Tribuna

Tribuna Tribuna is a Sorsogon-based newspaper, focused on news and research.

BALITA: "Petisyon" para sa ChaCha, umabot na sa SorsogonDumating sa Brgy. Cota na Daco, Gubat, Sorsogon ang tatlong pers...
08/01/2024

BALITA: "Petisyon" para sa ChaCha, umabot na sa Sorsogon

Dumating sa Brgy. Cota na Daco, Gubat, Sorsogon ang tatlong personahe, kabilang dito ay si Atty. Armi Escandor Guansing at si Kagawad Glenda Brin, ng nasabing baranggay, para magpapirma ng petisyon para sa Charter Change (ChaCha), noong ika-7 ng Enero 2024, bansang alas-11 ng umaga, ayon sa isang residente na nakapanayam ng Tribuna.

Nagpakilalang kawani ng probinsyal na gobyerno si Atty. Guansing ngunit nalinaw na tauhan siya ni Congressman Wowo Fortes, batay sa aming source sa nasabing baranggay, nang tawagan mismo ni Cong. Fortes si Atty. Guansing para sabihing nasa parehong lugar na rin ito.

Laman ng dokumento ay ang amyendahan ang Sec. 1 (1), Art. XVII ng Konstitusyong 1987 mula sa orihinal na:

“The Congress, upon a vote of three-fourths of all its Members”

tungong:

“The Congress, upon a vote of three-fourths of all its Members, VOTING JOINTLY, AT THE CALL OF THE SENATE PRESIDENT OR THE SPEAKER OF THE HOUSE OF REPRESENTATIVES”

Laman rin ng dokumento na ipinaliwanag ang laman nito sa mga pumirma gamit ang kanilang diyalekto at/o anumang wika na kanilang ginagamit. Gayundin, ang grupo ng isang Atty. Anthony A. Abad ang magfa-file nito sa Commission on Elections (COMELEC).

Lambino v. COMELEC

Ayon sa Korte Supreme sa desisyon nito noong ika-25 ng Oktubre 2006 sa kasong Raul L. Lambino, et al. v. COMELEC, G.R. No. 174153 may tatlong paraan para baguhin ang Konstitusyong 1987:

1) Constitutional Assembly: Kongreso ang magbabago ng Konstitusyon sa pamamagitan ng botohan ng ¾ ng lahat ng miyembro ng Kongreso (Kamara at Senado);
2) Constitutional Convention; at
3) People’s Initiative.

Dagdag pa ng Korte Supreme, sa paraan ng People’s Initiative kailangang bukod sa dapat nasa pormang petisyon ang mga mungkahing amyenda at dapat personal na makita at mabasa ng taumbayan ang mungkahing amyenda, dapat rin na ang mga pumirma ay napaliwanagan ng katangian at epekto ng mungkahing amyenda. Kung hindi, maaaring masabi na ang pagpapapirma ay mapanlinlang.

Ayon sa Save Gubat Bay Movement (SGBM), kung saan taga-Cota na Daco ang karamihan ng myembro, walang malinaw na paliwanag na inihapag sina Atty. Guansing. Dagdag pa ng aming source, sa wikang Inggles ang paliwanag ni Atty. Guansing. Aniya, hindi makukulong ang mga pumirma, gayundin, itong pagbabago ay para sa konstitusyon. Dagdag pa umano ng abogado, kailangang taumbayan na ang magbago ng pundamental na batas.

------
Sundan ang Tribuna sa website nito: www.tribunaph.net

BALITA: Bus driver, patay nang pagbabarilin sa SorsogonNapatay si Donnie Benitez, 51, bus driver at residente ng Pamplon...
22/11/2023

BALITA: Bus driver, patay nang pagbabarilin sa Sorsogon

Napatay si Donnie Benitez, 51, bus driver at residente ng Pamplona, Camarines Sur nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek kaninang 2:30 ng umaga ika-22 ng Nobyembre 2023, ayon sa ulat ng Sorsogon City Police Station.

Ayon pa sa ulat, tumamo ng maraming sugat sa katawan ang biktima sanhi ng pamamaril na dahilan ng pagkamatay nito. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon umano ng matinding komprontasyon o sagutan ang biktima at suspek na dahilan ng pamamaril ng huling nabanggit. Agad namang tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Naglunsad naman ng hot pursuit operation ang pulisya.

------
Sundan ang Tribuna sa website nito: www.tribunaph.net

BALITA: Trak ng PNP bumangga sa nakaparadang trak sa Castilla, SorsogonTumamo ng pinsala sa katawan si Pat. Claro Celino...
17/11/2023

BALITA: Trak ng PNP bumangga sa nakaparadang trak sa Castilla, Sorsogon

Tumamo ng pinsala sa katawan si Pat. Claro Celino ng Philippine National Police (PNP) nang bumangga ang kanyang minamanehong trak ng PNP sa isa pang nakaparadang trak sa Brgy. Milagrosa, Castilla, Sorsogon bandang 10:20 ng umaga, ngayong araw, ika-17 ng Nobyembre 2023, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa paunang imbestigasyon, nang dumating sa Brgy. Milagrosa ang trak, napunta ito sa kabilang linya dahil sa basang daan at bumangga sa nakaparadang trak sa lugar. Sa ulat ng aming staff, sa uneven road ng nasabing baranggay nangyari ang aksidente.

Papuntang Brgy. Villa Hermosa, Daraga, Albay si Pat. Celino para sunduin ang mga police trainee para mag-field training sa Sorsogon Provincial Police Office.

Matatandaang inirereklamo itong parte ng Marharlika Highway sa Brgy. Milagrosa dahil hindi pantay-pantay ang daan dito na sanhi ng kahirapan sa kontrol ng mga motorista.

------
Sundan ang Tribuna sa website nito: www.tribunaph.net

BALITA: Pamamaril sa Juban, Casiguran, naitalaPatay sa pamamaril si Ronnel Labitag, 30, mangingisda, residente ng Juban ...
06/11/2023

BALITA: Pamamaril sa Juban, Casiguran, naitala

Patay sa pamamaril si Ronnel Labitag, 30, mangingisda, residente ng Juban nang pagbabarilin ito ni Noel “Homer” Galvan, 50, mangingisda, nang ilang ulit gamit ang improvised na baril, noong ika-3 ng Nobyembre 2023, bandang 10:30 ng gabi, ayon sa ulat ng Juban Municipal Police Station (MPS).

Agad tumakas ang suspek tungong plantasyon ng niyog, ayon sa ulat ng pulisya.

Samantala, patay din sa pamamaril si Arnel Halum, 42, magsasaka, residente ng Casiguran, nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek noong ika-5 ng Nobyembre 2023 bandang 3:00 ng hapon, sa Barangay San Pascual, Casiguran, ayon sa ulat ng Casiguran MPS.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Casiguran MPS, habang nagbubunot ng niyog si Arnel, nilapitan ito ng mga suspek at pinagbabaril ng ilang ulit na sanhi ng kanyang pagkamatay. Tumakas naman ang mga suspek sa hindi pa malamang direksyon.

Gayunman, ayon sa pahayag ni Samuel Guerrero, tagapagsalita ng New People’s Army (NPA) – Sorsogon, noong parehong araw, pinuntahan sa kanilang bahay si Arnel ng mga di nakikilalang dating miyembro ng NPA na nagtatrabaho na bilang mga hitman ng [Armed Forces of the Philippines] bandang 10 ng umaga.

Pagpapaliwanag ni Guerrero, si Arnel ay dating miyembro ng NPA noong 2007-2009 at matagal nang umalis sa kanilang kilusan. Dagdag pa ni Guerrero, “ayon sa kanyang pamilya, ilang buwan nang pinipilit ng militar si [Arnel] na sumurender siya sa ilalim ng E-CLIP at sumali sa grupo ng mga rebel returnee. Tinanggihan niya ang mga pamimilit na ito.”

------

Sundan ang Tribuna sa website nito: www.tribunaph.net

[TRIGGER WARNING: Violence, Blood, Cadaver]BALITA: 1 patay, 1 sugatan sa pananaga sa IrosinAway ang tinitingnang dahilan...
27/10/2023

[TRIGGER WARNING: Violence, Blood, Cadaver]

BALITA: 1 patay, 1 sugatan sa pananaga sa Irosin

Away ang tinitingnang dahilan ng pananaga ng mag-ama sa isang pamilya sa Purok 4, Brgy. Gabao, Irosin, Sorsogon, kagabi, bandang 6:30 ng gabi, ika-26 ng Oktubre 2023, ayon sa ulat ng pulisya.

Patay si Martinito Hay, 55, matapos magtamo ng mga saksak sa likod habang mayroon mga injury sa kanang braso ang kanyang asawa na si Marilyn Hay, 47. Wala namang natamong sugat si Mark Jhon Hay, 21, ayon sa ulat ng pulisya.

Arestado si Roger Dayto, 40, ang isa sa mga suspek ng nasabing insidente, habang nakatakas umano si Ronan Dayto, 21.

-------------------------
Sundan ang Tribuna sa website nito: www.tribunaph.net

[TRIGGER WARNING: Su***de]JUST IN: Lalaki, natagpuang patay sa BulanTinatayang nagpatiwakal ang isang lalaki sa Purok 4,...
20/10/2023

[TRIGGER WARNING: Su***de]

JUST IN: Lalaki, natagpuang patay sa Bulan

Tinatayang nagpatiwakal ang isang lalaki sa Purok 4, Brgy. Fabrica, Bulan, Sorsogon, matapos itong matagpuan kaninang bandang alas-4 ng hapon, ika-20 ng Oktubre 2023, ayon sa ulat ng pulisya.

Nawawala ang 31-anyos na biktima mula pa kahapon, ika-19 ng Oktubre 2023, ayon sa mga kaanak. Tiyuhin at pinsan ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima na agad ipinagbigay-alam sa pulisya.

Iniimbestigahan pa ang insidente at maglalabas pa ng spot report ang pulisya.

---------------

Tala: Hindi inilagay sa balita ang detalye ng animo'y pagpapatiwakal sang-ayon sa etikal na pamamahayag.

Sundan ang Tribuna sa website nito: www.tribunaph.net

BALITA: Dating Juban mayor, sumuko sa kasong graftBoluntaryong isinuko ng asawa ng Juban mayor na si Antonio Alindogan I...
20/10/2023

BALITA: Dating Juban mayor, sumuko sa kasong graft

Boluntaryong isinuko ng asawa ng Juban mayor na si Antonio Alindogan II, mas kilala bilang "Cama", ang kanyang sarili, ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-7 ng umaga kanina, ika-20 ng Oktubre 2023.

Habang nasa Bicol Access Health Centrum Hospital sa Brgy. Triangulo, Naga City si Cama, nang sumuko siya sa pulisya para sa paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na may 90 libong pisong nirerekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa ospital pa rin si Cama at sinisiguro ng pulisya.

Wala pang nailalabas na pahayag ang kanyang asawang si Juban Mayor Gloria Alindogan hinggil sa isyu.

------

Ang larawan ay mula sa Facebook.

Sundan ang Tribuna sa website nito: www.tribunaph.net

ABISO: Walang tubig mamayang alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga bukas, ayon sa paskil ng Sorsogon City Water Distri...
17/10/2023

ABISO: Walang tubig mamayang alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga bukas, ayon sa paskil ng Sorsogon City Water District ngayong umaga. Apektado ang mga sumusunod na barangay:

1. Barangay Bitan-o/Dalipay
2. Barangay Piot
3. Barangay Sirangan, at
4. Barangay Talisay.

Dahilan ng pagkawala ng tubig ay ang pagkakabit ng mga mainline na tubo bandang Rizal St.., at Jimenez St., Brgy. Piot.

Ayon pa sa SCWD, mangyaring mag-imbak na ng tubig. Dadaloy ito muli matapos ang pagkokonekta ng mga tubo sa nasabing lugar.

BALITA: Philippine Army, kinilala ang 2 lalaking pumatay sa dating rebeldeng si alyas Rigor; Sorsogon Police, kinundena ...
15/10/2023

BALITA: Philippine Army, kinilala ang 2 lalaking pumatay sa dating rebeldeng si alyas Rigor; Sorsogon Police, kinundena ang pamamaslang

Mariing kinundena ng 9th Infrantry Division (ID) ng Philippine Army (PA) ang pamamaslang kay Rey Esposado alyas “Rigor” ng New People’s Army (NPA) – Sorsogon, noong ika-14 ng Oktrubre 2023. Tinukoy ng 9th IDPA ang mga bumaril kay Rey na sina Ariel Duave alyas “Blackjack” at Carl Mark Berania alyas “Macoy,” ayon sa paskil nito sa kanilang page.

Ayon sa pahayag, lantarang paglabag ang pamamaslang sa Human Rights at International Humanitarian Law dahil inagaw nito ang buhay ng dating rebelde na piniling abandonahin ang armadong pakikibaka at muling makibahagi sa lipunan.

Gayundin, kinundena naman ng Sorsogon Provincial Police Office (SPPO) ang pamamaslang, ayon sa pahayag ni PCol. Dionesio T. Laceda, na ipinaskil sa kanilang page. Ani Laceda: “Ang pangyayaring ito ay isang pagpapatunay na ang CPP-NPA-NDF ay tunay na terroristang berdugo na walang pagpapahalaga sa buhay at karapatang pantao. Isa na namang pamilya ang nawalan ng ama dahil sa kagagawan ng rebeldeng grupo.”

Matatandaan sa pahayag ni Samuel Guerrero, tagapagsalita ng NPA-Sorsogon, hinatulan ng kamatayan ng kanilang Probinsyal na Hukumang Bayan si Rey dahil sa pagtataksil nito. Banggit pa ni Guerrero, nagsilbing pangunahing hitman ng death squad si Rey na pinakikilos ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police laban sa mga aktibista at mga pinagbibintangang rebolusyonaryo sa probinsya.

Dagdag pa ni Guerrero, napatunayan rin umano nila ang direktang pananagutan ni Rey sa pagpaslang kina Nicasio Ebio at Hermienigildo “Mindo” Domdom, mga aktibistang magsasaka sa Bacon District ng Sorsogon City.

Nakikipagdalamhati naman si Major General Adonis R. Bajao ng 9thIDPA sa pamilya ni Rey at ipinanawagang nakatuon ang kanilang pwersa para bigyang hustisya ang pamamaslang kay Rey.

Kasalukyang naglulunsad ang 9thIDPA ng kumprehensibong pagtukoy ng lokasyon at hulihin sina Ariel at Carl. Gayundin, patuloy ang imbestigasyon ng SPPO sa nasabing pamamaslang.

----------
Sundan ang Tribuna sa website nito: www.tribunaph.net

BALITA: Buy-bust operation sa Sorsogon City, natakasan ng suspekNakatakas si Jelito Merilo, Jr. alyas “Arjay”, residente...
14/10/2023

BALITA: Buy-bust operation sa Sorsogon City, natakasan ng suspek

Nakatakas si Jelito Merilo, Jr. alyas “Arjay”, residente ng Barangay Cabid-an, Sorsogon City sa buy-bust operation na inilunsad sa parehong lugar bandang 8:10 ng gabi, kahapon, ika-13 ng Oktubre 2023, ng mga personahe ng Sorsogon Provincial Police Office, ayon sa ulat ng nito.

Ayon sa ulat, nang makapagbenta na ang suspek ng hinihinalang ma*****na sa pulisya, napansin nito na siya ay aarestuhin at kumaripas ng takbo sa hindi pa malamang direksyon. Kasalukuyang naglulunsad ng hot pursuit operation ang pulisya.

Ayon pa sa ulat, si Merilo ay nasa listahan ng Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs at miyembro ng ESPILOA Drug Group at primaryang target ng pulisya.

------------
Sundan ang Tribuna sa website nito: www.tribunaph.net

[TRIGGER WARNING: Brutality, Killing, Blood]BALITA: Rey Esposado alyas “Rigor”, patay sa operasyong partisano ng NPA-Sor...
14/10/2023

[TRIGGER WARNING: Brutality, Killing, Blood]

BALITA: Rey Esposado alyas “Rigor”, patay sa operasyong partisano ng NPA-Sorsogon

Pagpapatupad ng parusang kamatayan ng Probinsyal na Hukumang Bayan ng New People’s Army (NPA) - Sorsogon sa kasong pagtataksil ang dahilan ng pagpatay kay Rey Esposado alyas “Rigor”, ayon sa pahayag ni Samuel Guerrero, tagapagsalita ng Celso Minguez Command, NPA-Sorsogon.

Ayon sa pahayag, operasyong partisano ang isinagawa ng NPA ngayong araw, bandang 3:30 ng hapon, ika-14 ng Oktubre 2023, sa sabungan sa Barangay Guinlajon, Sorsogon City upang ipatupad ang nasabing hatol.

Si Rey, ayon pa kay Guerrero, ay kabilang sa mga grupo na sumuko sa gobyerno noong 2018. Kasamahan nito sina Antonio Benzon alyas “Hazel” at Michael Donaire alyas “Abe” na pareho ring hinatulan ng kamatayan.

Banggit pa ni Guerrero, “matapos sumuko x x x si [Rey] ay nagsilbing pangunahing hitman ng death squad na pinakikilos ng [Armed Forces of the Philippines] at [Philippine National Police] laban sa mga aktibista at mga pinagbibintangang rebolusyonaryo sa probinsya.”

Sangkot rin umano si Rey sa pananakot at panggigipit sa mga magsasaka ng Hacienda Berenguer at Hacienda Peralta sa Sorsogon City. Napatunayan rin umano ng kanilang hukumang bayan ang direktang pananagutan ni Rey sa pagpaslang kina Nicasio Ebio at Hermienigildo “Mindo” Domdom, mga aktibistang magsasaka sa Bacon District, Sorsogon City, noong 2019.

Samantala, wala pang inilalabas na police report ang City Police Station ng Sorsogon City sa pamamaslang kay Rey.

------------
Sundan ang Tribuna sa website nito: www.tribunaph.net

[TRIGGER WARNING: Dead body]TINGNAN: Kalansay ng tao, natagpuan sa lungsod ng SorsogonDi-kilalang labi ng tao na nakasil...
12/10/2023

[TRIGGER WARNING: Dead body]

TINGNAN: Kalansay ng tao, natagpuan sa lungsod ng Sorsogon

Di-kilalang labi ng tao na nakasilid sa asul na container drum ang nahanap ng mga mangingisda kaninang ala-una ng hapon, ika-12 ng Oktubre 2023, sa Pier Site (Rompoelas), Brgy. Talisay, East District, Sorsogon City, ayon sa ulat ng pulisya.

Humingi ng tulong ang Sorsogon City Police Station sa Sorsogon Provincial Forensic Unit para sa crime scene investigation at pag-identipika sa kalansay.

--------------
Sundan ang Tribuna sa website nito: www.tribunaph.net

Address

Phase 2, Block 16, Lot 18, Seabreeze Homes
Cabid-an

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tribuna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tribuna:

Share