12/02/2025
AWARENESS ❗️❗️❗️❗️
Dahil uso na naman ngayon ang pandurukot ng bata gusto ko lang I share sa inyo ang aking karanasan ng akoy nag aaral pa ng elementary sa Pulo Elementary School uso din Nung mga araw na yun ang pandurukot ng bata at lagi ngang sinasabi na naka van ang nadurukot enrollment ng araw na yun kasama ko ang kaibigan ko na si Jojo na nagaaral naman sa Banlic Elementary School ang una naming pinuntahan ay ang aking Eskwelahan dahil nga nagpaenroll nga ako Nung matapos na ko magpa enroll sa Pulo sunod naman na among pinuntahan ay school ng aking kaibigan na si Jojo dun nga sa Banlic napagpasyahan namin na maglakad na lang Papunta don Dahil malapit lang naman sya din ay magpapa enroll ng matapos na kami magpa enroll sa kanyang eskwela naisip na namin na maglakad na lamang din pauwe Dahil malapit naman na ang aming tirahan habang kami ay naglalakad Tumigil kami saglit Dahil nagsabi sakin ang aking kaibigan na sumasakit daw ang kanyang paa yung suot kasi nya ng time na yun ay may takong at ako naman ay naka tsinelas naisipan namin na magpalit na lang muna ng suot sa paa Dahil malapit na naman kami makauwe at matapos nga nun kami ay nagpa tuloy sa aming paglalakad nakalipas ang Ilang minuto ako ay may napansin kami ay sasalubungin ng Puting Van akoy nakaramdam ng kakaiba Dahil nga Nung mga panahon na yun ay marami ang napapabalita ng pandurukot ng bata kaya nakaramdam ng kakaiba hindi ko alam kung bakit sa mga oras na yun ay iba ang kaba ko habang papalapit samin yung Sasakyan na Puting Van at Dahil nga sa pakiramdam ko na yun napasigaw ako sa aking kaibigan na ‘TAKBO JO!!!’ Kami nga ay Tumakbo pabalik at hinabol kami ng sasakyan na yun sa aming pagtakbo ng mabilis sinusundan tlga kami ng sasakyan habang kami ay tumatakbo Dina namin alam ang aming gagawin sa mga oras na yun Dahil sa takot ng makakita Kami ng tao sa tawid naisipan namin tumawid at dumikit sa taong iyon Mabuti naman at hindi na kami sinundan Nung pag tawid namin Salamat kay kuyang nasa tawid Dahil sa kanya naligtas kami at ng kami Nakauwe na nakakatatak parin samin ng kaibigan ko ang pangyayare na yun at magpa sa hanggang ngayon trauma parin sakin yun pakiramdam ko second life ko na to Dahil sa pangyayari na yun. Ito po ay nangyare sa may Banlic highway sa may Paliko bago mag Walter mart Banlic pero Nung time na nangyare yun i Wala pa pong Waltermart damuhan palamang po I yun. Kaya ko po shinare sa Inyo ang karanasan namin Para maging aware po tayo Dahil nauuso na naman po ngayon ang pandurukot sa mga bata Para sa isang Mami na tulad ko ngayon ako lang po ay nagbibigay babala na magingat Ingatan po natin ang ating mga anak ayoko ko lang din po na maranasan ng aking anak ang trauma na yun at ng iba pang mga bata Dahil sa panahon ngayon marami ng gumagawa ng kasamaan para lang sa pera at sana maishare natin ito para maging Aware din ang ating gobyerno na totoo at may nangyayaring ganito sa ating bansa ngayon nga ay wla na pinipili pati matatanda ay dinurukot na rin sana ay tutukan nila ang mga ganitong pangyayare sa bansa natin wag po natin hayaan na magpatuloy ito Dahil matagal na po nilang ginagawa ito magpasahanggang ngayon sana ay matigil na ang mga karahasan‼️‼️‼️
Keep safe po sa lahat lagi po tayo maging Alerto
sa lahat ng pagkakataon God bless po💙