
19/06/2025
June 19, Maligayang Kaarawan sa ating pambansang bayani si Dr. Jose P. Rizal
---------------------------
Maraming salamat po sa biyaya ng buhay ni Dr. Jose Rizal. Sa araw ng kanyang kapanganakan, inaalala namin ang kanyang tapang, katalinuhan, at wagas na pagmamahal sa bayan.
Nawa’y maging inspirasyon sa amin ang kanyang sakripisyo upang maglingkod ng tapat at walang inaasahang kapalit. Ibigay Mo po sa amin ang lakas ng loob upang ipaglaban ang katotohanan, ang dangal, at ang kapakanan ng aming kapwa.
Gawin Mo po kaming tunay na makabayan—mapagpakumbaba, makatarungan, at may malasakit sa kapwa. Tulungan Mo kaming ipagpatuloy ang sinimulan ni Rizal para sa isang mas maunlad, mapayapa, at makatarungang lipunan.
Ito po ang aming dalangin, sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon. Amen.