Barangay WOW Mamatid

Barangay WOW Mamatid Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay WOW Mamatid, Digital creator, Mamatid cabuyao, Cabuyao.

04/09/2025

Ready na ba ang lahat para sa 2025 Barangay Mamatid Educational Assistance for College Students? πŸ“š

Pinaghandaan ng buong Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Mamatid ang nalalapit na Pre-Registration ng Educational Assistance 2025 sa darating na September 6 at 7, 2025.

‼️ Nais po naming IPABATID na ang mga Educational Assistance form po ay AVAILABLE lamang sa mismong araw ng Pre-Registration. Kung meron pong mga falsified forms, ito po ay madali naming maa-identify. Huwag po tayong maniniwala sa mga NAMIMIGAY o NAGBEBENTA ng forms. Tanging ang mga forms provided upon entry lang po ang considered VALID. ‼️

Buong pwersa ang mga Kapitan ng Cabuyao sa pagbibigay suporta sa ating minamahal na Gobernadora, Hon. Sol Aragones.Ang a...
03/09/2025

Buong pwersa ang mga Kapitan ng Cabuyao sa pagbibigay suporta sa ating minamahal na Gobernadora, Hon. Sol Aragones.

Ang ating butihing Punong Barangay, Hon. Nani G. Himpisao ay nabigyan ng pagkakataong makausap ang ating Gobernadora at naibahagi ang ating pinapangarap na pagkakaroon ng isang Dialysis Center sa ating barangay. Ang adhikain namang ito ay agad na sinuportahan ng ating napakasipag na Gobernadora. Matapos lamang ang paguusap nitong nakaraang Lunes, agad niyang ipinagutos na mabisita ang ating bagong lupa kung saan ito binabalak na itayo.

Mga minamahal nating ka-barangay, hindi tayo titigil na mangarap at kumilos para sa ikabubuti ng ating komunidad. Higit sa lahat, tayo ay lubos na nagpapasalamat sa sobrang sipag nating Gobernadora, Hon. Sol Aragones, at sa ating napaka-supportive na City Mayor, Hon. MAYOR Dennis DENHA Hain para sa kanilang suporta at tiwala sa ating mga proyektong inilalatag.



02/09/2025

πŸ“£ PAANYAYA PARA SA CLEAN-UP DRIVE πŸ“£

Inaanyayahan po ang lahat ng mga Magulang, Guardians, Volunteers, at HPTA Officers na makibahagi sa ating Clean-Up Drive na gaganapin sa darating na:

πŸ—“οΈ Setyembre 6, Sabado
πŸ•– Ika-7 ng umaga
πŸ“ Sa ating paaralan

Ang gawaing ito ay pangungunahan ng ating SPTA Officers bilang bahagi ng ating layunin na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran ng paaralan.

πŸ’‘ Ang malinis na kapaligiran ay susi sa kaligtasan at kalusugan ng atin mga mag-aaral.

Tayo po ay umaasa sa inyong aktibong pakikiisa. Sama-sama nating simulan ang hakbang tungo sa mas ligtas, malinis, at maayos na paaralan para sa ating mga anak.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikilahok!

Muli, magkita-kita po tayo sa Setyembre 6, alas-7 ng umaga!
🧹🌿🀝

01/09/2025

BER months na naman! πŸŽ‰ Ang huling apat na buwan ng taon ay punuin natin ng pagmamahal, saya, at mga bagong karanasan.

Ngayong darating na Pasko, anong β€œSANA” mo? Ilagay na ang iyong greatest SANA sa comment section ng post na ito. Malay mo, makita ni Santa Claus ang Christmas wish mo! πŸ˜‰πŸŽ„

01/09/2025
01/09/2025

Ano nga ba ang mga kailangang dalhin at tandaan ng mga college students? Panoorin ang video ng ating SK Chairman Hon. Kent Zeus Himpisao sa pagbibigay ng malinaw na paalala at gabay sa mga dadalhing requirements para sa Educational Assistance 2025. πŸ“š

πŸ’‰πŸ« Bakuna Eskwela 2025, Simula Na!Ngayong September 4, 2025 (Thursday), ay ang Kick-Off Ceremony ng School-Based Immuniz...
31/08/2025

πŸ’‰πŸ« Bakuna Eskwela 2025, Simula Na!

Ngayong September 4, 2025 (Thursday), ay ang Kick-Off Ceremony ng School-Based Immunization (SBI) Program o Bakuna Eskwela sa mga pambublikong paaralan. Ito po ay gaganapin sa Mamatid Elementary School.

Tara na’t makiisa para makaiwas sa pag-aalala!

See photos for details. πŸ“·

28/08/2025

Utility Boys in Action: Ikaw, Ako, mag linis tayo!

Nagsasagawa ng 10-days data collection o updating ng records sa ilang piling household dito sa ating Barangay ang mga su...
28/08/2025

Nagsasagawa ng 10-days data collection o updating ng records sa ilang piling household dito sa ating Barangay ang mga surveyors ng DOST-FNRI. Ito po ay sinasagawa sa buong probinsiya ng Laguna. Inaasahan po namin ang pakikiisa ng bawat household na pre-selected ng nasabing agensiya. Maraming salamat po!



Today, we honor the bravery and sacrifices of our national heroes who fought for our freedom and shaped our nation's his...
25/08/2025

Today, we honor the bravery and sacrifices of our national heroes who fought for our freedom and shaped our nation's history. Let's pay tribute to their legacy and continue their work towards a brighter future for the Philippines. Saludo kami sa inyong kabayanihan! πŸ™πŸ‡΅πŸ‡­

Address

Mamatid Cabuyao
Cabuyao
4025

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay WOW Mamatid posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share