06/06/2025
Darly P. The Believer
BAKIT HINDI MABISANG SOLUSYON ANG KONTRASEPSYON SA ISYU NG HIV
Isa sa dahilan kung bakit nais ng ibang tao na suportahan ang CSE (comprehensive s*x education) ay upang magbigay ng solusyon sa problema ng HIV (human immunodeficiency virus). Hindi naman taliwas tayong mga Katoliko rito lalo na ay sinusuportahan natin ang kahalagahan ng “abstinence” kung hindi pa kasal ang nasa relasyon at alam niya na may HIV ang kanyang karelasyon. Ngunit, sa CSE, tinuturo sa mga bata at kabataan na walang masama sa paggamit ng birth control tulad ng condom lalo na para maiwasan ang pagkakaroon ng HIV habang magagawa pa rin nila ang makipagtalik. Ayon kay Senator Risa Hontiveros,
“We need to fully utilize and implement all available and relevant policies to capably respond to the rapid rise of HIV in the country [1].”
Isa sa solusyon ng senador ay ang pagtuturo ng condom sa mga kabataan upang mabigyan ng proteksyon mula sa HIV. Ang paggamit ng “birth control” tulad ng condom ay taliwas sa “natural law” dahil ito ay taliwas sa pagiging bukas sa pagbubuo ng pamilya, ito ay nagdudulot ng “objectification” kung saan tinuturing nila ang sarili na parang bagay na nagdudulot ng “s*xual pleasure” at ito ay taliwas sa karapatan ng mga bata dahil sila ay tinuturing na “unwanted children” kung sila ay nabuo sa kabila ng paggamit ng condom. Gayunpaman, mahalaga pa rin na malaman natin kung nakakatulong ba talaga ang condom sa pagbaba ng HIV? Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang sagot dito ay “Hindi.” Napakahalaga na balikan natin ang kasaysayan lalo na sa mga bansa na nagpalaganap ng paggamit ng condom sa kanilang s*x education. Tignan natin ang bansang Botswana sa Africa. Ayon sa isang artikulo,
“In Botswana, for example, condom sales rose from one million in 1993 to three million in 2001 while HIV prevalence among urban pregnant women rose from 27 percent to 45 per-cent [2].”
Kahit na isang milyon ang condom na binibili, higit pang nadagdagan ang porsyento ng mga buntis na babae na may HIV. Ito ay kabaligtaran sa prediksyon ng mga taga suporta ng birth control sa iba’t ibang panig ng mundo, kasama na dito sa Pilipinas. Bukod pa rito, makikita natin sa Uganda ang halimbawa kung ano ba talaga ang naging solusyon sa pagbaba ng mga kaso ng HIV. Ayon sa pag-aaral ng “Medical Institute for Sexual Health”,
“From the early to the late 1990s,HIV seroprevalence rates in Uganda dropped by two-thirds – from nearly 30% in 1990 to less than 10% in 1998 in pregnant women,from nearly 25% in 1990 to 14% in the mid-1990s in military conscripts,and from 22% in 1991to 6% in 1999 in the general population [3].”
Mula sa 22% sa buong populasyon ay napababa sa 6% ang mga mayroong HIV. Ano ba ang naging solusyon ng Uganda na maaaring matutunan natin, lalo na ng senador na si Risa Hontiveros? Ayon mula sa pag-aaral,
“Faith-based organizations play an integral role in the national response by promoting abstinence and faithfulness (…) To date, there are no clear examples of a country that has turned back a generalized epidemic primarily through condom promotion [3].”
Ibig sabihin, napakalaki ng naitulong ng relihiyon sa pagpapalaganap ng “abstinence” at “faithfulness.” Klaro rin sa pag-aaral na nasa itaas na hindi ang pagpapalaganap ng condoms ang nakapagpababa ng kaso ng HIV kundi ang pagbabago sa perspektibo ng mga kabataan at mga matatanda. Sa panahon natin ngayon, sinasabi na hindi raw epektibo ang relihiyon gayong ang resulta ng mga pag-aaral ay kabaligtaran ng kanilang akusasyon sa Simbahan. Sa katotohanan, hindi lang natin makikita sa ibang bansa na ang pagpapalaganap ng condom ay may relasyon sa pagtaas ng HIV cases. Makikita rin natin ito sa ating sariling bansa sa pagkumpara nito sa Thailand.
Sa Thailand, sila ay nagkaroon ng “100% Condom Programme” upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng AIDS sa kanilang bansa [4]. Sa mga panahong ito, wala pang RH law sa Pilipinas at ang pangunahing solusyon ay ang rekomendansyon ng Simbahang Katolika na “abstinence.” Ayon sa Joint United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS), nagkaroon ng 570,000 na kaso ng HIV sa Thailand kung ikukumpara sa 9,000 na kaso ng HIV sa Pilipinas [5]. Higit 63 na beses na mas mataas ang kaso sa Thailand na mayroong comprehensive s*x education at nagpapalganap ng condom kung ikukumpara sa Pilipinas na sa mga panahong ito ay mas nakikinig sa Simbahan.
Patuloy na iniisip ng iba na tila ba ang Simbahang Katolika ay ang kalaban ng bayan dahil hindi sumusuporta ito sa pagpapalaganap ng iba’t ibang birth control tulad ng condom. Ngunit, makikita rin sa ibang bansa ang epekto ng Simbahan pagdating sa mababang porsyento ng HIV sa kanilang bansa. Makikita natin sa baba ang porsyento ng mga Katoliko sa kanilang populasyon at ang porsyento ng HIV.
“On the basis of data from the World Health Organization, in Swaziland where 42.6% have HIV, only 5% of the population is Catholic. In Botswana, where 37% of the adult population is HIV infected, only 4% of the population is Catholic. In South Africa, 22% of the population is HIV infected, and only 6% is Catholic. In Uganda, with 43% of the population Catholic, the proportion of HIV infected adults is 4% [6]”
Sa Pilipinas naman na 81 ang porsyento ng mga Katoliko [7], mababa pa sa 0.1% ang porsyento ng mga may sakit na HIV [5]. Sinasabi ng maraming kritiko ng Simbahan na hindi raw epektibo ang pagtuturo ng pananampalataya sa pagbaba ng HIV sa bansa. Ngunit, kung makikita natin ang mga datos, ito ay kabaligtaran sa katotohanan. Higit sa lahat, kung sila ay nagrereklamo sa sitwasyon ngayon, bakit sinisisi sa Simbahan gayong sinusuportahan ng mga liberal pagsasabatas sa Reproductive Health Law noong 2012.
Bakit nga ba tila taliwas ang prediksyon ng taga-suporta ng kontrasepsyon sa mga pag-aaral? Ito ay dahil kapag ituturo sa mga kabataan na ayos lang ang makipagtalik kung mayroong “proteksyon” mula sa condom o birth control, mas may dahilan ang mga kabataan na lagi na lamang makipagtalik sa kanilang karelasyon. At, darating ang punto na kapag mayroon silang “s*xual urge” na makipagtalik sa oras na wala silang dalang condom o contraceptives, magpapadala na lang sila sa pagnanasa kasi hindi tinuro ang kahalagahan ng abstinence. Hindi sila naturuan ng kahalagahan ng pagdidisiplina. Bukod pa ito sa mga pagkakataon na nasisira ang ilang condom sa oras ng pakikipagtalik at nagkakaroon ng “leakage”.
Ang Simbahang Katolika ay hindi taliwas sa s*x education kung ang tinuturo nito ay kahalagahan ng “abstinence”, “natural family planning” at pagtuturo na ang pakikipagtalik ay dapat ginagawa sa konteksto ng kasal at sa pagbuo ng pamilya. Ngunit, ang pagtuturo ng birth control tulad ng mga condom ay hindi lang taliwas sa moralidad kundi hindi ito epektibo bilang solusyon sa HIV. Walang katotohanan ang iniisip ng iba na walang pag-asa sa mga kabataan. Ito ay naaayon sa katotohanan na makikita sa iba’t ibang pag-aaral. Sa halip, ang gobyerno ay may responsibilidad na turuan ang mga Pilipino na maging mabuting mamamayan at maging responsable sa kanilang buhay, kasama na sa usapin ng sekswalidad.
Mga Sanggunian:
[1] https://legacy.senate.gov.ph/press_release/2019/1023_hontiveros3.asp
[2] https://www.jstor.org/stable/3181160
[3]https://chastity.com/wp-content/uploads/2013/07/evidence-that-demands-action-1.pdf
[4]https://data.unaids.org/publications/irc-pub01/jc275-100pcondom_en.pdf
[5]https://nebula.wsimg.com/d08a22c92c43ef5b5e40a56d0c6646d4?AccessKeyId=A9E551EFDCD84AD2A17A&disposition=0&alloworigin=1 (Page 15)
[6] https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC1181277/
[7] https://www.catholic-hierarchy.org/country/sc1.html