08/06/2024
â PAMILYA at TROPA â
Sino nga ba ang mas matimbang âtropaâ o âpamilyaâ ?
Oo tropa ang mas nauna mong nakilala kaysa sa asawa at anak mo.
At okay lang naman makipagkita âMINSANâ sa mga tropa at makisama.
Pero dapat siguraduhin mo na yung quality time at effort na binibigay mo sa tropa mo ay naipaparamdam mo din sa anak at asawa mo.
Oo ang tropa sasamahan ka niyan sa lahat ng kasiyahan, hindi ka malulungkot kapag sila ang kasama mo dahil puro tawanan at kwentuhan.
Pero sa mga araw na nagkakasakit ka nandiyan ba sila para samahan ka? Sa mga panahon na may problema ka nandiyan ba sila para tulungan ka? Sa mga oras na may dinaramdam ka nandiyan ba sila para may ma kwentuhan ka?
Sa lahat ng kasakitan o kalungkutan hindi tropa ang sasalo sayo. Kung hindi ang pamilyang binabalewala mo.
Noon puro ka pangarap sa bubuoin mong pamilya. Ilan ang gusto mong anak? Anong ipapangalan mo sa anak mo? Anong gusto mong gender ng anak mo?
Ngayong mayroon ka ng sariling pamilya na hinahangad at pinapangarap mo noon. Pinagpapalit mo lang sa mga tropa mo ngayon.
Paano kung baliktarin mo ang sitwasyon. Kung ang mga quality time sa tropa gawin mong family time sa pamilya.
Hindi ba mas masarap sa pakiramdam na alam mong hindi mo napapabayaan KUNG ANO ANG MAS IMPORTANTE.
Dapat ngayong may pamilya kana alam mo kung sino ang dapat i PRIORITIZE at para dapat kanino ang iyong RESPONSIBILITIES.