20/10/2025
CONGRESSMEOW TO GATCHALIAN: “TUTA KA RIN NI ROMUALDEZ”
Matapang na bumuwelta si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kay Senator Win Gatchalian matapos sabihin ng senador na babagsak umano ang ekonomiya ng bansa kung aalisin ang Value Added Tax (VAT).
Sa isang pahayag, diretsahang hinamon ni Barzaga ang senador:
“Pili ka, tanggalin ang VAT o tanggalin ang mga magnanakaw? Di mo kaya dahil tuta ka rin ni Romualdez!”
Ang sagot ni Barzaga ay reaksyon sa sinabi ni Gatchalian na:
“Very popular na sabihing babaan yung VAT, meron pa nga akong narinig tanggalin yung VAT pero pag tinanggal yung VAT, rest assured collapse yung buong ekonomiya natin.”
Ayon kay Barzaga, hindi VAT ang dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya, kundi ang patuloy na pagnanakaw at maling paggamit ng pondo ng bayan.
Giit niya, kung seryoso si Gatchalian sa fiscal reform, dapat ay inuuna nito ang pagwawalis sa katiwalian, hindi ang pananakot sa publiko gamit ang argumento ng “economic collapse.”
Ibinahagi rin ng ilang netizens ang opinyon ni Barzaga, sinasabing tama lamang ang panawagan niyang “tanggalin muna ang mga magnanakaw bago ang buwis.”