01/11/2025
๐๐๐๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐ค๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐ ๐พ๐๐๐๐๐๐พ ๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฎ๐ค ๐จ๐ ๐ก๐ช๐ฃ๐๐จ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐พ๐๐ก๐๐ข๐๐
Oktubre 30, 2025 | Calamba City, Laguna
Nakatakdang magtayo ng permanenteng tanggapan ang Commission on Elections (COMELEC) Region IV-A (Calabarzon) sa Lungsod ng Calamba matapos ang paglagda sa Deed of Usufruct Agreement sa pagitan nina COMELEC Chairperson George Erwin Garcia at Calamba City Mayor Roseller โRossโ Rizal.
Ginanap ang pirmahan nitong Huwebes sa Convention Hall ng Jose Rizal Coliseum sa Calamba City. Sa nasabing kasunduan, pormal na pinahintulutan ang paggamit ng bahagi ng Government Regional Center na matatagpuan sa Barangay Mapagong bilang lokasyon ng itatayong regional office ng COMELEC.
Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Rizal ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng komunidad.
โAng pag-unlad ng isang komunidad ay hindi lamang bunga ng isang institusyon. Umiusad ang bayan kapag ang mga ahensya ng pamahalaan ay nagkakaisa, nagtutulungan, at kumikilos para sa layunin ng tunay na paglilingkod sa tao,โ ani Rizal.
Samantala, malugod namang tinanggap ni Chairperson Garcia ang inisyatibang ito at ipinahayag na ang pagtatatag ng permanenteng tanggapan ng COMELEC sa Calamba City ay magpapalakas sa presensya ng ahensya at magpapabuti sa paghahatid ng serbisyo publiko sa buong rehiyon ng Calabarzon.
โSa hakbang na ito, mas napapalapit natin ang COMELEC sa mga mamamayan ng Calabarzon at masisiguro nating mas madali nilang maaabot ang aming mga serbisyo,โ pahayag ni Garcia.
Ang pagtatayo ng bagong regional office ay inaasahang magbibigay ng mas episyenteng serbisyo sa mga lokal na tanggapan ng COMELEC sa rehiyon at magpapabilis sa implementasyon ng mga programa nito para sa malinis, maayos, at tapat na halalan.