29/11/2022
MAGANDANG BALITA!
Bilang ng bagong overhaul na bagon ng MRT-3, tumaas na sa 69!
Tumaas na sa 69 ang bilang ng mga bagong overhaul na bagon ng MRT-3, matapos madagdagan ito ng isa pa noong ika-25 ng Nobyembre, 2022.
Sa kabuuan, tatlo (3) na lamang sa 72 na mga bagon ng MRT-3 ang nakatakdang sumailalim sa general overhauling, bilang bahagi ng maintenance program ng mga ito.
Sa ilalim ng general overhauling, kinukumpuni at pinapalitan ng bago ang mga lumang piyesa ng mga bagon upang maibalik sa maayos nitong kondisyon.
Dumaraan din sa serye ng speed at quality checks ang mga bagong overhaul na bagon upang matiyak na ligtas ibiyahe sa mainline.
Nasa 16 hanggang 20 tren ang karaniwang tumatakbo sa linya araw-araw. Ang isang tren ay may tatlong bagon.
๐ต๐ญ