29/06/2026
May gusto lang akong i bahagi !!
Noong bata pa ako, madali akong ma implewensyahan sa mga taong lagi kong nakakasama. Kapag may ginagawa sila, gusto ko ring gawin. Kapag may interes sila, nagiging interes ko rin. Ang goal ko noon, parang maging katulad nila.
Habang tumatagal, napansin ko na hindi lang pala yung magagandang bagay ang nakukuha ko. Pati yung mga maling nakasanayan nila, unti-unti ko ring nagagawa nang hindi ko namamalayan.
Pero habang tumatanda ako, may isa rin akong natutunan.
May mga bagay na ginagawa ko ngayon tulad ng pag-inom o paninigarilyo na alam kong hindi ko puwedeng isisi sa mga taong nakapaligid sa akin. Choice ko 'yon. Responsabilidad ko 'yon.
At doon ko rin na-realize ang isa pang mahalagang bagay.
Darating pala ang punto na kailangan mong tumigil sa kakasunod sa yapak ng iba. Kailangan mong matutong gumalaw dahil iyon ang pinili mo, hindi dahil iyon ang uso, iyon ang ginagawa ng tropa, o iyon ang ginagawa ng iniidolo mo.
Sa totoo lang, wala pa akong narating. Marami pa rin akong inaayos sa sarili ko. Pero isang pagbabago ang ramdam ko. mas may kontrol na ako sa oras ko, sa mga desisyon ko, at sa direksyong gusto kong tahakin.
Siguro kaya ko ito binahagi dahil baka may katulad ko rin noon. Minsan hindi natin namamalayan kung gaano kalaki ang impluwensya ng mga taong araw-araw nating kasama. At minsan naman, kailangan din nating tanggapin na may mga desisyong atin lang talaga, at tayo lang ang may pananagutan.
Sa huli, pareho silang mahalaga ang environment na pinipili mong manatili, at ang mga desisyong pinipili mong gawin kapag wala nang ibang dapat sisihin.
Pareho silang humuhubog sa taong magiging ikaw.
Inang itsura yan. MUKANG SOURCE ampðŸ˜