paglalaro ang nasa isip ko habang nakatingin sa kisame kong may kumikislap sa dilim. Pilit na tumayo ang aking katawang pilipit at pilit na kumakawit ang nangangawit kong labi sa kakapilit na ngumiti. Nangungusap ang aking mga mata paglingon ko sa aking salamin, pagod ang kaluluwa at sumasanib na ang dilim. Kung ang pagkalaglag ko ay sanhi ng aking pagkabagok sa katotohanan, nasaan ang benda para maliwanagan ang mga nasa paligid ko na ang isang sakit ay nariyan.
Nakakubli ang aking mga paa, nakahiga sa k**a na mistulang graba. Isang pikit kada sakit ang gumuguhit sa bawat pag-alala ko sa aking pagkadapa.
Humingi ako ng tawad habang umiiyak. โAno ka ba, tumahan ka na at gamutin na natin uli ang sugat moโ ani ni mama.
Hikbi ang sumisipi sa aking labi. Napakalaking sampal sa utak ang pagkalaglag sa isang lubid, hiya ang nakakapit sa aking katawan na puno ng sugat. Ngunit isa lang ang sinasambit ng aking ina.
โHindi ka lumaki nang mahinaโ. Na sa bawat pagtanggap ko na talo ako sa laban na โto, ay ang pagtanggap ko na may isa pang pahina ang magbubukas sa libro. Siguro nga, hindi ako magaling sa chinese garter, siguro nga, nakakapilay ang pagtalon, at siguro nga, delikado.
Kagagaling ko sa eskwelahan, nagdilig muna ako sa bakuran, kinalaunan nakita ko si Jenny. May hawak pa rin siyang chinese garter, nakatingin sa akin. Ngumiti ako at humindi.
Dahil kung mapuputol man ang tali, papakat ito sa aking balat, mamumula, magsusugat. ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐ค ๐จ๐ช๐จ๐ช๐ ๐ค ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ก๐ค๐ฃ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฉ๐๐๐จ ๐ฅ๐๐ง๐ค ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ง๐๐ฃ ๐๐ ๐ค ๐จ๐ช๐จ๐ช๐ ๐ค ๐ฃ๐ ๐๐ช๐ข๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐๐ก๐๐ข ๐๐ฉ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐๐ฅ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ง๐๐ข๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐ง๐ค ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐ค๐ฃ ๐ข๐ช๐ก๐.
๐ฟ๐๐๐๐ก ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐๐ฅ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ก๐ค ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐ง๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐โ๐ฎ๐ค. ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฎ, ๐ข๐๐๐ช๐๐ช๐ก๐๐จ, ๐ข๐๐๐ช๐๐ช๐ก๐ค๐, ๐ค ๐ข๐๐ก๐ช๐ก๐ช๐ข๐ฅ๐ค. ๐๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ข๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐ก๐๐ช๐ ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ ๐ช๐ฌ๐๐ฉ, ๐๐๐ฎ๐๐ ๐ ๐, ๐ข๐๐๐๐๐๐ก๐๐ฉ, ๐๐ฉ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐๐ก๐๐ก๐๐ข. ๐๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐ก๐๐ ๐ข๐ค ๐๐ฎ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐ค, ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฉ๐ค ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ก๐ค. ๐๐๐ก๐๐ฎ ๐ข๐ค, ๐ฉ๐ช๐ข๐๐ก๐ค๐ฃ ๐ช๐ก๐ ๐๐ ๐ค, ๐๐ฉ ๐ข๐๐ก๐๐ฎ ๐ข๐ค, ๐จ๐ ๐ฉ๐ช๐ข๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ง๐๐จ๐ค ๐ฅ๐๐ก๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ช๐๐๐ฉ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ ๐ ๐ค.
โ๐ป: Czarina Marquez
๐จ๐๏ธ: Jhelaine Anne Mallare
๐ป: Will Angelo Inocencio