
21/06/2024
Kwento ng isang anak na nakasaksi sa paulit-ulit na pamba-babae ng kanyang ama..
Ito'y isang kwento ng isang anak
Anak na nakita niya kung paano nawasak
Ang puso ng kanyang ina
Nang dahil sa pagiging babaero ng kanyang ama.
Noong bata pa ako
Palagi kong nakikita na nag-aaway ang mga magulang ko
Ang papa ko kasi ay napaka-babaero
Pero tinitiis ni mama ang lahat, basta kami ay buo.
Umiiyak din siya noon palagi
At nasasaktan din kasi
Pero dumating 'yong panahon
Na hindi na siya apektado sa mga ginagawa ng papa ko noon.
Lumaki kaming magkakapatid na may mataas na respeto
At may malaking pagmamahal sa mama namin mismo
Pero mahal din namin si papa
Malayo lang ang aming loob dahil sa mga babae niya.
Nakakalungkot lang noong panahon na tumanda na sila
Doon lang nagbago si papa
Pero parang huli na
Dahil 'yon naman ang panahon na sarado na ang puso ni mama.
Unang beses kong nakita na umiyak si papa
Dahil nakita niya na nagbago na ang asawa niya
Hindi na gaya ng dati
Malamig na sa kanya at naging bato na ang puso kasi.
Gusto niya sanang ibalik 'yong pagmamahal ni mama dati
Pagmamahal na binalewala niya dahil sa paulit-ulit na pagba-babae
Ngunit naging matatag si mama sa kanyang desisyon
Ibinuhos niya nalang sa aming mga anak ang pagmamahal niya ng panahong 'yon.
Nawala ang lahat ng mga babae niya
Iniwan siya dahil matanda na
At sa pagtanda niya ay kami din pala ang mag-aalaga sa kanya
At si mama na sobrang sinaktan at dinurog ang puso sa trauma.
Nalulungkot ako bilang anak para sa papa ko
Ngunit wala akong magawa dahil anak lang ako
Hindi ko pwedeng diktahan ang puso ni mama
Dahil saksi ako kung paano niya tiniis ang lahat hanggang sa magsawa.
May asawa sana siyang mabait at maalaga
Mapagmahal at tapat sa kanya
Ngunit hindi niya 'yon nakita
Dahil abala siya sa mga babaeng kanyang reserba.
Sana iningatan niya noon ang puso ni mama
Sana nagbigay siya ng mataas na respeto sa kanyang pamilya
Sa ngayon ay kasama pa din namin siya
Inaalagaan dahil may sakit na.
Ngunit lagi kong nakikita ang lungkot sa kanyang mga mata
Dahil ramdam niya na respeto nalang ang meron si mama
Pero ang pagmamahal sa kanya ay wala na
Panahon nalang ang makapagsasabi kong ang pagmamahal ay maibalik pa kaya?
🩷