17/08/2025
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | ๐๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ก๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐: ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฟ. ๐๐ป๐ด๐ฒ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐ข. ๐ ๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ผ
Sa bawat silid ng St. Ignatius Academy, may tahimik na liwanag na patuloy na sumisiklabโhindi mula sa bombilya o araw, kundi mula sa alaala ng isang babaeng minsang naglakad sa mga pasilyo dala ang ngiti at malasakit na kayang magpagaan ng kahit pinakamabigat na araw.
Ang Agosto 17 ay hindi basta petsa sa kalendaryo. Sa puso ng bawat Ignatian, ito ang araw na parang biglang humina ang liwanag sa pasilyoโang araw na tahimik na pumikit si Dr. Angelita โAngieโ Montero, ang babaeng naging ilaw ng St. Ignatius Academy. Isang taon na ang lumipas, ngunit tila sariwa pa ang alaala ng kanyang mga hakbang sa koridor, at ng kanyang boses na palaging may baong pag-asa. Hindi lamang siya tagapagtatag ng tatlong kampus sa Biรฑan, Cabuyao, at Sta. Rosa โ siya rin ang naging kanlungan ng mga batang naliligaw at sandalan ng mga g**ong napapagod.
Sa gitna ng pandemya, nang ikandado ang buong mundo, mas pinili niyang buksan ang paaralan para sa mga mag-aaral na wala nang kakayahang magpatuloy. โMas nauna po naming alalayan ang mga estudyanteng halos hindi na makapag-aral,โ wika niya noon sa Saludo Excellence Award 2022โsalitang hindi lamang binitawan, kundi isinabuhay. Ang kanyang bubbly na personalidad at mapagkumbabang puso ay nagsilbing dahilan kung bakit madali siyang lapitan. Tulad ng puno sa gitna ng bakuran, marami ang humanap ng lilim sa kanyaโmga g**o na nalilito, mga mag-aaral na nawawalan ng pag-asa, at mga taong naghahanap lamang ng masasandalan.
Ngayong unang anibersaryo ng kanyang pagpanaw, hindi luha ang nangingibabawโkundi pasasalamat. Sa bawat unang tunog ng bell, sa bawat araling sinisimulan ng isang g**o, may maliit na bulong: โIto ay para saโyo, Maโam Angie.โ Para bang ang bawat tagumpay ng paaralan ay talulot na patuloy na namumukadkad mula sa mga binhi ng kabutihang minsan niyang itinanim.
At sa gitna ng katahimikan, may aral na inilawan ng kanyang buhay: ang tunay na paglilingkod ay hindi natatapos sa kamatayan โ itoโy nagiging liwanag na pinanghahawakan ng mga taong naiwan.
Lathalain ni: Raizzel Asi