13/10/2020
"Puso teka! Isip muna! Alamin ang mali at tama"
Isa sa mali mong nagawa,
Yung pumili ka saming dalawa
Tapos ang pinili mo ay siya
Siya na, napag dating sa dulo ay iniwan ka
Sabi ko naman kase sayo wag basta pili
Isipin mo muna kung ano ang makakabuti
Kase kung ako sana ang iyong pinili
Di kana sana nakakaramdam ng pighati
Kase sa una pa lang ay alam na
Alam na, na ang motibo ay saktan ka
Tapos pag iniwan ka,ikaw ay mag dadrama
Sasabihin mo na, lahat ng lalaki pare-parehas lang sila
Hindi lahat ng lalaki ay ganoon sa iyong akala
Kase mas pinili mo munang mag ka jowa bago mag tiwala
Dapat kase tiwala muna bago saya
Baka pag dating sa dulo ang saya maging malungkot na
Pero hindi naman talaga kita masisisi
Kase hindi naman talaga ako kapili pili
Isa lamang akong normal na lalaki
Yung maraming kapintasan sa sarili
Pero kaming mga ganito
Nais din naming makaramdam ng maayos na pag trato,
Yung tanggap kami sa kung anong meron kami
Yung tanggap lahat ng kapintasan namin
Yung tatanggapin kami ng buong buo
Yung kami yung pipiliin sa kahit anong aspeto
Di porket gwapo ay siya na
Di ko din naman sinasabi na pare-parehas lang sila
Ang saakin lang,huwag muna agad basta mag tiwala
Kase ang tiwala,pag nasira ay malabo nang maibalik pa
Siguro ganoon ang nangyari sayo
Yung lalaking minahal at sineryoso mo,
Ay niloko ka ng husto
Kaya ganoon na lang ang pagtanggi
mo,
Pagtanggi mo sa alok ko,
Na balang araw ay maging kasintahan mo,
Siguro nahihirapan kana ulit magtiwala
Lalo na't nasaktan ka ng sobra
Pasensya kana kung ako'y makulit
Pasensya kana rin kung ako'y mapilit
Nais ko lang naman iparamdam sayo, na ako'y handang maging sandalan mo,
Sandalan sa lahat ng bagay
Mapa-pamilya man yan o sa pag aaral
Ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal na nais mong makamtan,
Pangako sa sarili na hinding hindi ka sasaktan,
At kapag dumating ang araw na ako'y payagan at maging tayo na,
Sa unang araw pa lang ay ipaparamdam na ang saya,
Pero alam ko na sa isang relasyon ay hindi lang puro saya,
Nandyan ang mga pagsubok at problema
Pero pangako kahit gaano pa kahirap yan
Ay wala akong balak sumuway sa ating pinag usapan,
Pinag usapan na hanggang sa dulo ay magkasama,
Na pagdating ng panahon ay bubuo ng sariling pamilya,
Pamilya na papanatiliin ang ligaya
Hindi hahayaan na manumbalik ang kalungkutan,
Ipapadama sayo ang wagas na pagmamahalan,
Ikaw ang magiging reyna ng aking kaharian,
At ako naman ang magiging hari na handa kang protektahan
✍️DoTCom
----Repost lng