21/07/2026
“CAN YOU REFRESH ME, SIR?”
Ito ang naging tugon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag matapos siyang tanungin ng defense counsel na si Atty. Mark Vinluan tungkol sa nilalaman ng Rule 130, Section 22 ng Rules of Evidence sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Bago ito, kinumpirma ni Matibag na siya ay abogado at 29 taon nang nasa legal na propesyon.
Kasunod nito, tinanong siya ni Vinluan kung naaalala niya ang Rule 130, Section 22 ng Rules of Evidence.
Sa halip na direktang sagutin ang tanong, hiling ni Matibag:
“Can you refresh me, sir?”
Naging bahagi ang palitang ito ng cross-examination ng depensa sa testimonya ni Matibag, na iniharap ng House prosecution panel bilang huling testigo para sa impeachment article na may kaugnayan sa umano’y grave threats.
゚viralシ