25/08/2026
Hindi lamang tayo gumagawa ng pelikula.
Pinapalakas din natin ang kultura.
Inaanyayahan namin ang mga indibidwal, organisasyon, negosyo, at mga brand na naniniwala sa kapangyarihan ng pelikula, kultura, komunidad, at sama-samang paglikha na maging bahagi ng produksyon ng βSayaw nin mga Salampatiβ (Dance of the Pigeons).
Maging bahagi bilang Sponsor, Investor, Producer, o Executive Producer, at samahan kami sa paglalakbay upang maisilang ang pelikulang ito mula sa komunidad tungo sa malaking tabing. Hangad rin namin, makarating sa mga manonood sa iba't ibang panig ng mundo.
Higit sa suportang pinansyal, naghahanap kami ng mga katuwang na naniniwala sa pelikula, sa kuwentong nais nitong sabihin, at sa kulturang nais nitong buhayin.
Maging bahagi ng isang pelikula.
Maging bahagi ng isang rebolusyong pangkultura.
Mag-message sa amin upang makapag-iskedyul ng project presentation. Nais naming ibahagi sa inyo ang kuwento, bisyon, at plano para sa Dance of the Pigeons, at pag-usapan kung paano kayo o ang inyong organisasyon ay maaaring maging bahagi ng pelikula.
Bukas ang aming mga pinto.
Halina. Makisayaw sa amin.